Chapter 55

63 4 12
                                    

C H A P T E R 5 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Paano? Paano ako nagka-anak, Milo!?" hindi makapaniwalang tanong ni Santa habang titig na titig kay Polate na mahimbing ang tulog. 

Malakas na bumuntong hininga si Milo saka umayos ng upo. Pinalibot niya ang matikas na braso sa maliit na bewang nito. Sinandal niya ang baba sa balikat nito at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. 

"Ipapaliwanag ko mula una hanggang sa huli but, be ready," paalala niya saka masuyong pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. 

Napangiti na lang ng malawak si Milo habang titig na titig sa magkasiklop nilang kamay. Matagal niya nang hindi nasisilayan ang mala kandila na daliri ni Santa na nakadantay sa malaking kamay niya, kaya hindi niya maiwasang kiligin. 

"Are you ready?" malambing niyang tanong habang titig na titig sa side view ni Santa. 

Malakas itong bumuntong hininga saka tumango. Kitang-kita niya ang kaba sa mga mata nito kaya agad niyang hinalikan ang noo nito. 

Hinihiling niya na sa kahit sa simpleng paghalik niya sa noo nito at mahigpit na paghawak sa kamay niya ay kumalma si Santa. 

Alam niyang mas lalong mahihirapan si Santa na iproseso sa isip niya lahat ng ipapaliwanag niya kaya hindi niya maiwasang kabahan para dito. Pero hindi niya na kayang patagalin pa ang paglilihim niya dito. 

"What the fuck is this, Milo?" seryosong tanong ng dad niya matapos niyang malakas na nilapag ang papel kung saan siya pumirma na aalis na siya sa companya nila. 

"I can't do this anymore," malamig niyang sabi at akmang tatalikod na nang magsalita ito. 

"Ano, pipiliin mo pa rin 'yung mahinang babaen-" 

"Don't you dare to insult her again," madiin niya sabi at malamig na tinitigan ang dad niya ng diretsyo sa mata. 

Maraming nagsasabing carbom copy niya ang daddy niya pero sa tuwing naririnig niya iyon ay parang gusto niyang tanggalin na lang ang mukha niya at papalitan iyon upang hindi na iyon marinig pang muli. 

Pero sa tuwing tumititig si Santa sa mga mata niya at mukha niya, ang lahat ng pandidiri sa sarili ay nawawala. Dahil sa paraan ng pagtitig sakaniya ni Santa ay nagbibigay sakaniya ng sapat na kumpiyansa sa sarili. 

"Tama naman ako hindi ba? Mahina ang babaeng 'yun dahil hindi niya magawang labanan ang sarili niyang a-" 

"Sainyong dalawa ikaw ang mas mahina, Rozen. Wanna know why?" sarkastiko nitong tanong dahilan para tumaas ang kilay nito. 

Pinagsiklop nito ang dariling kamay at sinandal ang siko sa lamesa saka sinandal ang baba sa nakasiklop na kamay. "Who are you to say that I? more than weak than the gir-" 

"You chose to run away from inay when she was pregnant with me," malamig niyang sabi dahilan para unti-unting nawalan ng emosyon ang mukha nito. 

"You don't know what the reason why I run away from your mom-" 

"Dahil lang sa pesteng companya na 'to!?" hindi makapaniwalang sabi niya dahilan para magtagis ang mga bagang nito. 

Tumayo na ito at walang emosyon na tumingin sakaniya. "Don't call this company a peste-"

"Edi tarantadong company na lang, tarantado rin naman kasi ang may-ari-" 

"How dare you!" 

Agad niyang ginilid ang katawan niya ng makitang may matulis na bagay ang binato ng daddy niya. Napangisi na lang siya ng malawak ng marinig niya ang pagbasag ng bagay na nasa likod niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now