Chapter 16

32 4 0
                                    

C H A P T E R 1 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nanlalaking matang humarap si Santa magkambal. Halos lumawa na ang mga mata niya ng makita ang pamilyar na mukha na hinding-hindi niya malilimutan. 

"Hoy San-San ayos ka lang?" takang tanong ni Pepper saka siya niyugyog. Nabalik naman sa katinuan ang dalaga kaya agad siyang tumikhim. 

"S-Siya b-ba y-yung s-secret b-boyfriend m-mo?" tanong niya kay Poppy. Halata ang pagtataka nito dahil sa panginginig ng boses niya. 

Kahit nagtataka ay tumango si Poppy saka kumapit sa braso nito. "He's Sander." 

Nang tapunan niya ng tingin ang lalaki ay hiniling niya na sana hindi niya na lang ginawa iyon, dahil kitang-kita ang kakaibang kislap aa mga mata niya at kakaibang ngisi sa mapupula nitong labi. 

Hindi naman maitatanggi ng dalaga na may itsura rin ang isang 'to ngunit mas lamang doon ang itsura ni Milo. 

"Nice too meet you again, Ms Chrysanta," malokong sabi nito saka nilahad sakaniya ang palad niya, agad namang napatitig doon ang dalaga. 

Biglang pumasok sa isip ng dalaga ang una nilang pagkikita, kung kailan ang araw na nakilala niya si Milo. Kahit man gusto niya ng kalimutan ang pangyayaring iyon ay hindi niya magawa dahil iyon ang araw na nagkakilala sila. 

That day has special memories and bad memories in Santa's heart.

Imbis na tanggapin iyon ay nag-angat siya ng tingin dito. Kahit ayaw man niyang labanan ang kakaiba nitong titig sakaniya ay ginawa niya pa rin. 

"Nagkakilala na kayo!?" gulat na sabay tanong ng magkambal. 

Hindi na nakapagsalita si Santa ng may biglang humarang na makisig na likod sa harap niya, kaya hindi niya na makita pa ang mga kausap kanina. 

"Ako din! Nakilala ko 'yang gagong 'yan kasabay kay Lilyshi!" nakangising sigaw ni Milo habang taas-taas pa ang kaliwang kamay na animo'y nag re-recite. 

Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat upang doon kumuha ng alalay ng tumingkayad siya. At sa inaasahan ay naka-awang ang labi ng dalawa habang ang lalaki ay matatalim ang mga matang nakatingin kay Milo. 

Napahigpit na napakapit ang dalaga sa balikat nito ng biglang lumipat sakaniya ang matatalim na mata nito. Halos bumaon na ang kuko niya sa balikat ng binata ngunit mukhang walang paki doon si Milo. 

Umusog ito na para bang tinatakpan pa siya kaya binitawan niya na ang balikat nito at bumaba na sa pagkakatingkayad ang paa niya. 

"I explain mo 'nga kung paano kayo nagkakilalang tatlo!" inis na sigaw ni Pepper at pinag-krus ang mga braso. 

"He's a creepy," sagot nito saka nagkibit-balikat. Sabay-sabay naman nanlaki ang mata nila dahil sa sinagit nito. 

"What the fuck did you just say!?" 

Napatalon pa sa gulat si Santa ng marinig ang galit na sigaw niya. Nang sumilip ang dalaga ay agad na bumaba ang tingin niya sa nanginginig nitong nakakuyom na kamao. 

Agad niyang hinampas ng malakas ang likod ni Milo dahilan para nakangiwing napatingin sakaniya si Milo. 

"Bakit mo naman ginawa 'yun?" bulong niya habang hinahimas ang likod niya gamit ang isang kamay niya. Pilit pa nitong hinahanap ang masakit kaya hinampas niya muli ang likod nito. 

"Bakit mo naman kasi sinabi 'yun!?" 

Nagkibit balikat siya. "I'm just telling the truth. Ayoko kaya sa mga sinungaling." 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora