Chapter 6

1.3K 69 7
                                    

"Joke lang ha! Baka seryosohin mo."



Putragis!

Bakit ko ba nasabi yun?

Di naman siya nagcomment. Hindi ko nakita expression niya dahil nagpauna na kong maglakad papunta dun sa kubo.




Kubo.

Kubong may living room, isang malaking kuwarto at may banyo din at saka











Napakagulong kusina 😅.

Parang dito na sila nakatira lahat. Halata sa mga damit na nakatambak sa isang sulok nung kuwarto.

Yung kusina kumpleto, may oven, refrigerator, napakaraming condiments at spices na nakakalat sa paligid.

Yung lamesa hindi mo makikita ang lapag. Nakakalat lahat ng ginagamit nila.







Nasa school pa ba ko?

Parang gusto kong sumigaw ng 'SILENCE!' eh.








"Guys shut up! Mahiya kayo kay Jessica."

Sabi ni Deanna.

🤦🤦🤦

Lalong umingay!

"First name basis na lang Deanns ah!

Mukhang nagbunga na ang effort namin. You owe us ha.

We risked our class cards for you!"




Haay Ponggay. Kailangan ko na bang masanay?







Wait lang, ano ba tong naiisip ko?

"Shut up Pongs! Hindi pa kami ni Jessica.

Not yet."


Naaalog na yata yung eardrum ko!











Sige, chika pa more!

Gutom na nga ko eh.

Pinuntahan ko yung nagiisang aligaga.


"Kat, may maitutulong ba ko?"

Parang naiiyak siya na ewan eh.

Nasa kubo ako, nasa kusina ng kubo, pero may ihawan sila dito sa loob. May electric fan sa lamesa na nakatapat dun at may bintanang malaki kaya hindi naman pumapasok ang usok sa loob.

"Kasi Miss yung pork barbecue eh. Tikman niyo po."

Kumuha ako ng tinidor at kutsilyo.

Matabang.

"Pwede ko bang pakialaman?"

Tumango siya.

Dinagdagan ko ng toyo, paminta, calamansi at oyster sauce yung nakamarinate pang liempo cuts.

Yung naluto na, wala na tayong magagawa dun.

Nilagyan ko din ng konting tomato ketchup. Nakita ko lang din dun sa mga nakakalat sa lamesa.





Nagtulong kami ni Kat sa pag-ihaw.

Dinadagdagan ko nung sauce na galing sa marinade kada binabaliktad yung liempo.

Ano ba magandang sawsawan nito?




Oo nga pala!






"Deanna, pakuha naman ako ng mangga sa labas. May marunong ba umakyat sa inyo?

Text Me When You Get HomeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora