Chapter 10

1.2K 55 5
                                    




"Hey Jessica, kamusta?"

Si Deanna yun. Siya ang kumatok sa pinto. Si Bea ay nasa likuran niya.










"Okay lang. Ikaw?"

Tanong ko sa kanya. Simula nung nagusap kami kagabi after ng dinner sa kubo, di na kami nagkausap ulit.






"Tapos na ba yang labahin mo?"

Tanong sa akin ni Bea.









"Huling salang na lang. Naisampay ko na rin yung iba."








Nanginginig pa Bea. Gusto kong idagdag. Usually matagal akong magsampay. Trip ko icolor coding, tapos yung bilog na sipitan ng maliliit eh gusto ko balance siya. Sinisipat ko pa yun bago ako makuntento.

Pero ngayon di ko na yun tiningnan.



"Saan ba tayo? Dun ulit?"

Tanong ko sa kanila habang binubuksan ko ng maayos ang pinto. Pumasok na agad si Bea.

Dumiretso siya dun sa kinalalagyan ng washing machine.

"Upo ka Deanna."

Sabi ko sa kanya.








Sumunod ako kay Bea. Kinukuha niya yung mga hanger na naprepare ko na.

Hinagis niya ang mga yon sa banyo.

"Wala ka bang towel na luma diyan?"

Anudaw?


"Baket? Ano gagawin mo?"

Tanong ko sa kanya.


"Obvious ba? Lilinisin ko tong hanger."

🙄🙄🙄

"Wag na! Okay na yan. Arte naman nito."

Sabi ko sa kanya.

"Gaga ka ba? Hindi ba yan naaalikabukan habang nakasabit kung saan? Tapos sasampay mo yang malinis na damit? Edi didikit dun yung dumi?!"

Ang arte naman talaga!




"Inuna ko na yung mga puti Bea. Naisampay ko na din. Mga dekolor na lang yan kaya okay na yan."

Sabi ko habang siya naghahanap na ng basahan.

"So ibig mong sabihin, sinampay mo na yung puti kahit di mo to ginagawa? So pag may mantsa na agad yung damit nakasampay pa lang, eh okay lang yun ganun ba?"

Sermon niya habang binabanlawan na niya yung mga hanger.

Pinagpag niya yun at sakto talaga sa pagalarm ng washing. Siya na ang naglabas ng mga yon at naglagay sa laundry basket.

Nakatanga lang ako sa kanya habang para siyang ipo-ipo sa bilis magsampay.

Buti tapos ko na yung mga undies. Baka makita niya yung mga panty kong butas-butas at gula-gulanit. Pinantutulog ko na lang ang mga yon. Ewan ko ba pero trip ko yung mga ganung damit ko pag matutulog eh.






"Pasensya ka na kay Bea ha, sobrang OC niyan eh. Pag nakita mo bahay niyan, mahihiya ka pumasok."

Nasa likod ko na pala si Deanna.





"Musta na nga pala yung boyfriend mong fuckboy?"

Nagtanong siya nang parang tinanong lang niya kung anong petsa ngayon.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now