TCP 12

16 2 0
                                    

Hades Pov

Matagal na rin pala simula nung andito ang batang napulot nina manang Cecile sa labas ng aming gate, ayaw na ayaw ko talaga sa mga bata dahil una sa lahat allergic ako sa ma-iingay at makulit gaya nung batang 'yon.
Nadagdagan pa ang inis ko at galit nang malaman namin na siya pala ang nagnakaw sa Ilan sa mga gamit namin.

At dahil doon napagdesisyonan namin na dalhin siya sa orphanage upang sa ganun hindi na namin siya proproblemahin, I know masakit sa parte nina manang Cecile na mawalay ang batang iyon pero wala silang magagawa dahil kami ang masusunod.
Naging mapayapa na ang bahay at naging tahimik rin dahil sa wakas wala nang makulit at maingay rito.

Anyway, ngayon ang dating pala nina mom I don't know kung bakit ang saya niyang nagpunta noon rito habang nagkwekwento about sa batang muntik na niyang mabangga and she said that gusto niya daw ampunin ang batang iyon.
Knowing na ayaw na ayaw namin sa bata eh gusto pa niya mag-ampon?.

And speaking of that well there she is masayang pumasok kaya nagpunta na lang ako sa kwarto ko at chineck ang aking social media account, at 'di naman sa pagmamayabang ang 'rami na naman nagmessage sa akin at marami ring nag request sa friend list ko hinayaan ko na lang at naghintay muna.
Pagkalaan lamang ng limang minuto ay nabagot na ako at bigla namang kumatok sa kwarto ko si Zach, pinagbuksan ko 'to at tinanong ito kung anung pakay niya.

"Bakit? may kailangan ka?" nagkibit balikat ito at tumalikod ito sa akin.
"Come on tara sa baba may sasabihin daw si mom and dad sa atin nasabihan ko na sina kuya  at sabay na tayong bababa" kaya sumunod na ako at sabay na nga kaming bumaba.

Napansin kong may mga naririnig akong tawa at nangunguna ang boses ng Ina namin, kaya nang makarating doon sabay na lumingon sila sa amin at nagulat ako dahil papanong andito ulit yung batang yan?

Siya ba ang batang kanyang inampon?

Sakto lumingon sa amin si Mom at mukhang ang saya niya?

"Oh hello mga anak!! Halikayo at ipapakilala ko sa inyo ang mga magiging bago ninyong mga kapatid" humarap naman at kumaway ng masaya ang isang batang nasa 14 or 15 ang taon habang ang paslit naman ay ngumiti rin na may kasamang flying kiss, gulat na may kasamang inis at galit ang naramdaman namin at alam ko yun dahil ramdam ko, so hindi lang pala ang batang paslit ang kanyang dinala rito? Nagdala pa siya ng isa?

"Welcome back to me!! And long time no see sa inyo mga master!" Galak pang sabi nito

Aba? May galak pa siyang maging masaya? Nakita ko naman na bumaling ito kay Andrea
And you Thief Monster!" saka ngumiti ito nang kakaiba pero sinawalang bahala ko lang 'yun pati ang kanyang sinabi.

"Mom? What is the meaning of this!?"galit kong turan dito.

Agad naman tumayo si Mommy and then tinignan niya kami nang may pagtataka.

"Why? 'di ba? Sinabi ko sa inyo at napag-usapan na rin natin 'to na mag ampon kami ng Daddy ninyo?" Napailing ako bago bumaling sa bata at tinuro ito.
"Alam niyo bang ang batang inampon ninyo ay tumira roon dito ngunit isa pala siyang magnanakaw? at saka Mom kaya namin siya dinala sa orphanage para magtino at makahanap ng pamilyang kukupkup sa kanya at turuan nang magandang asal? saka bakit siya pa? At may kasama pa siya? kulang pa ba kaming mga anak ninyo!?" Hindi ko mapigilang turan sa aking Ina.

"No Hades, son please listen to me look I love this kid besides me and kaya ko siya inampon dahil naawa ako sa kaniya at isinama ko ang isa niyang kaibigan upang sa ganun naman hindi siya magiging malungkot, saka hindi ako naniniwalang kaya niyang magnakaw mga anak? imagine he's only three years old makakaya niya bang gumawa ng mga bagay na hindi angkop sa edad niya? saka napatunayan niyo ba? wala naman kayong magagawa dahil kami naman ng Daddy ninyo ang nag ampon sa mga batang 'to at please lang pagbigyan niyo kami gusto ko ulit mag-alaga ng bata kaya pagbigyan niyo na ako mga anak?"

Wala kaming nasabi at nagkatinginan na lang kaming magkakapatid sabay buntong hininga.

"Listen to your mother son's pagbigyan niyo kung anung gusto niya and besides gusto ko rin ang mga batang 'to" sabat naman ni Dad

"Fine!" Singhal naman ni Rivo bago umalis at umakyat papunta sa kanyang kwarto, sinundan naman siya nina Khier at Zach.
Saka ako bumaling ulit kina Mom and Dad.
"Sige, we accept the kid and his friend mom but" tumigil si Mom nung akmang magsasalita siya.
"But?" dugtong tanong naman ni Dad.
"If this kid did something wrong again I'm sorry pero hindi na namin siya proproblemahin at kayo na pong bahala alam niyo kung anung hindi namin gusto 'di ba?" nagkatinginan sina mom and dad at ngumiti sa akin si Mom bago niya ako niyakap.

"Yes, we know that saka don't worry walang magiging problema saka kami naman ang bahala sa mga bata kaya walang problema" tumango naman ako at palihim na sumulyap sa paslit.

Kumaway lang 'to sa akin bago ako tuluyang umalis kasama si Jace.













Kyro Pov

Nang umalis ang lima ay nakahinga ako ng maluwag akala ko may mamumuo na namang sigawan eh 'buti na lang hindi , napatingin naman ako sa babaeng nakatayo pa rin bago pumunta sa direksyon ng mommy and daddy na namin ngayon walang iba kundi si Andrea.

Hindi ko siya makakalimutan! She is the Thief Monster in this house not me!?

Palihim akong umirap ng pasimple siyang bumati sa mag-asawa at siyempre ganun rin siya sa amin na tinugon ko lang ng pagbelat sa kanya, nagulat ito pero napalitan iyon nang inis na palihim kong kinatawa, kinalabit naman ako ni Yves kaya napatingin ako sa kanya.

"Why po kuya?" tanong ko sa kanya.
"Nakita ko yung ginawa mo kanina sa babae" bulong nitong sabi bago siya tumawa.

"Eh? ayaw ko sa kanya?" ginulo niya naman ang buhok ko saka ito tumawa ulit.

Nagpatuloy ang kainan namin kasama 'tong babaeng 'to natigil lang yun nung binuhat ako ni Daddy na kinasimangot ko.

"Time's up na muna kiddo 'wag ka dapat kumain ng marami baka hindi ka makatulog" sabi nito saka siya lumapit kay Mommy para halikan ako sa pisngi.
"Love, sabihin mo kina manang Cecile na ihanda na ang mga gamit at paliguan muna si baby kyro at samahan mo rin itong si Yves para makapagpalit na rin" na agad naman sinunud ng kanyang asawa.

Hay good luck ulit sa'kin rito sa bahay ng mga Gueverra Family sana this time magawa ko na ang misyon ko.














Tbc...

Please vote comment and share saka papafollow na rin guys thanks 😘


KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now