Chapter 27

30 4 0
                                    

C H A P T E R 2 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Ms. Ceo!" 

Agad siyang napangiwi nang marinig ang pamilyar na sigaw na iyon. 

"Ano ba 'yan, siya na naman?" inis na sabi ni Pepper at pinag-krus ang mga braso. 

"Bakit parang ayaw mo yata sakaniya, pare?" nakangising tanong ni Saddy at inakbayan si Pepper. Maagap naman niyang tinabig ang braso niya. 

"Pare mo mukha mo. At saka ayoko talaga sakaniya-"

"Ah, kase ayaw mong masapawan 'yang kaingayan mo!?" 

At sa inaasahan ay nakatanggap si Saddy nang malakas na hampas sa t'yan niya. 

"Sinabi ko bang ayaw akong masasapawan!? Ayoko lang siya kase nakakatuliling sa tenga 'yung sigaw niya, stupid!" 

Nakuha pang tumawa nang malakas si Saddy kahit na masakit na ang t'yan niya. 

"Eh, ganu'n ka rin kaya kaingay." 

"What did you just say!?"

Akmang huhubarin na ni Pepper ang rubber shoes niya upang ihagis sakaniya nang may biglang nagsalita. Hindi na iyon napansin nang dalaga dahil naramdaman niya na may mahigpit na yumakap sakaniya. 

Agad niyang hinawakan ang likod ni Shila upang hindi sila tuluyang bumagsak. 

"Nagblo-blooming ka yata ngayon Ms. Ceo!" nakangiting sabi ni Shila saka humiwalay sa yakapan nila. 

Napangiwi na lang ang dalaga at tumingin sa likuran niya. 

"Ah, si Milo ba? Nandoon pa siya sa may library. Nakikipagpantintero kay Hazel," natatawang sabi niya saka inayos ang kwelyo nang shirt niya. 

"Nakikipantintero?" 

Malakas na natawa si Shila kaya mas lalong lumaki ang ngiwi niya. Why people nowadays are so weird?

"What I mean is sinusubukan niya pang tumakas kay Hazel."

Napatango na lang ang dalaga at inayos ang suot na turtle neck croptop niya na kulay pastel yellow at straight cut highwaist jeans niya. 

"Iba talaga ang pagka-bloom mo ngayon, Ms.Ceo," nakangising sabi niya at nilagay ang daliri niya sa baba habang pinapasadahan siya nang tingin. 

Kunot-noo naman siyang tumingin dito. "What do you mean?" 

"Wala pa kasi si Milo, kumikinang na sa saya 'yang mga mata mo." At tinuro pa niya ang mga mata ni Santa. Wala sa sariling hinawakan niya ang mata niya. 

"Ouch!" bulong niya nang aksidente na natusok niya ang mata niya gamit ang daliri niya. Agad siyang yumuko at tinakpan ito gamit ang isang palad. 

"Ayos ka lang!?" nag-aalalang tanong ni Shila at agad hinawakan ang magkabila niyang pisngi. 

"W-Wait-" 

"The fuck are you doing!? Are you okay, Lily?" nag-aalalang tanong ni Sander habang sapo-sapo ang mukha niya. 

Parang biglang nawala ang sakit nang mata niya at inis na tinignan si Sander. Halata sa mukha nito ang pag-aalala habang tinitigan siya pero wala siyang paki doon. Malakas niyang tinabig ang dalawa nitong palad at bahagyang umatras. 

"What the fuck are you doing? You have a fucking girlfriend but, you're acting like you don't have one, and you keep flirting on me!" inis niyang sabi habang pinupunasan ang pisngi niyang nabahiran nang madumi nitong palad. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now