TCP 6

19 3 0
                                    

Kyro Pov

"I said what are you doing in my room?" napakagat naman ako ng aking labi dahil wala akong mahanap na rason sa kanyang tanong.

Lumayo ito saka umupo sa isang upuan paharap sa akin.

Lumapit naman ako ng konti sa kanya at yumuko habang nilalaro ang aking dalawang daliri.

"Sorry Master Zach napadaan ako sa kwarto nang marinig ko yung boses ninyo ang ganda po kase"

"Really?" Nahimigan ko ang saya at galak sa kanyang boses, kaya napatango ako.

Narinig kong tumawa 'to ng malakas at tumingin sa akin.

"Next time 'wag kang papasok sa kwarto ng isang tao kapag wala itong pahintulot okay?" Napahiya naman ako sa kanyang sinabi kase tama siya ganyan rin noon ang sinasabi ko sa mga katulong namin kapag may magtangkang pumasok sa kwarto ko na walang pahintulot ngayon alam ko na ang pakiramdam.

"Sorry po Master" tahimik kong pagkakasabi saka umiyak ulit.

Agad itong tumayo saka tumalikod sa akin.

"Stop crying okay? naririndi ako sa kakaiyak mo bata kaya pwede tumigil ka?" tumango naman ako at pinunasan ulit ang aking luha gamit ang laylayan ng aking damit.

"What the fuck!!" nagitla ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Why po?" naguguluhan kong sabi.

"Bakit wala kang suot na underwear hah? or diaper ?" Napatingin naman ako sa aking baba kaya dahan dahan kong binitawan ang laylayan ng aking damit saka yumuko.

"wala po?" napahilamos naman 'to ng kanyang mukha.

"Saan sina manang?" Sabi nito sa akin ngunit ng wala siyang makuhang sagot sa akin ay pinatawag niya 'to agad naman pumunta si Manang sa kwarto nito saka siya tumingin ng may pag-alala sa akin.

"Bakit po sir?" tanong nitong si Manang kay Zach.

"Oh 'buti andito ka na kunin mo 'tong kasama ninyong bata bilis!" Utos nito na agad naman sinunud ni Manang saka niya ako binuhat.

Akmang aalis na si Manang ng tumigil ito dahil may pahabol pang pasabi nito.

"Manang pwede pasuotin niyo naman yang bata ng kanyang underwear or diaper nakakahiya kase nakikita na yung ari niya baka kase mamaya kung saan saan yan umuupo baka makagat lang siya"

Tumango naman si Manang sa sinabi nito hiyang hiya tuloy ako at kumapit saka itinago ko na lang ang aking mukha sa dibdib ni Manang.

"Sige po sir, nakakalimutan  ko po kase" agad naman na kaming umalis pero bago yun nag wave muna ako ng aking kamay at nagbyebye kay Zach ngunit pinandilatan na lamang ako nito.










Naglalaro ako ngayon ng laruang kotse na may konting sira na sa isang parte nito at wala ng isang gulo pero okay pa naman, ito ngayon yung pinagkakaabalahan kong gawin habang andito ako sa kusina nakaupo sa isang malaking carpet.
Bilin kase ni Manang na 'wag muna ako tumulong at sila na lang muna wala namang akong magagawa eh, at tahimik na lang na nandito.

Busy ako sa paglalaro mag-isa dito ng makarinig ako ng tawa mula sa isa kong amo na si Khier kasama pa nito ang tatlo na sina Rivo, Zach and Jace, buti wala dito ngayon yung si Hades natatakot pa kase ako doon saka ang sakit kaya nung hawak niya sa aking braso tiyak kong nagkapasa iyon, napakasentive kase ng aking balat ganito ba kapag bata napakahina?

Nakarinig ako ng angil mula kay Zach, kaya napatingin ako sa kanya at nginitian siya ngunit 'di man lang ako nginitian.

"Manang ihanda muna ang pagkain kakain na kami" utos ni Rivo rito gusto ko sanang tumulong ngunit ayaw ni manang kaya naglaro ulit ako.

"Manang 'di ba kabili-bilinan kung pasuotin mo yang bata ng kanyang underwear? nakalimutan niyo po ba?" Mahinahon na pagkakasabi ni Master Zach kay manang.
"Wala po kase akong time bumili at nakakalimutan ko po" agad naman tumawa ng malakas si Khier at Jace sa akin.

"Ang liit ng kanya" nainsulto naman ako sa sinabi ni Jace sa akin.
"Kapag na sa tama akong anyo tiyak kong malaki 'to kaya manahimik ka" nasambit ko na lang sa aking isip.

Nakaramdam naman ako ng gutom habang sila ay kumakain paano naman kaseng hindi ako magugutom ang sasarap ng pagkaing naihain sa malaking mesa natatakam na tuloy ako ulit.

Tinitignan ko lang sila kung paano kumain at paano nila nilalasap ng sobrang sarap yung pagkain, natatakam na sobra ako gusto ko na kumain pero hindi pwede baka mapagalitan tuloy ako ulit.

Napatingin naman ako kay Rivo ang hinay lang ng pag-nguya niya pero ang astig ng dating saka sobrang gwapo niya, siya yung kinaiinisan ko sa lahat, siya lang naman yung umagaw ng pwesto ko bilang president ng buong campus hindi lamang doon pati sa iisang babae siya din ang pinili kaya sobra ang galit at inis ko rito maliban pa doon siya pa yung best enemy ko at mapang-asar na tao, marami kaseng humahanga sa kanya bukod sa may sarili nang company ay Top Honor Student pa, samahan pa ng apat pa niyang kapatid na sila din ang tumutulong sa kuya nila para mapabagsak ako saka kaaway ko pa silang lahat at sila pa yung napiling paaamohin ko, grabe talaga ang tadhana nuh? ako talaga ang napili para maamohin sila na katulad ko rin na masama ang pag uugali?.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng may nakaharang sa aking harapan na isang mangkok ng sopas, nagnigng-ning ang aking mata at akmang kukunin ko na nang bigla na lang lumayo ito kaya napatingin ako sa kumuha nito at si Rivo lamang kaagad akong napasimangot na kinatawa lang nilang lahat.

"gutom na talaga si Baby Kyro oh" asar naman na sabi ni Layla sa akin kaya napatakbo ako papunta kay manang at kinarga ako.

"I'm hungry na po?" Pacute kung sabi rito.

Ngumiti naman si Manang dahil sa aking sinabi.

"Oo, wait lang natin sila sir matapos saka tayo kakain ah?" Tumango na lamang ako at hinintay silang matapos, bumaba muna ako at nilaro ulit ang aking kotse na luma.

Pinapandar ko ito at nang makalayo ang kotse papunta sa hagdanan kukunin ko na sana nang maapakan nito ni Andrea.

"Opps!" Maarte niyang pagkakasabi, pinulot ko naman yung kotseng nasira na dahil sa kagagawan ng babaeng 'to.

"sinira mo yung laruan ko" malungkot kong sabi.
"And so? ang cheap naman yan saka sira sira na kaya tinuluyan ko na" nainis ako sa kanyang sinabi.

"But that's my toy?" dagdag ko pa, pero inirapan niya lamang ako at pumunta ito sa apat, pero pinigilan ko.

"Anu ba paharang harang ka eh?"

"Ibalik mo yung nasira kong toy?" papaiyak ko nang sabi pero tinulak niya lang ako.

Agad naman akong nakita ni Marie at pinagsabihan 'tong Andrea na 'to pero sinagawan niya lamang si Marie dahil doon kinagat ko ang kanyang kamay.

Agad siyang sumigaw hanggang sa may nahulog itong pitaka at ang mga mahahalagang gamit like relo or necklace.

Natigilan naman ako kaya naitulak ako nito ng malakas sumigaw naman si manang kaya dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko ngumawa ako ng pagkalakas-lakas na iyak.

Agad naman dumalo ang apat at nagkuwari naman si Andrea na nasaktan.











TBC.....

Please vote comment and share saka papafollow na rin guys mamats.







KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now