TCP 5

16 2 0
                                    

Kyro Pov

Sa tatlong linggo kong tumira sa mansyon ng Guevarra Brothers ay napakalupit at pinahirapan talaga ako ng mga 'yun andyan yung i-uutos nila yung paglilinis sa mga sapatos as usual na ginagawa ko , meron naman yung ihahatid ko yung mga damit nila pagkatapos nilang maligo tapos itutulak ng mahina meron pa yung ipapakuha nila yung mga gamit nila kahit nasa harapan naman nila gaya ngayon nasa sala si Jace habang nanonood kasama ang kanyang girlfriend si Andrea, kilala ko 'to siya yung babaeng popular sa aming school University at siya yung queen bee saka obsessed na obssessed at papansin kay Jace.

Masaya silang kumakain habang nanood naka-akbay pa 'tong Jace na 'to kay Andrea na gustong gusto naman nung isa pasimple pang hinahaplos ang dibdib ng tao, napailing na lang ako saka ako pumunta sa kusina para ibigay ang kanilang juice.

"Baby Kyro sure kaya mo bitbitin 'to? alalayan na lang kita hah?" napatingin ako kay Marie ngunit umiling lamang ako.

"I'm ok ate Marie saka po kaya ko po andyan lang naman po sila eh?" saka ko itinuro yung dalawa habang naglalandian sa harap ng tv, napatingin naman ito sa dalawa saka napatango.

Dinala ko na yung juice nila sa kanilang harapan at maingat na nilapag, naramdaman ko naman na binato ako ng popcorn nung si Andrea kaya napatingin ako sa direksyon nila.

"Umalis ka nga jan!?" sigaw nitong sabi, umirap lang ako sa kanya kaya nagalit siya "aba't!" akmang tatayo siya nung pigilan siya ni Jace.

"Andrea stop that bata lang yan saka 'di naman mababawasan yang pinapanood mo jan kaya 'wag mo na lang pansinin iyan ok?" Tinignan ako nito ng masama bago tumingin kay Jace at ngumiti ng peke.

"Fine" saka pinagpatuloy nila ang kanilang pinapanood, kinuha ko na lang ang tray saka umalis, naramdaman ko pang masama talaga ang tingin nung babae sa akin 'di na ako magtataka kase ubod talaga ito ng sama ng ugali.

Hindi ko na lang sila pinansin saka naglakad na pero natigilan ako ng may humila sa aking damit sa likod kaya ako umangat.

"Saan ka pupunta?" agad na sabi nito sa akin.

"Ibabalik ko 'tong tray doon sa kusina Master " magalang ko naman na pagkakasabi rito.

"Punta ka sa room ko mamaya pagkatapos mong ibalik yan may ipapagawa ako sa'yo" tumango naman ako saka niya ako binaba.
Dumiretso na ako sa kusina at ibinalik ang tray doon saka umakyat at pumunta sa harap ng pintuan nito.

Nang makarating sa kanyang pinto ay kumatok ako ng tatlong beses saka naman ako nito pinagbuksan, nagulat pa ako kase kakatapos pa lang nito maligo basa pa kase yung buhok niya at nakatapis palang agad akong pinamulahan ng pisngi kase naman halos kapantay ko na yung kanya sa aking mukha.

Anu bang iniisip ko? Kyro kalma behave ok?

Nang makapasok ako ay napanganga na lang ako sa aking nadatnan saka tumingin sa kanya.

"You see , my room is dirty and messy so clean this now" wala naman akong nagawa saka kumuha na lang ng panlinis at lininis ang lahat ng kalat hanggang sa sulok-sulukan nito.

"Grabe naman 'tong taong 'to ganun ba siya kakalat?" nasabi ko na lang sa aking sarili.

Nagpatuloy lang ako sa paglilinis at inayos ang mga gamit nito, nagtagal pa ako ng sampung minuto bago okay ang lahat.

"Hay salamat naman natapos rin" saka ako umupo pasandal sa kama nito at pumikit pero napakunot noo ako ng may bumato sa'kin ng nalukot na papel.

Agad akong nagmulat ng mata at napakamot na lang ako ng buhok ko dahil sa ginagawa nito, nakaupo lang naman kase ito patalikod sa akin habang nagsusulat at kapag nagkamali sa kanyang ginagawa kaya ito tinatapon ang mga papel sa aking likod saka dahil sa inis ko ay agad ko nalang pinulot lahat ng binabato nitong papel.

Napapagod na ako dahil sa kakapulot dito dahil kanina pa 'to tapon ng tapon ng kalat niya kaya dahil sa inis na inis na ako ay pinulot ko yung isang papel kinumpol ko sa'king kamay at binato sa kanya, agad itong natigilan sa kanyang ginagawa saka ito humarap sakin at tumingin ng masama.

"Bakit mo ko binato ng papel?" diin nitong sabi sa akin na may halong inis.

"Kayo kase eh kanina pa po kayo tapon tapon ng papel nakakapagod kayang pagpulot saka sayang lang kase maari pa 'tong mapakinabangan kukunti lang naman sinulat niyo tapos itatapon ulit? Wala po ba kayong pambura jan?" Kumunot naman ang noo nito saka niya ako hinila papunta sa kanya at hinawakan ng may konting higpit sa aking dalawang braso.

"Huwag mo kong pagsasabihan kung anung gusto ko! At wala akong pakialam kung pagod ka na dahil yan yung trabaho mo kaya gawin mo 'wag kang magreklamo naiintndihan mo ba!?" Bulyaw nito sa aking harapan.

Natakot naman ako sa kanya at nasaktan rin dahil sa higpit ng paghawak niya sa aking braso, kaya hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"How poor , such a crying baby eh?" saka ito ngumisi sa akin.
"Gawin mo kase yung pinag-uutos ko kaysa magreklamo ka pinapakain ka namin rito kaya magtrabaho ka kahit bata ka wala akong pakialam kung ayaw mong ipunta kita sa bahay ampunan!" umiling naman ako at humagulgol ng iyak.

"no po Master Hades 'wag mo po ako dalhin dun saka sorry po kase sa ginawa ko basta po 'wag po ninyo ako dalhin doon I'm scared po please" pagmamakaawa ko.

Agad niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sahig habang umiiyak.

"Get out!" kaya agad na akong tumayo at tumakbo papunta sa pintuan ngunit natigilan ako at lumingon sa kanya.

"Haysst!" Singhal pa niya saka siya pumunta sa pintuan at binuksan yun kaya umalis na ako.

Tahimik lang akong umiiyak doon habang pinupunasan ko ang aking luha gamit ang laylayan ng aking damit.

"Nakakatakot siya he's a monster, sinaktan niya ako I hate you Hades!" habang sumisinghot-singhot sa pag iyak.

Natigilan ako sa pag-iyak ng may marinig akong kumakanta kaya sinundan ko 'to at nanggaling ito sa kwartong nakaawang ang pintuan, sumilip ako para makita kong sino yung kumakanta.

Napatulala na lang ako sa kanya at hindi makapaniwala dahil may ganun pala siyang magandang boses hindi kase bagay sa kanya, nakatingin lang ako sa kanya habang pinakikinggan ang kanyang boses napakagaan at sobrang lamig ng kanyang boses yun parang madadala ka sa kanyang kinakanta.

Nagtagal ako doon hanggang sa matapos siya, dahil sa husay at sa pinakita niyang galing hindi ko namalayang pumapalakpak na pala ako sa kanya.

Agad siyang lumingon sa aking direksyon at sumalubong sa akin ang seryoso nitong mukha.

"Wow ang galing mo po Master Zach! ang husay po ninyo saka ang ganda ng boses ninyo" tuwa kong sabi habang nakatingin sa kanya, lumapit ito sa akin at yumuko.

"Anung ginagawa mo sa kwarto ko?" Natigilan naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito.

"Na'ko patay ka ngayon Kyro!" nasabi ko na lang sa aking isip.














TBC....

Please vote comment and share saka papafollow na rin mamats

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now