Chapter 35

26 4 0
                                    

C H A P T E R 3 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

At ilang linggo na ang nakalipas at ganu'n palagi ang eksena tuwing nasa university si Santa. Laging may Hazel na humahabol-habol sakanila, kay Milo. Halos nakiki barkada na 'nga ito sakanila d'bali na lang kapag kasama nila sila Saddy. 

At ilang linggo na ang nakalipas ngunit wala pa rin sila balita kay Poppy. 

"Hindi ko kasi siya makausap! Nakakairita!" inis na sigaw ni Pepper at sinabunutan ang buhok ni Saddy. Dahilan para malakas na napadaing si Saddy. 

"Bakit ako 'yung sinasabunutan mo!?" sigaw ni Saddy at hinawakan ang pulsuhan ni Pepper. 

"Eh kasi wala na kong masabunutan!" 

"Pwede mo naman sabunutan sarili mo!" 

"Bakit ko naman gagawin 'yun hindi ako baliw 'no-"

"At sinong nagsabing hindi ka baliw!?" 

"Puny-" 

"Stop that, you're so noisy," saway ni Santa habang hindi tinatanggal ang mata sa librong binabasa. 

"Si Saddy nagsimula," inis na sabi ni Pepper at binitawan na ang buhok nito. 

"Si Pepper kaya nagsimula," nakangusong sabi ni Saddy at hinilot ang ulo. 

"Parehas lang kayong may kasalanan kaya tumahimik na kay-" 

"Tumahimik ka 'nga d'yan," sabay na sabi nilang dalawa kay Shila kaya matalim na umirap si Shila. 

"Nagsasabi lang ng totoo," nakangusong bulong niya at bumalik sa pagkain. 

"Say ahh," bulong ni Milo sakaniya. 

Malakas siyang napabuntong hininga at binuka na lamang ang bibig. Agad niya rin sinarado ng pumasok na sa bibig niya ang kanin na may sinigang na baboy. 

Ang tatlong kasama naman nila ay nakangiwing tinignan sila habang nagsusubuan. 

"Gan'yan makakilos tapos walang lebel," nakangiwing bulong ni Shila saka umiling. 

"Sarap niyong paghiwalaying dalawa," may kalakasan na sabi ni Saddy at pinag krus ang mga braso. 

"When kaya?" nakangising tanong ni Pepper habang nakatingala at nakasiklop ang mga kamay. 

"Anong when kaya?" takang tanong ni Saddy. 

"When kaya ako magkakajowa!?" 

Gumuhit ang malaking ngisi sa labi ni Saddy. "Pwede naman-" 

"Lord, wag na wag niyo pong ibibigay sa'akin 'yung katabi kong lalaki." 

"Aba't-" 

Nagtuloy-tuloy pa ang pagbabangayan nila pero hindi niya na iyon pinansin pa at tinutok na lang ang pansin sa libro at sa sinusubong pagkain ni Milo sakaniya. 

Kahit wala siyang ganang kumain ay laging nand'yan si Milo upang pakainin siya kahit ayaw niya at wala siya sa mood. Talagang ginagawa lahat ni Milo para alagaan siya pero wala man lang nagawa si Santa upang alagaan pabalik si Milo. 

That's why she doesn't deserve Milo. He deserves a better woman who always cares for him.

Pagkatpos nila sa may umbrella ay dumiretsyo na sina Saddy at Pepper sa mga klase nila habang silang tatlo naman ay dumiretsyo sa library habang naghihintay ng sunod nilang klase. 

At sa inaasahan ay biglang sumulpot na naman si Hazel sa harapan nila. 

"Let's go!" nakangiting sabi niya at naglakad na papasok. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now