Chapter 7

43 5 0
                                    

C H A P T E R 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Mukhang tayong mga manok na walang tulog," nakangusong sabi ni Pepper habang sinisipat ang sarili sa salamin. 

Ngayon ay bumabyahe na sila papuntang school dahil malapit na ang oras ng klase nila. Kailangan pa ni Santa na pilitin silang dalawa na pumasok dahil ayaw pa nilang pumasok, gusto lang nila matulog, ang malala pa doon ay gusto nila matulog sa kwarto niya. 

"Kawawa naman 'yung manok, kinumpara mo pa siya sa isang hamak na katulad mo," nakangiwing sabi ni Saddy. Agad naman siyang tinapunan ng masamang tingin ni Pepper. 

"Sinasabi mo ba na dapat hindi ko ihalintulad 'yung sarili ko sa manok dahil mas maganda ang mga manok 'kaysa sa'akin?" nanlalaking matang tanong nito habang hawak nito ang dibdib niya na animo'y nasasaktan. 

"Ikaw nagsabi n'yan pero may tama ka naman sa sinabi m- Aray!" sigaw nito at sinapo ang ulo na natamaan ng plastic bottle. Napangiwi na lang ang dalaga dahil muntik nang mabitawan ni Saddy ang manibela dahil doon. 

"Napaka sakit mo magsalita!" sigaw pa nito at malakas na humagulgol. Tinakpan pa nito ang mukha gamit ang braso kaya nanlalaking matang nagkatinginan silang dalawa mula sa rear mirror. 

"Tignan mo ginawa mo," inis na bulong niya kay Saddy at inirapan ito at mabilis na lumapit kay Pepper upang aluhin ito. 

Kumamot ng batok ang si Saddya hininto ang kotse saka nilingon ang dalawa. Panay ang malakas na hagulgol ni Pepper habang si Santa naman ay panay hagod ng likod nito. 

"Mukhang lasing pa si Pepper," nakangiwing sabi ni Saddy at nilabas ang ang phone niya mula sa bulsa ng pantalon niya. 

Tinitigan niya si Pepper na ngayon ay hawak-hawak ang water bottle na walang laman. "Ikaw na lang talaga ang hindi ako nilalait," paos nitong sabi at mas lalong nilakasan ang pagkahagulgol. 

Mas lalong napangiwi ang dalaga dahil niyakap pa nito ang water bottle na hawak na animo'y isa itong tao. 

"Ikaw na lang talaga ang natitira," bulong pa nito at hinalik-halikan ang katawan ng water bottle. 

"May boyfriend ka na ba?" natatawang tanong ni Saddy. Nanlaki ang ni Santa ng makitang vini-videohan ni Saddy ito. 

Hinawakan niya ang braso nito at pinanlakihan siya ng mata. "Ano ba 'yang ginagawa mo!?" 

Ginalaw nito ang phone na hawak. "Obvious naman d'ba?" 

Napa-irap ang dalaga dahil sa pagiging sarkastiko ni Saddy. "What I mean is bakit mo siya vini-videohan?" 

"Para makita niya 'to kapag hindi na siya lasing," natatawang sagot nito. 

"What the purpose when pinakita mo na sakaniya 'yung video?" 

Inikot nito ang eye balls saka hindi makapaniwalang tinignan si Santa na nakakunot ang noo na naghihintay sa magiging sagot niya. 

"Para mahiya siya sa kahihiyan niya na ginagawa ngayon," nakangising usal niya at tinuon na muli ang tingin doon. 

Nagkibit-balikat lang ang dalaga at naka krus ang mga brasong pinanood lang ang dalawa. 

"Oo, eto siya oh," nakangiting sabi niya at itinapat sa phone ang water bottle na hawak. "Akin lang siya kasi-" Mahigpit na niyakap nito ang water bottle na hawak. "-Siya lang 'yung taong hindi nanlalait sa'akin!" 

"Sigurado ka bang tao 'yan!?" pigil tawang tanong niya. 

Kumurap-kurap si Pepper at hinarap sakaniya ang water bottle. Tinitigan niya ito ng ilang minuto. Ang buong akala nilang dalawa ay matatauhan na ito ngunit malakas silang napasinghap ng halikan nito ang water bottle ng mabilis at inulit niya pa iyon bago yakapin muli ito at sinandal ang likod sa upuan. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now