Chapter 18

1.1K 46 7
                                    


"Jessica, don't get me wrong okay?

But it's like my Mom scolding me to eat the food I don't like because some other people starve."

Okay.

Resign na talaga Jema.

Habang may pisi ka pa.

"Lika na dun sa kubo. Tama na to."

Sabi ko sa kanya.







"So you're cutting this conversation off just because I don't see any relevance of what you said in my problem or you still you find me immature?"

Parehas.








"Tama na please lang. Ayoko na ng usapan na to."

Kapagod makipagusap sa taong sarado ang utak.








"Can you stay? You can sleep sa guest room. Nagpaalam ka naman sa mother mo that you gonna stay overnight diba?"

Oo!

Pero ayoko sayo!

Mahirap kang kausap.






"Kung ano man yung reason mo kung bakit gusto mo na umalis, maybe that is also the same reason kung bakit di na ko nagoopen up kila Bea.

Before I used to speak my thoughts, pero it was in Grade 8 nung nahalata ko na ayaw na nila ko kausap."

Nagtaka ka pa.






"Speak your mind please?"

Parang iiyak na naman ang batang to!

Huhuhu...

Gusto ko na maglaho sa kinauupuan ko!

Huminga ako ng malalim.

Bahala na,

Speak your mind ba kamo?






"Sarado kasi utak mo Deanna.

Alam mo ba yon?

Nakapadlock. Kung ako sayo, hanapin mo muna yung susi para mabuksan yan.

Para magkaroon ka ng matinong kausap."

Tumungo na naman siya ng bonggang-bongga.

Napanood ko na to eh.






"Umpisahan mo siguro sa pagrealize na ang tao normal lang na nagkakaproblema, maliit man o malaki, lahat tayo meron niyan.

Nagkakaiba lang sa kung paano mo dadalhin.

Again ha, last time ko na to sasabihin,

HINDI KITA KINUKUMPARA SA IBA. ALAM KONG MAGKAKAIBA TAYO NG MGA PROBLEMA,

Ang sinasabi ko lang, ang pangit mo magdala.

Pangalawa, wag ka ng magoopen kung hindi ka handa makarinig ng opinyon.

Gusto mo na nakikinig sayo at ayaw mong minamasama yung suhestyon mo pero ikaw hindi ka naman ganun.

Double standards lang?

Kung gusto mo pakinggan ka eh sana nakikinig ka rin. O kahit man lang iconsider mo o pagisipan.

Hindi eh! Ang nangyayari kasi, hindi pa ko nagsasalita, may kontra na agad ang isip mo!

Hindi ganun Deanna.

Mauubusan ka talaga ng kaibigan kung ganyan ka.

Sobra mong busy kakaisip ng problema mo na wala namang solusyon dahil hindi naman ikaw ang may kontrol nun kundi yung tatay mo.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now