Chapter 15

34 4 0
                                    

C H A P T E R 1 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

At dahil sa pagiging makapal nang mukha nang kambal ay sila pa ang maraming nakain. At tama 'nga ang hinala ni Santa na may plano si Milo, ngunit nasawi siya. 

Mahinang natawa ang dalaga at tinapik-tapik ang balikat ni Milo na nakasubangot na ang mukha habang nakatitig sa tatlong panay kuha ng mga tusok-tusok. 

"Don't underestimate them," natatawang bulong ni Santa sakaniya saka ginulo ang kulot niyang buhok bago umayos ng tayo. 

Nakangusong tinignan siya ni Milo. Hindi na napigilan ng dalaga ang pag-guhit ng ngiti sa mukha niya. Cute. 

"Eh, bakit ikaw iba naman naging reaksyon mo noong sinabi ko na gawa sa dugo ng baboy 'yun!?" nakangusong sabi niya habang hawak-hawak ang dibdib niya na para bang nasasaktan. 

Matindi ang pagpipigil ng dalaga na huwag pisilin ang malambot at mataba nitong pisngi. Mahina siyang natawa, kahit gusto niyang tumawa ng malakas. 

Kailangan niya pigilan ang emosyon niya dahil unti-unti nang dumadating ang ibang mga estudyante. Tumingala siya sa kulay lila na may halong kahel na ulap. Sigurado siyang ilang minuto na lang ay lalabas na ang inang araw. 

Kahit pa habang-buhay pa niya panoorin ang paglabas ng inang araw ay hinding-hindi siya magsasawa.

"I just ate dugo for the first time, that's why," kibit-balikat niyang sabi habang hindi tinatanggal ang titig sa madilim ngunit maaliwalas na ulap. 

"Ibig-sabihin madalas silang kumain ng mga tusok-tusok?" gulat niyang tanong. Muli ay natawa ng mahina ang dalaga saka tumango. 

"Kambing kasi 'yang si Santa," biglang sabi ni Poppy kaya sabay silang napalingon dito. 

"Huh?" takang tanong ni Milo at umayos ng tayo. 

"Bingi ka ba? Ang sabi ng kapatid ko kambing si Santa," sarkastikong usal ni Pepper at sinubo ang isang dugo. 

Agad napalabi ang dalaga at tumingala muli sa langit. Baka bigla siyang masuka sa harapan nila. 

"Paano mo naman nasabi na kambing si Lilyshi?" sunod na tanong ni Milo dahilan para masampal ng kambal ng sabay ang sariling noo. 

"Ano bang kinakain ng mga kambing?" iritadong tanong ni Pepper at umirap. 

"Damo?" kunot-noong sagot niya, halatang hindi pa sigurado sa isasagot.

Pinatunog ni Poppy ng malakas ang daliri niya sa mismong mukha ni Milo. "Exactly!" 

"Kumakain ba ng damo si Santa?" puno ng pagataka na tanong niya dahilan para sabay silang napamura. 

Napalabi na lang ang dalaga upang pigilan ang pagtawa niya, Milo is so innocent but, sometimes he's not. 

"Tanginan- Hmpp!" 

Agad siyang napalingon kay Pepper ng bigla itong napatigil sa pagsasalita. Nakatakip na ang kamay ni Saddy sa bibig ni Pepper. 

"Ilang beses ko bang sasabihin na ang pangit pakinggan kapag nanggagaling sa'yo 'yung mura!?" nakangising sabi ni Saddy saka malakas na pinitik ang noo niya. 

Napairap na lang si Santa. Here we go again. 

"Edi fuck you na lang sasabihin ko!" inis na sigaw niya at malakas na binatukan si Saddy dahilan para mapayuko siya saka hinimas ang ulong nabatukan. 

"Kahit anong mura dapat hindi mo-" 

"Oo na gago, fuck you!" inis na sabi ni Pepper at tumalikod upang pumunta muli sa matandang nagbebenta ng tusok-tusok. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now