Chapter 13

31 4 0
                                    

C H A P T E R 1 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Seriously!?" hindi makapaniwalang tanong ni Santa nang makitang sunod pa rin ng sunod sakanila si Saddy. 

"Why!?" inosenteng tanong niya habang palingon-lingon sa paligid habang kamot-kamot ang batok. 

"Susunod ka lang ba sa'amin buong araw!?" inis na tanong niya dito saka namewang harapan niya. 

"May masama ba doon?" inosenteng tanong niya dahilan para masampal na lamang ni Santa ang sariling noo. 

"I'll just remind you that you have class today," taas-kilay niyamg sabi dito dahilan para lumukot ang mukha niya. 

"Nag excuse na naman ako kay Sir Al-" 

"Kahit na Saddy. Dapat hindi mo wini-waste ang time na nakasunod ka lang sa'amin. Wala namang masamang gagawin si Milo sa'aki-"

"How can you be sure?" seryosong tanong niya. Ang mapagbiro na si Saddy ay biglang nawala na para bang bula. 

Imbis na iwasan ni Santa ang seryosong mga mata nito ay nilabanan niya iyon. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang labanan iyon. 

"Because I trust him," seryoso niyang sabi habang hindi pinuputol ang tingin niya dito. Parehas sila ng kulay ng mata ni Milo ngunit iba ang tindig nilang dalawa. 

Sa tuwing tumititig siya sa mga mata ni Milo ay ramdam niya na ligtas siya, ligtas siyang ipakita ang totoong siya ng walang pag-aalangan. Habang kay Saddy naman ay ramdam niya na mapapagkatiwalaan niya ito ngunit may nararamdaman siyang pag-aalangan doon sa hindi malamang dahilan. 

Si Saddy ang kauna-unahan niyang naging kaibigan. Siya lamang ang may lakas nang loob na kumausap sakaniya noon. Una ay hindi niya ito pinapansin hanggang sa hindi niya na lang namalayan na kinakausap niya na rin ito pabalik ngunit tipid lang ang mga salita niya.

Si Saddy ang kauna-unahang taong nakapagkatiwalaan niya pero, hindi niya alam ngayon kung bakit parang unting-unting nawawala ang pagtitiwala niya rito. 

"You just met him but, you immediately gave your trust to that bastard." Puno ng diin ang bawat pagbigkas nito. Kumunot ang noo ng dalaga ng marinig na tinawag nito kay Milo. 

"But he save me." 

"We all know that you shouldn't trust anyone in the first place." 

"I shouldn't trust you in the first place then?" 

At doon ay natigil silang dalawa. Unti-unting gumuhit ang pagkagulat sa mata ni Saddy habang si Santa naman ay unting-unting prinoproseso sa isip ang sinabi. 

Napa-awang ang labi niya ng mapagtanto bigla ang sinabi niya. Nanlalaking matang napasinghap ng mahina si Santa. 

"Saddy I-" 

"I will go to my class now," malamig na sabi niya at mabilis na tinalikuran siya. 

Nakatitig lamang siya sa papalayong bulto ni Saddy. Unti-unting pumasok sa isip niya ang maling nagawa dito. Dapat ay inintindi niya si Saddy! Dapat naintindihan niya na nag-alala lang siya para sa kaligtasan niya dahil kakakilala niya lamang kay Milo. Kahit naman siya ay magiging ganu'n ang magiging kilos niya kung may biglang estrangherong taong biglang susulpot sa buhay nito. 

"Okay ka lang ba?" nag-alalng tanong ni Milo. Wala sa sariling lumingon siya kay Milo na sinisipat ang buong mukha niya, para niyang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha niya. 

Malalim na bumuntong hininga ang dalaga saka tumingin sa malinis na daan kung saan dumaan kanina si Saddy. "Galit ba siya sa'akin?" 

Narinig niya ang malalim na pagbuga nito ng hangin. "I guess yes." 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now