Chapter 3

1.4K 57 7
                                    

"Sweetie, libre ka ba sa Friday? Uwi ako diyan."












😞😞😞












Pwede bang sabihin ko na may lakad ako kahit wala?

Yan ang laging tanungan niya. Libre ba ko? Pero malalaman niya naman yun dahil halos magkalapit lang ang bahay namin dito.

Kakathree years lang namin ni Vince. Anniversary nga namin last month pero hindi kami nagkita eh.

Hindi ko alam kung ako ang may kasalanan kung bakit ganito ang naging setup namin.

Graduating na kami nung naging kami. Nung napansin kasi kami ni Nanay na lagi kaming magkasama sa school, sinabihan niya ko na ayaw niya kay Vince. Mukha daw tarantado.

Estudyante kasi siya ni Nanay. BSBA ang course niya.

Siyempre ako nun in love na in love pa kasi nga bago pa lang, eh ginawa ko lahat para itago relasyon namin.

Palihim kami nagkikita. Sa mall sa kabilang bayan kami nagmimeet.

Tapos pagkagraduate namin ay sa Maynila na siya nagtrabaho.

Nung una madalas siyang umuwi.

Hanggang sa...














😭😭😭




















Joke. 🥴🥴🥴



















Parang nawawalan na rin ako ng feelings sa kanya.

Nung second anniversary kasi namin, hiningi niya ang virginity ko.

Di ko rin alam kung ano nasa isip ko nun. Di ko masabi na mahal na mahal ko siya, or siya na ang nakikita kong makakasama ko habangbuhay.

Wala lang,












Binalewala ko ang dangal ko.

Kahit hesitant ako, bumigay ako.











Tanga nga kasi.











Tapos napansin ko na after nun, kada magkikita kami sa motel na.

Nung una okay pa eh.

Pero minsan isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na hindi pala siya worthy.

Dun ko na naisipang iistalk ang facebook niya.

Flirty siya with other girls. Lalo na sa mga kawork niya sa Maynila.

Call Center agent siya. Nakakotse na nga siya ngayon eh.

Kada sumasakay ako sa passenger seat ay pakiramdam ko talaga marami nang babae ang umupo doon.











Parang naabuso niya na masyado yung pagtago ko ng relasyon namin. Na hindi na siya nagtatanong ngayon kung pwede na bang sabihin kay Nanay.

Yung parang di na halos kami naguusap, puro sex na lang pag nagkikita kami.

Tulad ngayon, halos isang buwan na nung huli niya kong inaya.











Nagluluto na si Nanay nung nakauwi ako ng bahay.

Huwebes ngayon. Nagsasalang na rin siya ng labada sa washing machine.

Babanlawan ko yun mamaya. Bukas kasi ng gabi ay uuwi siya ng San Pedro. Ang balik niya ay sa Lunes na ng hapon. Sa school na siya dumidiretso pagkagaling dun.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now