TCP 11

17 3 0
                                    

Kyro Pov

"Ayan hindi ka na namin aawayin kase niligtas mo kami kanina" ang sabi ni Bobby ang pinakamataba sa lahat ng mga bata dito.
Napakapit naman ako sa batok ni Yves ng ikandong ako nito sa kanyang hita bago ko siya tiningala.

"Oh regalo ko yan tikman mo masarap 'to" saka niya binigay sa akin ang isang supot ng candy na malaki at kulay blue na parang cotton ang itsura.
Kinuha ko naman ito at binuksan ngunit hindi ko mabuksan dahil maliit lamang ang mga kamay ko.

"Ako na nga" at inagaw niya ito sa akin at binuksan ng walang kahirap hirap saka siya kumuha nito at isunubo sa akin yun, napalaki naman ako ng mata saka ngumanga ulit kaya napatawa sila sa akin.










Sa tatlong buwan kong pamamalagi sa bahay ampunan rito sa The House of Angels Orphanage ay okay naman kumpara sa dati kase hindi na nila ako inaaway saka nakikipaglaro na rin sila sa akin, sa mag-asawa naman na pumunta rito noon ay napag-alaman kong mag-aampom daw sila ng bata yan ang sabi ni Sister Rosie , sa ngayon na kasalukuyan lang akong nakaupo habang kumakain dito.

Nakarinig ako ng may businang kotse kaya agad akong tumingin roon, napasimangot na lang ako ng may humawak sa aking braso napatingin ako rito nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Hi? Nagkita tayo ulit" masaya nitong sabi sa akin bago ito lumuhod paharap sa akin.
"I'm so excited sa wakas naayos na ang lahat pirma na lang ng mga sister rito at makakasama  ka na namin lalo na ang asawa ko" napakunot noo ako sa kanyang sinabi.

What does she mean?

Umalis siya matapos ako nitong kausapin kaya nagpatuloy na lang ako sa pag-nguya rito.
Makalipas ng walong oras ay lumabas na yung babae kasama ang head sister dito at sina sister rosie, nakita kong masaya silang nag-uusap at nang mapatingin sila sa akin ay yumuko ako, namalayan ko na lang na lumapit sa akin si sister rosie at binuhat ako papunta sa kwarto kung saan andoon ang mga gamit ko.

Kinuha ang bago kong damit at pinahiga ako sa maliit na kama habang sinusuot ang bagong diaper ko, nagtaka ako kaya bumangon ako pagkatapos ako nitong bihisan.

"Bakit mo po ako binihisan ng bagong damit?" ang tanong ko kay sister rosie ngunit ngumiti lang ito sa akin at niyakap ako.

"Malalaman mo mamaya kaya sana magpakabait ka ah?" saka niya kinuha ang maliit kong bag at binuhat ako papunta sa babaeng naghihintay sa amin.

"Yan na pala si baby kyro Mrs.Gueverra naayos na po ang lahat at napirmahan na po na din namin ang mga papeles at legal na niya kayong  parents saka po okay na ang mga gamit niya maaari niyo na po siyang iuwi ngayon sa bahay ninyo" ngayon alam ko na kung bakit dahil napili na pala akong ipaampon sa iba at sa mag-asawa pa talaga .

Nilapitan naman ako ng babae at nilahad ang kamay niya sa aking harapan, kahit may pag-aalinlangan ay tinanggap ko pa rin saka niya ako hinalikan sa noo.

"We will promise kami ang magiging bago mong pamilya aalagaan ka namin" wala akong itinugon sa kanya dahil nahihiya ako sa kanya at nalulungkot.

At habang paalis na kami nakita ko ang lungkot sa mukha nina Yves, ayaw niya sana akong umalis ngunit wala siyang nagawa at umiyak na lang sila.

"Iuuwi na kita marami doon toys and foods para lang sa'yo baby"
Napansin siguro nito ang pananahimik ko kaya nakita ko ang pag-alala sa kanyang mukha.

"Mamimiss ko sila" at dahil siguro sa lungkot ko ni hindi ko namalayan na umiyak na pala ako.
Inalo naman ako nito at mahinahon na tinapik ang aking balikat.

Namayani ang katahimikan pero pagkalaan lang ng sampong segundo ay nagulat ako sa bigla niyang sinabi.

"Sige, isasama ko yung kuya Yves mo para hindi ka na malungkot dyan" agad akong nag angat ng ulo at ngumiti pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ng matagal ang kanyang pisngi.
Ngumiti naman siya bago niya ako pinagbuksan at tumakbo sa kanila.

Hindi sila magkadamayaw sa iyak at yakap sa akin at ganun rin ako sa kanila at kahit sa konting panahon lamang ng pagsasama-sama namin na kahit inaaway nila ako at sinaktan ay napamahal na sila sa akin, huling pagsasama na namin ito kaya susulitin ko na.

Masaya na akong nakaupo habang katabi ko si kuya Yves sa aking gilid habang kami ay papunta sa bahay ng mag-aampon sa amin.

Nang nakarating kami sa kanilang bahay ay napatulala ako at nagulat rin dahil andito ulit ako sa bahay ng mga magkakapatid, ang ibig sabihin lang nun ay muli akong nagbabalik sa mansyon ng mga Gueverra Brothers.

"Wow ang laki naman po ng bahay ninyo madam!" masayang sabi nitong katabi ko.
Lumingon naman sa'min ang ginang.

"Simula ngayon mommy na ang itatawag niyo sa akin at sa asawa ko naman ay daddy" napatango kaming dalawa at nakikita ko sa kasama ko ang galak dahil matagal na niyang inaasam na maampon at magkaroon ng sariling pamilya ngunit hindi matuloy-tuloy dahil sa ugali nito at siya kase ang pinakamatanda sa ampunan kaya walang nagbalak mag ampon sa kanya at ngayon na nandito na siya kasama ko ay sobrang saya niya, mas masaya pa nga siya kaysa sa akin eh?

Kinuha na ni Yves ang mga gamit namin at gusto ko sanang lumakad ngunit ayaw nitong ginang kaya nagpabuhat na lang ako.
At habang papasok kami nakita ko ang saya at galak ng guard kaya sinuklian ko na lamang siya ng ngiti, hindi nga ako nagkakamali andito na nga ako ulit.

Anu kayang magiging reaksyon nung lima pagnakita kami ulit?

Pagkabukas nang pinto agad kaming sinalubong nina manang at gulat saka galak ang makikita sa kanilang mga mukha.

"Kyro!" galak nitong sabi sa akin, napatawa naman si Mrs.Gueverra kaya napatingin kami rito sa kanya.
"I don't know manang ah but kilala mo si baby kyro?" napatango naman si manang saka siya bumaling sa akin.

"Yes ma'am! siya po ay tumira noon rito dahil siya ay napulot ko sa labas ng gate nang ako ay nagtatapon ng basura naawa ako sa kanya kaya kinupkop ko siya"
Ngumiti naman ang ginang kay manang bago niya ako dinala sa hapagkainan kasama si Yves.

"Later natin yan pag-usapan manang mukhang gutom na ang mga Bata" kaya agad na kaming pinaghanda nina manang ng mga pagkain at habang kami ay kumakain sakto naman ang pagdating ng lima kasama ang babaeng dahilan kung bakit ako napunta sa bahay ampunan.

"Oh hello mga anak!! Halikayo at ipapakilala ko sa inyo ang mga magiging bago ninyong mga kapatid" humarap naman at kumaway ng masaya si Yves habang ako ay ngumiti rin na may kasamang flying kiss.

Nakita ko ang gulat na may kasamang inis at galit sa kanilang mga mukha.

"Welcome back to me!! And long time no see sa inyo mga master!" Galak ko pang sabi at bumaling ng tingin kay Andrea.

"And you Thief Monster!" diin kong sabi habang may ngising nakapaskil sa aking mukha habang nakatingin sa kanya.











Tbc....

Please vote comment and share saka papafollow na rin guys thanks 😘😘😘

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now