Chapter 43

24 3 0
                                    

C H A P T E R 4 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Unti-unting dumilat ang dalaga ng maramdamang napaso ang pisngi niya. Sumalubong sakaniya ang pamilyar na ceiling. 

"Chrysanta." 

Nanlalaking matang tumingin siya sa pintuan ng kwarto niya. Halos lumuwa na ang mata ni Santa ng makita ang pamilyar na mukha. 

Agad siyang umupo sa kama niya at tinitigan ang maamo at mala anghel na mukha ng kaniyang ina. Ngayon niya lang nabilang kung ilang taon na niyang nakikita ang mukhang 'yun. Ang mukhang kapag nakita niya ay parang lahat ng problema ay naglalaho na para bang bula. At nagpapakalma sa buong sistema niya. 

"M-mom," garalgal na sabi niya. Tuluyan nang lumabas ang mainit na luha sa pisngi niya. 

Unti-unting sumikip ang dibdib niya kaya mahina niyang itong sinusuntok muli. Mas lalo siyang naiyak ng makitang lumuluha rin ang mom niya kasabay niya. 

Gusto niyang magalit sakaniya pero may parte sakaniya na nagsasabing hinatayin ang paliwanag ng mom niya bago siya magalit dito. 

"W-why d-did y-you choose t-to l-leave us?" 

Sa wakas ay natanong niya na rin iyon. Iyon ang pinaka iiwasan niyang tanungin sa mom niya. Ayaw niyang iparamdam sa mom niya na maling desisyon ang pagpunta sa ibang bansa pero totoo namang maling desisyon iyon. 

Alam niya na nagiging masyado siyang unfair pero ngayon na nakita niya muli ang mom niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. 

Maraming silang tatlo pinagdaanan habang walang ang mom niya. Pero kahit naman nand'yan ang mom niya ay wala rin itong nagagawa para ipagtanggol niya ang mga anak niya. 

"Chrysanta, I'm sorry," she softly said.  

Nang marinig niya ang puno ng sensiridad na boses na iyon ay mas lalong lumakas ang hagulgol niya. Sa totoo lang gusto niya pang magtagal ang galit sa puso niya. Pero sa isang 'sorry' lang ay biglang nawala ang ang galit niya. 

"I-I'm r-really m-mad at y-you, mom. B-but..." Hindi niya matuloy ang sasabihin dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan niya.

Malalim siyang bumuntong hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Pinunasan niya ang basang pisngi at lumunok. nag-angat siya ng tingin sa mom niya na basa na rin ang pisngi habang nakasapo ang kamay nito sa bibig niya. 

"W-why? Why did you choose to leave us? Hindi mo ba alam na sobra na ako, kaming nahihirapan kay dad!? Halos gusto ko na lang mawala sa mundo para lang matapos ang lahat ng paghihirap ko!" sigaw niya at mahinang pinukpok ang dibdib niya nang maramdamang nagsimulang sumikip na naman ang dibdib niya. 

Mas lalong lumakas ang hagulgol ng mom niya kaya naging walang silbi ang pagpunas ng pisngi niya dahil nabasa lang din ulit 'yun. 

Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi niya magawa dahil parang umurong ang dila niya ngayon habang nakatitig sa mom niya na ngayon naka-upo na sa sahig. 

"Sorry..." 

Mariin na pumikit si Santa saka yumuko. "I-I d-don't n-need your s-sorry. I-I need an explanation from y-you." 

"I-I can't," bulong niya kaya agad siyang nag-angat ng tingin dito. 

Parang may kung anong sumuntok sa puso niya ng marinig iyon. Impossible! Bakit hindi na naman niya nagawang mag explain kay Santa! Dahil na naman sa nararamdamang takot sa dad niya? Ganu'n ba!?

"You can't!? Impossible," hindi makapaniwalang sabi niya at ginulo ang sariling buhok. 

Sobrang gulo na nang isip niya ngayon. Ang buong akala niya ay sa dad niya lang siya masasaktan ng ganito pero, pati sa mom niya pala. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now