Chapter 2

1.6K 55 6
                                    

"Good Morning Miss!"





Sabay-sabay nilang bati sa akin.

Tinanguan ko lang sila at pumasok na ko agad sa faculty room.

Si Jia, Michele at Alyssa ay nilakihan ko ng mata pagdaan ko sa mga desk nila.

Ngingiti-ngiti pa kayo diyan 🙄.

Sila ang mga co-teachers ko na close friends ko rin.

Yung iba, yung mga tanders, hindi namin kavibes.

Sa aming apat ay ako ang pinakabago. Kaya rin sanay na sila.

Sanay na silang makipagunahan sa mga hahawakang estudyante.

Simple lang naman eh. Mas mahina ang ulo na interns, mas madaling ihandle.

Hindi katulad ng mga matatalino na by the book talaga ang dinedemand sa amin.









Hindi ko alam kung tanga ba ko talaga eh.

Nagbibiro pa ko kahapon na dito ako sa school matutulog para makapili naman ako.

Medyo natrauma kasi ako sa nahandle ko last year.









Nilapag nila ng dahan-dahan sa table ko ang mga schedule cards nila.

Aayusin ko pa to. Ihahanap ko pa sila ng time na pwede sila ang humalili sa akin para maobserve ko sila.

Dalawa lang ang upuan sa harap ng table ko, wala ni isa sa kanilang naupo.

Ang tatangkad naman ng mga to.

Tiningnan ko ang mga pangalan nila.









Gaston, Pauline Marie Monique M.

Wong, Ma. Deanna Izabella A.

De Leon, Isabel Beatriz P.

Madayag, Madeleine Yrenea A.

Tolentino, Katrina Mae








Di ko alam kung varsity sila dahil tinanggihan ko ang pagco-coach sa college team namin.

Parang mga athlete ang built nila.

Hindi na kasi ako nagagawi sa College Department eh.

Nasa kabilang dulo kasi yun. Nasa gitna ang Elementary Department.

Nasa kabilang kalye kasi kami. Pinagdudugtong ng overpass ang HS at Elem.

Minsan naiinis ako sa dagdag trabaho na katulad nito.

Ayoko na nga kasi ng dagdag abala.

Lalo akong nadedemonyong magpublic na.

Kakapasa ko lang kasi sa Licensure exam. Matic yun sa mga katulad kong guro na ang next goal ay lumipat na sa public para mas tumaas ang sahod at maelevate ang rank.

2 years ang contract ko dito. Maeexpire na yun this year.

Inaawitan ako nila Ate Jia na magstay pa.

Sila kasi libangan na lang ang pagtuturo. May mga kaya kasi sila sa buhay.

Pero ako parang ayoko na.

Ngayon na tapos na ko sa pagaaral, at may lisensya na ko, gusto ko na muna magisip-isip.

Di ko kasi makita ang sarili ko na tatanda sa pagtuturo.

Pwede naman ako magapply muna ng ibang trabaho.












Nagbell na.

Text Me When You Get HomeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant