Chapter 34

27 3 0
                                    

C H A P T E R 3 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Pepper..." 

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ng kwarto niya at ay bumungad kaagad si Pepper na sobrang sama ng tingin sakaniya. 

"W-What a-are y-you d-doing here?" takang tanong niya. Imbis na sagutin siya ni Pepper ay diret-diretsyo siyang pumasok sa kwarto ni Santa. 

Wala nang ibang nagawa si Santa kung hindi isarado ang pintuan at i lock iyon. Agad siyang dumiretstyo sa swivel chair niya at akmang hahawakan ang ballpen niya ng hawakan ni Pepper ang upuan niya papunta sa harapan nito. 

"What the..." 

"Ano na naman 'tong nabalitaan ko, Santa!?" puno ng pagkafrustasyon na tanong niya dahilan para mapalabi si Santa. 

"W-What d-do y-you mean-" 

"Tumawag sa'akin si Rian," mahinahong sabi niya dahilan para mapatitig si Santa sakaniya. 

Hindi niya inaasahan na tatawag ang bunso niyang kapatid kay Pepper. Bumalik na naman sa ala-ala niya ang nangyari kaninang umaga kaya bumigat na naman ang dibdib niya. 

Humugot siya ng malalim na hangin upang pigilan ang sarili na umiyak. 

"R-Rian called y-you?" mahinang tanong niya. Agad namang tumango si Pepper. 

"Ang sabi niya iiwasan mo na naman daw sila. Wala kayong prof kanina at wala ka rin sa university kaya ngayon lang kita nakamusta."  Masuyong hinawakan ni Pepper ang kamay niya. "Hindi ko na tatanungin kung bakit mo 'yun. As long as sa ikakabuti niyong tatlo ang ginagawa mo ay hindi kita pipigilan." 

Sobrang lambot ng boses nito habang hinahamplos ang kamay niya gamit ang hinlalaki nito. 

Malawak siyang napangiti upang pigilan ang sarili na umiyak sa harapan nito. Ayaw niya ng umiyak, pagod na pagod na siyang umiyak. 

Agad niyang hinila si Pepper payakap sakaniya at tumitig sa labas ng binata. Sobrang aliwalas ng langit na sana ganu'n na lang din kaaliwalas ng buhay nila. 

Ilang beses niya na bang hiniling na sana naging maayos na lang ang kalagayan ng pamilya niya? Ang dapat hinihiling niya na sana ay iba na lang naging asawa ng mom niya. Dahil hinding-hindi nila mararanasan ang ganito kung hindi niya naging tatay si Sage Ash Forrest. 

Iyon ba ang tinutukoy ni yaya Tina na huwag siyang tutulad sa mom niya pagdating sa pagpili ng lalaking mapapangasawa? 

"Just keep fighting, Santa. Nandito lang kami, handa kaming tumulong sa'yo basta magsabi ka sa'amin. Hindi kami manghuhula para hulaan kung kailan kailangan mo ng tulong o hindi," sabi niya habang hinahamplos ang buhok niya. 

Agad namang tumango si Santa at palihim na suminghot ng namumuong sipon. Palihim niya ring pinunasan ng gilid ng mata niya. Malalim siyang humugot ng hangin upang paaganin ang mabigat na dibdib. 

"I will, promise," kiming ngiting sabi niya at humiwalay na sa yakapan nila. 

Malalim na bumuntong hininga si Pepper at binagsak ng sabay ang magkabila niyang balikat. "Mag summer break na, anong balak mo!? Alam nating dalawa na hindi mo maiiwasang makasalubong ang dalawa mong kapatid dahil nasa iisa kayong tirahan. At alam kong mas lalo kang mag su-suffer kapag nagakasalubong kayo dito." 

I've made a plan. 

Agad na pumasok sa isip niya ang naging reaction ni Milo noong sinabi niya na sasama na siya patungo sa probinsya nila. 

Hindi lang dahil sa utos ng dad niya o para iwasan ang dalawa niyang kapatid. Gusto niyang makilala ang mga magulang ni Milo at kung saan siya lumaki. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now