Chapter 40

1.2K 61 3
                                    


Sila Nanay at Tatay abala sa pagluluto sa labas ng bahay. Yung pahingahan namin sa tabi ng pinto napuno ng mga gamit namin.

Nilabas nila yung mga gamit namin dito at inuuna na nilang ipasok ang mga hinakot namin galing sa apartment.

Si Bea at Deanna ang nagtuturo kung saan ilalagay.

Pagdaan ni Bea ay kumuha siya ng iniihaw ni Tatay na liempo.

Hinati niya yun isinubo agad sa bibig ko ang kalahati.






Pumasok na ko sa loob.





😢😢😢





Itong bahay namin ay sinimulan na noong ipagawa ni Nanay.

Mga bata pa kami nun ni Mafe. Nagtatrabaho pa noon si Nanay sa private company.

Nakaabang na talaga ang second floor nito. Pero dahil nga sa kung ano-anong pangyayari sa buhay namin, natigil siya. Kaya yung sanay sahig ng second floor ay nagsilbing bubong namin.

Yung butas nun para sa hagdanan ay nilagyan na lang ni Tatay ng plywood at yero para hindi tumulo ang tubig-ulan.

Wala pang pader yun. As in sahig lang.

Nakita ko kanina nung papasok ako na may dingding na siya, at bubong.


😭

Umakyat ako sa hagdanang bakal. Siguradong ready made na to nung binili nila.

Hindi ko alam kung saan gawa ang sahig na to. Para siyang tiles pero imposibleng magawan to ng ganun ng mabilisan. 

May mga divider na rin siya. Tatlong kuwarto ang ginawa.

Bago na ang mga foam. Tiningnan ko ang lahat ng kuwarto. Bago nga lahat. Hindi ko napansin kung itinapon niya ba yung nanggaling sa apartment o ano.

Yung mga cabinet namin nakalagay na rin sa kanya-kanyang kuwarto.

Sumilip ako sa bintana na gawa sa tinted na jalousie. Presko ang hangin dito kasi itong likod bahay namin ay puro puno tapos sa kabila nun ay taniman ng tita ko.

Pakbet farm ang tawag namin doon.

Ang tinatanim kasi dun ay mga gulay sa pakbet. Sitaw, kalabasa, talong, sigarilyas atbp. Depende sa kung ano ang panahon.

Sa magkabilang gilid namin ay si Tito Nanding na ang sakop ay mula sa tabing kalye hanggang dito sa tabi namin. May talyer siya sa harap. Sa tabi nung puwesto niya ay garahe na siya ring dinaraanan namin pero  kadalasan ay may sasakyan dun.

Pag nagbababa sila ng transmission ng sasakyan ay may bakal pa silang nilalagay dun at abot yun hanggang dito sa amin.

Sa kaliwa naman namin si Tita Florida ang nakatira. Up and down din ang bahay niya. Doble ang laki nun kesa sa bahay namin.

Siya ang may pinakamaraming anak sa magkakapatid. Lima ang pinsan ko sa kanya at tatlo na lang ang kasama niya sa bahay. Bestfriend ko, maliban sa pinsan ang anak niya na si Kyla.

Nurse siya at nagtatrabaho sa Makati. Minsan lang siya umuuwi dito sa amin.

Sa harap naman namin ay ang pinakamalaking bahay sa lahat, kay Tita Florencia.

Siya ang panganay, matandang dalaga siya. Sa London siya nagwowork at kahit may edad na ng konti ay ayaw niya pa ring umuwi.

Dahil nga sa siya ang unang nagkapera, nauna siyang nakapagpatayo ng bahay.

Up and down din yun pero may rooftop pa siya kaya literal na di nakikita ang bahay namin sa harapan.

Ang nakatira lang doon ay ang caretaker niya na malayo rin naming kamaganak.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now