TCP 1

30 4 0
                                    

Kyro pov

"No! what happen!? ibalik mo ko sa dati!?" matinis at maliit na boses nang papaiyak na bata

At ako iyon! Lumiit ako at naging bata sa edad na three years old.

Agad ko siyang sinugod at akmang susuntukin ko na ang kanyang paa ng kusa akong umangat, binuhat pala ako nitong babaeng ito.

"Let me go! ibalik mo ko sa dati!" gamit ang maliit kong boses pero mas lalo akong nainis ng pisilin niya ang magkabilaan kong pisngi at pinang-gigilan.

"Ang cute cute mo!" sabi pa niya bago niya ako niyakap at kumapit naman ako ng mahigpit sa kanyang balikat ng kusa kaming lumipad papunta kung saan.

"Saan mo ko dadalhin?" ang tanong ko sa kanya at umiyak na lang ako.

Bakit ba nagkakaganito ako? What happen to me? Para na talaga akong Bata nito?

"Hush now baby Kyro pupunta ka na ngayon sa iyong misyon"

Napailing ako at kusang nagpupumiglas sa kanya " no let me go I wanna go home?" pero mas lalo kaming lumayo at bumilis pa lalo ang lipad niya kaya kusa akong kumapit lalo sa kanya ng mahigpit.

Dinala niya ako sa malaking bahay na parang sa aming mansyon ang laki at malawak rin.

Agad niya akong binaba at tumingala sa kanya "what are we doing in this house?" bahagya itong yumuko at ngumiti sa'kin.

"Dito kita iiwan" agad nanlaki ang aking mga mata.

"No please I'm scared don't do this I'm promise magpapakabait na ako at sorry kung ginawa ko yun basta ibalik mo lang ako sa dati" pag-mamakaawa ko sa kanya pero umiling siya at tinignan niya ako ng seryoso.

"Marami ka ng sinayang na oras at nasaktan especially your only bestfriend your true bestfriend " doon napagtanto kung anu ang kanyang ipinupunto.

Si Carlo ang itinuring akong matalik na kaibigan ngunit 'di ko man lang siya binigyan ng pansin at ang masaklap pa ako lang ang maasahan niya ngunit binigo ko siya at tinanggalan ng trabaho.

"Now your realized your mistake but it's to late" agad akong napayuko tama siya at wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang kamalian ko.

"What should I do upang bumalik ako sa dati? Please I want to go home gusto ko pang makabawi kay mommy at sa bestfriend ko gusto ko siya i-hire ulit at bigyan ng trabaho" ngunit seryoso niya lamang ako tinignan
"Wala akong magagawa Kyro kailangan mong parusahan dahil sa mga pagkakamali mo"

"Then what should I do?" Papaiyak ko nang sabi.

"Oras na para magdusa ka at huli na ang lahat sa'yo bata para mag-sisi makakabalik ka lang kapag nagawa mo ang iyong misyon, tame them upang ikaw ay magbalik sa dati at kung hindi mo nagawa 'to pasensya na ngunit hindi ka na kailan man makakabalik sa dati at habang buhay ka ng magiging bata kaya dapat pag igihan mo dahil sa'yo nakasalalay ang lahat bata saka marami ka nang nasaktan kailangan mo rin humingi ng tawad at ibalik ang mga nasayang na oras o trabaho nila kaya goodluck " saka siya lumipad ulit at iniwan niya ako.

"No wait!!!!" habol ko pang sabi ngunit wala na bigla na siyang nawala.

Iyak lang ako ng iyak rito sa labas ng mansiyon na ito at wala akong alam kung kaninong bahay 'to.

Napatigil ako sa pag iyak ng kusang nagbukas ang gate at lumabas ang matandang babae na may bitbit na supot ng basurahan, napatingin ito sa'king direksyon at lumapit saka niya ako tinignan.

"na'ko sinong nang iwan sa'yo ritong bata ka?"

Hindi ko naman agad kailangan sabihin na naisinumpa at pinarusahan ako ng matandang pulubing naging dyosa sa kagandahan para maging bata ako ulit baka sabihin pang niloloko ko siya or worst sabihin pa akong baliw, I don't like to do this but bahala na.

Agad akong ngumawa at umiyak kaya agad niya ako inalo.

"Tahan na bata sino bang taong nang iwan sayo rito iba na talaga ang panahon ngayon magpapakasarap tapos kapag nabuntis iiwan na lang kung saan saan halika baby bubuhatin kita?" Agad naman akong tumango at binuhat niya ako ng may pag-iingat.

"Kawawa ka naman napakacute at gwapo ka pa naman siguro mayaman mga magulang mo ang puti mo kase" sabi pa niya saka kinuha ang supot ng basurahan at itinapon yun habang karga niya ako.

Pumasok na kami sa gate at nagtanong pa ang guard "manang saan niyo naman nakuha yang batang yan?"

"Sa labas habang ako ay magtatapon ng basura nakita ko jan kawawa nga eh baka mapulot pa ng masasamang loob at pagkakitaan kaya isinama ko na siya rito"

"Manang baka makita yan nina sir alam mo naman ang mga iyon 'di ba?" Tumango naman ang matanda.                 " Oo, alam ko yun pero itatago ko siya sa kwarto namin.

Agad naman pinayagan ng guard si manang kaya gumayak na kami sa kwarto nila dito sa maid's room agad agad akong pinang-gigilan ng mga kasamahan niya rito at pinisil pisil ang mga pisngi ko wala na rin akong magagawa.

"Manang saan mo ba napulot tong batang to? Napaka cute niya " napairap naman ako ng palihim at naiinis kase kanina pa nila ako pinag-pasa-pasahan sa pagkarga at paghalik sa aking mga pisngi wala akong magawa kaya tatahimik na lang ako.

Lumapit si Manang sa amin at kinuha ako at hinaplos ang aking buhok ng marahan.
"Sa labas ko siya nakita umiiyak at kawawa siya kaya isinama ko siya rito" napatango naman sila sa sinabi ng matanda.

"Anu pala pangalan mo baby?" Tanong ng medyo pandak at may kulot na buhok sa akin.

"I'm Kyro" sagot ko naman at tumawa sila.
"Aba! english na'ko mayaman ka nga!" Sabi pa niya.

"Tumigil ka nga Layla baka marinig nila tayo nina sir" saway naman ng matanda saka niya ako pinaupo sa may kaliitan na kama at hinubad ang aking damit, tinaas ko naman ang dalawa kong kamay saka niya isinuot sa akin ang malaking damit na hanggang tuhod ang haba, pinaliguan ng polbo sa leeg,batok at pati sa aking singit todo hiyaw ako kase nahihiya ako pero tumatawa lang sila pati sa aking pwet nilagyan din nila.

Required ba talagang lagyan ng polbo yung pwet kapag bata?

"Oh ayan mabango kana pakiss nga sa apo ko" saka niya ako kiniss kahit ayaw ko sana pero no choice eh.

Pagkatapos nila akong bihisan at pulbosan ay agad silang nagbihis kaya nagulat ako at tumalikod na lang alam ko naman na bawal may makikita ako na hindi dapat makita yes kahit sabihin natin bata ako sa anyo pero sa katunayan I'm just 20 years old ay mali pa rin kahit mahilig ako sa mga babae dapat 'di pa rin pwede kase lalaki pa rin ako.

Mabuti na lang tapos na sila magbihis, at nilibang ko na lang ang aking sarili sa paglalaro ng bigay nilang munting stuff toy.

"Selina ikaw muna mag-bantay kay baby Kyro at may aasikasuhin pa kami" agad naman tumango ito at binantayan ako.

Napahikab ako kaya namalayan ko na lang na binuhat ako ni Selina at kinantahan ng lullaby para agad makatulog ang isang baby kaya agad akong nakatulog.

Saka bukas na bukas rin kailangan kong gumising upang simulan na ang aking misyon.







Tbc....

Sana nagustuhan niyo please vote comment and share papafollow na rin guys salamat

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now