Chapter 45

26 3 0
                                    

C H A P T E R 4 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Gusto mo ba nito?" tanong ni Milo sakaniya. Tumango lang siya saka nilabas ang wallet.

"Ako na magbabaya-" 

"Here ate," sabi niya at mabilis nilapag ang bayad para sa pagkain at mabilis na kinuha iyon. 

Akmang magsasalita pa si Milo nang agad na siyang tinalikuran ni Santa at nagdiret-diretsyo sa umbrella. 

Ramdam niya ang presensya ni Milo sa likuran niya ngunit hindi niya iyon pinansin. 

"Meron ka ba ngayon, Lemon ko?" malambing na tanong ni Milo at inakbayan siya.

Imbis na sumagot at binuksan niya na lang ang balot ng pagkain niya ng maingat. 

"Bakit hindi mo ko pinapansin!? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito. At katulad kanina ay hindi siya sinagot ni Santa . 

Binilisan niya na lang ang paglalakad. Dahilan para mapabitaw si Milo sa balikat niya. Hindi niya na ito nilingon pa at umupo na sa harap ni Shila. 

Bahala siya d'yan. Hahayaan niya si Milo na siya mismo ang makaalam kung ano ang kasalanan niya. Hindi niya sasabihin hanggang sa mapagtanto niya at aminin niya sa dalaga ang kasalananng nagawa niya. 

Papatawarin niya naman si Milo pero kapag hindi ito umamin sa ginawa niyang kasalanan ay hindi niya talaga ito papatawarin pa. 

Malalim siyang bumuntong hininga ng maalala kung ano ang nakita niya kagabi. Hanggang ngayon ay may kung anong sumusuntok sa puso niya sa tuwing naalala niya iyon. 

May parte sakaniya na naniniwala doon ngunit may parte pa rin sakaniya na hindi. Sa totoo lang ngayon ay nagdududa na siya sa nararamdaman. Oo, nagtitiwala siya kay Milo pero simula noong nakita niya iyon ay parang mawala ang tiwala niya para rito. 

Malalim siyang bumuntong hininga saka sinuot ang earphones niya at nagpatugtog ng mga classical music. This is the only way she will calm down. 

"May lq ba kayo?" bulong ni Shila nang maramdaman niyang umupo si Milo sa tabi niya. 

Palihim niyang hinihinaan ang volume ng phone niya upang marinig niya ang pag-uusap ng dalawa. 

"Hindi kami lq. Hindi niya lang ako pinapansin. Baka may topak lang Lemon ko," sabi nito kaya palihim na napa-irap si Santa. 

I don't have topak! 

"Baka naman may kasalanan ka sakaniya," biglang sabi ni Shila kaya nanlaki ang mata niya. 

Muntik na siyang mapatango kung hindi niya lang naalala na nagpapanggap 'nga pala siyang hindi naririnig ang usapan nila. 

Yes, that's right, Shila! You should tell him that he made a huge mistake! 

Nagkibit-balikat si Milo. "I don't think so. Wala naman akong naalalang may nagawa akong kasalanan." 

May sumuntok na naman sakaniya sa dibdib niya ng marinig iyon. Mahigpit siyang napakapit sa librong hawak. Matindi ang pagpipigil nia na malukot ang libro at manginig ang mga kamay niya. 

Don't lie, Pomilo Rozen Galvez. I might cut your tongue until you die.

"Hindi ka sure. Sigurado akong may ginawa kang mali. Tignan mo si Santa. Halos pumatay na nang tao base sa tingin niya sa librong binabasa," natatawang sabi ni Shila. 

Agad siyang umayos ng tingin sa libro at sinubukan ang lahat upang magmukha siyang kalmado ng maramdaman ang malalim nitong titig sakaniya.

Palihim siyang napalunok ng magsimulang manlambot ang tuhod niya. Pinipigilan niya ang traydor niyang katawan ngunit walang kwenta iyon ng maramdamang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng maramdaman ang kamay nito ay pinapadausdos sa bewang niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now