Chapter 50

28 3 0
                                    

C H A P T E R 5 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Malapit na tayong mag graduate!" sigaw ni Shila.

Ngumiti siya ng malawak dito. Hanggang ngayon ay siya na mismong nanghihinayang kay Shila dahil tumigil ito ng pag-aaral upang hintayin lamang siya. 

Paano na lamang kung hindi na talaga siya tuluyan magising? Edi hindi na talagang tuluyan makakapag-aral si Shila habang buhay? 

"Yeah. But until now, I'm still wondering why you waited for me to wake up so we can graduate together," taka niyang tanong saka dinalaan muli ang ice cream na kinakain. 

Sa totoo lang ay sa isang buwan na lumipas na wala ang dad na laging may hawak sakaniya sa leeg ay para siyang ibon na nakalabas sa hawla. Sobrang saya at gaan sa pakiramdam ngunit sa tuwing sumasagi sa isip niya ang kapatid niyang si Lea, ay napapalitan ng panghihinayang ang puso niya. 

Siguro kung naka survive lang ang kapatid niya sa pagkaka coma ay magiging masaya 'yun nang sobra. Lagi na muli sila makakapag bonding tatlo at maraming pupuntahan at kakainin na kung ano-ano. Pero kay Rian na lang niya nagagawa iyon. 

Nararamdaman niya naman ang kasiyahan ni Rian sa tuwing nag bonding sila ngunit alam niyang sobrang nangungulila si Rian sa pangalawang ate niya.

Kaya ginagawa niya ang lahat upang mapunan ni Santa ang lahat ng pagkukulang niya noon bilang ate. Nang dahil sa tatay nila kaya sobrang iksi lang ng panahon na nakakasama niya ang mga kapatid niya. Pero ngayon na wala na ito, sisiguraduhin niyang magagawa niya na ang dati niya pang gustong magawa. 

There is no cage so he can fly high and free without worrying that something bad will happen tomorrow. 

"Sasabihin ko sa'yo kapag graduation na," nakangising sabi niya at sinubuan si Santa ng chocolate. Agad namang ngumanganga si Santa upang tanggapin iyon. 

Naalala niya bigla si Hazel. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sakaniya nagpapakita ito. Gusto niya pa naman pasalamatan ito dahil sa pagkaka-alala niya ay tumulong ito noong na kidnap ang kapatid niya. 

"Have you seen Hazel lately?" tanong niya kay Shila habang winawagayway ang binti niya. 

Kumunot naman ang noo ni Shila saka umiling. "Simula noong nawala ka nawala na rin 'yung babaeng 'yun. Pati 'nga rin si ma'am Hannah." 

Mas lalong lumalim ang gatla ng noo ni Santa dahil doon. Kinagatan niya muna ang pinipig saka humarap ng upo kay Shila. "Ibig-sabihin hindi na teacher dito si ma'am Hannah?" 

Agad siyang tumango at inipit ang buhok sa likod ng tenga niya ng humangin ng malakas. "Yup. I think wala na rin siyang lisensya sa pagiging teacher kaya naging masaya ang mga istudyante ngayon."

Nakangiwing napatango ang dalaga. Kahit naman siya ay magiging masaya kapag nawala sa university ang istriktong at wirdong teacher. Pero may parte sakaniya na nanghihinayang na nawala na si Hannah sa university. 

Magaling naman talaga ito pagdating sa pagtuturo. Nasobrahan lang ang sa pagiging strikto. 

"Pero si Milo nakita ko kahapon." 

Mabilis siyang napatingin muli kay Shila ang sabihin niya iyon kasabay 'nun kumabog ng malakas ang dibdib niya. 

Lumawak ang ngisi nito saka humarap kay Santa. "Mahal mo pa 'no!?" 

Malalim na bumuntong hininga si Santa saka umayos ng upo. Sumandal siya sa sandalan ng bench na inuupuan niya saka tumingala. 

Mapait siyang napangiti ng biglang makita niya sa langit ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Milo. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon