Chapter 38

1K 52 6
                                    


Ano ha?!

Gigil niyo kasi ako eh!





"Akala namin si Bea. Si Nanay fake news din eh!"

Si Mafe yun.

Si Tatay tulala na.













"Ako Deanna tumatanggap ng tulong, cash or in kind okay lang sa akin kahit ano."

Talaga ba?




"Ha? Sige pag pumayag ate mo. Anong tulong ba?"



😶😶😶







"Pambayad sa ospital. Kasi puputok bunganga niya pag nagsalita pa siya."



Tawa ng tawa ang buwisit na to! Pero di na siya nagsalita.












Tapos na.

Mission accomplished na. Nasabi na kay Tatay lahat ng dapat sabihin kaya okay na.








"Tay, aalis na kami. Sabihan niyo na lang ako kung kailan maghahakot ah. Umpisahan ko na ang pagayos ng mga gamit dun.

Lika na Deanna."

Humalik ako sa kanila at lumabas na ko ng bahay.

Hindi pa yan magsisink in kay Tatay. Kahit siguro ang akala nila ay si Bea ang jowa ko, hindi pa niya yun masyadong tanggap.

Sa simbahan kasi sila nagkakilala ni Nanay. Ganun kalala ang pagiging relihiyoso ng pamilya namin.

Mga five minutes siguro bago lumabas si Deanna.


















"Iuwi mo ko sa amin ah."


Sabi ko sa kanya nung umandar na ang kotse.







"Jessica, sorry na please?"



Haaay...







"Sa bahay muna ako matutulog. Nabubuwisit pa ko sayo."






Panay ang malalim na buntong hininga niya.






"Deanna hindi ko kasalanan  to ah.

Ipapaalala ko lang sayo.

Ikaw ang di muna nagiisip bago dumaldal.

Ikaw ang paladesisyon.

Ikaw ang manhid na hindi muna ako iniisip bago ibuka yung bibig.

Naubos na ang neurons ko ngayong araw na to.

Lahat ng kabuwisitan nangyari sa akin.

Akala ko nung natapos ang trabaho ko, nakaraos na ko sa stress.

Biglang sumingaw si Vince mula sa impyerno,

Tapos bigla kayong nagchikahan ni Nanay,

Nagbigay siya ng choices na di ako tinanong man lang kung okay ba sa akin,

Ang masaklap, namili ka agad, at siyempre, di mo rin ako naisipang sabihan.

Tapos biglang papunta tayo dito sa amin, sunod ka din agad, tapos naisip mo lang na kailangan pala ready ako na ipakilala ka sa Tatay ko nung nagmamaneho ka na.

Tapos naisip mo pa talaga na isingit yung topic na yon?!"



Ayoko siyang talakan habang nagdadrive.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now