Chapter 41

28 5 0
                                    

C H A P T E R 4 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nakatitig lamang si Santa sa bracelet na suot-suot niya ngayon. Hindi pa rin makapaniwala si Santa na meron na siyang first boyfriend. 

"Lilyshi..." 

Agad siyang lumingon sa pintuan ng kwarto niya kung nasaan lumuwa na lang doon bigla si Milo. Kumunot ang noo niya ng makitang naka suit pa rin ito. 

"Why? Hindi ka pa ba umuuwi-" Agad naputol ang pagsasalita niya bvbigla siyang yakapin ni Milo ng sobrang higpit. 

Siniksik nito ang mukha sa leeg niya. Nakaramdam ang dalaga na parang may bumabagabag kay M8lo kaya hinaplos niya ang kulot niyang buhok. 

"What's wrong? You're still wearing your suit-" 

"Sorry.." 

Mas lalong kumunot ang noo ni Santa. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ang malungkot niyang mata. 

"Why are you saying sorry? Wala ka namang ginawang masama sa'aki-" 

"Meron," nanghihina niyang sabi kaya tumagilid ang ulo ni Santa. 

"Wala akong maalala na gumawa ka ng masama sa'aki-" 

"Nagsinungaling ako," nahihiyang bulong niya at yumuko. Kahit na naghiwalay na ang titigan nila ay nakatitig pa rin si Santa sakaniya. 

"Ang dami-daming oras na pwede kong sabihin sa'yo 'yung totoong ako-" 

"Then tell me now. I will not get mad at you," she softly said while caressing his cheeks.

Agad nag-angat ng tingin si Milo sakaniya. Ang mga mata nito ay nangungusap at may kung anong pinapahiwatig siya sa dalaga ngunit hindi iyon makuha ni Santa. 

Malalim na bumuntong hininga si Milo saka yumuko ulit. "My dad is one of the most successful businessmen in the world. He's with line up where your daddy and uncle are."

Napatango siya ng maalala na nakilala niya lang kanina ang tatay ni Milo. Pero mukhang hindi sila malapit sa isa't-isa. At nahalata niya rin na sa tuwing tumitingin si Milo sa tatay niya ay sobrang talim ng tingin nito. Habang ang tatay naman niya ay nakangisi lang sakaniya. 

Isa pa ay mukhang hindi watak-watak sila dahil ang nanay niya ay nasa Paraiso ng pag-asa. At ang tatay niya ay nandito sa Sta. Forrest. 

Wala siyang balak magtanong kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Hihintayin niya na lang si Milo na siya mismo ang magkwento sakaniya. 

"That's all?" natatawang tanong niya. 

Hindi makapaniwalang nag-angat muli ng tingin si Milo sakaniya. 

"H-Hindi k-ka ba magagalit?" hindi makapaniwalang tanong niya. Agad namang umiling si Santa at tinapik ang ulo niya. 

"Milo, sobrang babaw ng dahilan 'nun kung magagalit ako sa'yo," bulong niya at hinaplos ang pisngi nito. 

"Meron pang isa." 

"Hmm? What is it?" 

Busy ang dalaga sa pag titig sa buong mukha ni Milo. Hindi niya maiwasang mas lalong mahulog ang loob sakaniya. 

"Hindi ngayon ang totoong plano ko para maging girlfriend ka," makahulugan niyang sabi kaya agad napatigil si Santa sa pagtitig sa buong mukha nito. 

Kumurap siya ng paulit-ulit hg maramdaman na parang may sumuntok sa puso niya. What did he mean? Ibig-sabihin napilitan lang siya na hingiin ang kamay niya? Bakit? Hindi pa ba siya handang mag ka girlfriend? 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now