Chapter 11

1.2K 51 7
                                    


"Grabe! Ano naman ang makakasira sa inyong dalawa? Eh kitang-kita naman na sobrang mahal mo sila. Para ka nang nagampon ng apat na tao diba? Parang wala naman ako maisip na magiging dahilan para magkaaway kayo. Sobrang mapagbigay ka kaya lalo na kay Deanna."






Lodi ko na to eh. Hanep sa taba ng puso.

May pagkanega lang ng konti.




"Wala lang, siguro tao lang? May anxiety minsan. Alam mo yon? Yung parang your heart is swelling with love tapos biglang may fear na baka on the near future may something na makapagpabago nun?"







Inirapan ko tong praning na nakaupo sa tabi ko.

Hindi naman kami literal na magkatabi, nasa magkabilang dulo kami nitong upuan sa veranda ng kubo nila.

Sobrang tahimik dito, para kaming nasa gitna ng gubat.

Yung ang maririnig mo ay mga  kuliglig pag di ka nagsasalita.









"Praning lang? Maiba na nga lang tayo!

Alam mo kanina pa ko dito sa kubo, pero parang di ko pa rin naririnig na tinanong mo ko kung ano na nangyari sa boy--

Ex ko na nga pala.

Ako na nga lang magkukuwento, so ayun nga, kagabi pagalis mo, bumili ako ng mucho sa tindahan---"











Napatingin siya ng masama sa akin.












"So lasing ka kagabi?"


Tanong niya.










"Hindi. Nagchill lang ng konti. Maganda nga kinalabasan kasi nasampal na ko ng katotohanan diba?

Ang kulit naman nito!

Tutuloy ko pa ba?"












Nakataas na kilay ko sa kanya.

Tumango naman siya agad.

Nakikita ko na hinihimas niya na yung ulo niya.

Lumapit ako sa kanya. Hinimas ko yung sentido niya gaya ng ginagawa ko kay Nanay pag naaamoy ko yung whiteflower na nilalagay niya pag sinusumpong siya ng migraine.

Habang ginagawa ko yun ay tinuloy ko ang kuwento ko.


















"Sabi sayo eh."



Yun na lang nasabi niya.














"Oo na! Haay nako.. sorry na nga. Closed chapter na siya ng buhay ko. Siguro nga tanga ko. Gusto ko lang naman na bigyan siya ng chance. Hindi naman kasi ganun kadali makipagbreak.

Ako kasi yung tipo ng tao na titiisin ko muna lahat hanggat kaya ko.

Yung pagbibigyan ko kahit ako ubos na.

Kasi ako rin gusto ko ganon din ang tao sa akin.

Kung ikaw may takot ka or anxiety about kay Deanna, parang may ganun din ako.

May times na feeling ko hindi ko gaanong naiintindihan yung isang bagay or sitwasyon. Yung tipong nagets na ng lahat, ako hindi pa?

Kaya gusto ko sana sa taong mahal ko ay yung may tiyaga at pasensya para mahintay na magets ko yung bagay-bagay."

















Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now