Chapter 42

23 4 0
                                    

C H A P T E R 4 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Sumabog 'yung utak ko sa test!" inis na sabi ni Shila saka ginulo ang sariling buhok. 

"Gusto mo lagyan pa natin ng bomba 'yang utak mo para mas lalong sumabog?" nakangising tanong ni Milo na nasa tabi niya kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Shila. 

"Eh, kung pasabugin mo kaya mukha mo-" 

"Sorry, masyadong matibay ang mukha ko para mapasabog mo," nakangising sabi ni Milo kaya mas lalong umusok s agalit si Shila. 

Nagsisigaw na ito ng kung ano-ano kaya napangiwi si Santa. Mahina niyang hinampas ang dibdib ni Milo dahilan para kunot-noo siyang napatingin sakaniya si Milo. 

"What!?" 

"Dapat hindi mo na siya inasar. Look, she looked pissed and gonna explode any minute from now," nakangiwi niyang sabi habang tinititigan si Shila na parang batang nagwawawala. 

"Explode!? Sa gan'yang mukha satingin mo sasabog pa lang 'yan? Mukha 'ngang kanina pa 'yan sumabog eh," natatawang sabi ni Milo kaya mabilis siyang nilingon ni Shila. 

"Putangina mo talaga Miloga!" 

Nanlalaking matang tinignan siya ni Milo. "Anong Miloga!? Hoy mas gwapo ako sa luga-" 

"At sinong magsabing gwapo ka!?" naghahamon na tanong niya dahilan para tignan siya ni Milo.

"Edi si 'yung Lilyshi ko," nakangiting sabi ni Milo at hinawi ang ilang pirasong buhok na humarang sa mata niya. 

Gulat na tumingin naman si Shila sakaniya. "Weh! totoo bang sinabi mo talaga 'yun, Ms. Ceo!?" 

Malawak siyang ngumisi kay Shila at umiling. Nang tignan niya si Milo ay malakas siyang natawa. Paano ba naman, mukha na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura niya ngayon. 

"Pero sinabi mo lang kahapon na gwapo ako sa paningi-" 

"Well, ngayon hindi na," kibit-balikat niyang sabi at uminom ng coke na binili ni Milo para sakaniya. 

Medyo nabago na ang dati niyang habit na pagkain ng mga healthy foods dahil kay Milo. Kahit man gusto niya tanggihan ang mga inaalok nito ay biglang sumasagi sa isip niya na ginagawa ni Milo ang lahat upang alagaan siya ng mabuti. At pasubukin siya ng mga bagay na hindi niya pa dati nasusubukan. 

"Oh, ano ka ngayon? Miloga," natatawang sabi ni Shila at malakas na pumalakpak habang tumatawa. Mahinang natawa si Santa at tinapik ng ilang beses ang balikat ni Milo. 

"Bawi ka na lang next time," nakangisi niyang sabi at kinagatan ang fries. 

"Paano kung ngayon ako bumawi?" 

Agad kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi nito kaya humarap siya kay Milo. Nanlaki ang mata niya ng kinagatan nito ang dulo ng french fries na kagat niya. 

"Ay putangina, nanonood ba ko ng live na k-drama!?" nakangiting sbai ni Shila at nilabas phone mula sa bulsa. 

Hindi niya na alam ang sunod nan nangyari. Natagpuan niya na lang ang labi ni Milo na malapit na sa labi niya. Isang malaking kagat na lang ni Milo sa french fries ay magkakadikit nang tuluyan ang labi nila. 

Halos maduling na ang dalaga dahil sa lapit nilang dalawa. Rinig niya ang sigaw ni Shila ngunit hindi niya maintindihan kung ano iyon. 

Napalunok siya ng umurong na si Milo kayamas lalong lumiit ang french fries. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib niya na halos malagutan na siya ng hininga. Pati na rin ang tuhod niya ang nanginginig na rin kahit na nakaupo lang siya ay ramdam niya babagsak siya anytime. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon