Chapter 14

1.1K 46 6
                                    


Paguwi namin sa bahay, nilagay niya na sa ref yung mga binili niyang ice cream, yung isang box ng donuts, at lahat ng inumin niya maliban sa isang litro ng orange juice.






"Wag muna yan ang inumin mo, magtubig ka muna. Pwede mo inumin tong tubig namin sa dispenser, malinis po yan, 'professionally cleaned' yan. 🙄🙄🙄"




Binalik niya na lang sa ref yung juice niya.

Ininom niya naman yung tubig namin.

Lumipas ang mga oras sa pasulpot-sulpot niyang mga tanong.

Minsan parang Boy Abunda, minsan parang slam book, minsan parang tanga lang.

Sinasagot ko naman. Gusto niya talaga akong makilala. At in a way nakikilala ko rin siya kasi tinitingnan ko yung expression niya sa bawat sinasabi ko.

Lumipas ang mga oras, nagkakatawanan na kami kasi napapakuwento na kami sa mga kalokohan namin.

Alas diyes na nung dumating si Bea.








"Hi Jema, sunduin ko na tong bata ko ah."

Nakangiti lang ako sa kanya.


Medyo naghihikab na rin ako every 20 seconds eh.

Maaga pa kami bukas.

Tumayo na si Deanna.






Teka...















"Deanna yung mga pagkain mo..."






Marami pa eh. Nakaisa lang ako ng siopao, isang donut.

Baka gusto niyang ibigay kina---










"Sayo na yan. Malay mo makagawa akong paraan para makapunta ulit dito. Serve mo na lang ulit sa akin."



🤨🤨🤨









"Anong sinabi ko sayo kanina?"




Naiinis na tanong ko sa kanya.








"Ang dami kaya, ano ba dun?"

Pero nakangiti naman siya.






"Masanay ka na kay Deanna. Ganyan talaga yan. OA bumili ng pagkain, napansin mo ba yung mga bagay-bagay sa kitchen namin sa kubo? Makalimutan lang niyan na paminta ang pinapabili namin, bibilin na niya lahat ng makita niyang condiments, minsan sa dami, wala pa talaga dun yung binilin mo."



😅😅😅


Tawang-tawa Deanna Wong?

Buti mapera ka, sa amin kasi di pwede yun, limited ang budget kaya kailangan sakto ka lagi.






"So patatabain mo ko kasi manghihinayang ako pag nasira ang mga yan kaya kakainin ko lahat?"

Nakatingin ako sa apat na siopao at limang hotdog sandwich, yun kasi ang unang masisira.





"Yep, you better get used to it Jessica.  Mahilig talaga ko kumain."


Ah talaga ba?




"Haay nako... Next time magpaluto ka na lang sa akin, mas maganda kung ulam ha. Para kanin lang katapat, busog ka na. Hindi yung ganito, puro meryenda. Di ka mabubusog dito."






Anong nakakakilig sa sinabi ko?











"YiehHhH!!!

Manifestation na ba to Jessica?

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now