TCP 2

23 2 0
                                    

Kyro Pov

Nagising ako na may tumapik sa'kin ng mahina sa pisngi kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin si Manang saka niya ako binuhat habang papikit-pikit pa ako.

"Napasarap ata tulog mo apo?" Saka niya ako hinalikan sa pisngi.
"Morning po" magalang kong sabi na sinuklian niya ng ngiti at may binigay siya sa akin na isang baso ng gatas.

"Good morning din apo, gatas para sa'yo upang lumakas yang resestensya mo at tumibay" saka ininom ang kanyang bigay matapos kung mainom ay binaba niya muna ako saka siya may kinuha sa isang kahon.

"Lola?" Naitanong ko saka siya lumingon sa akin, "bakit apo?" saka siya lumapit at may bitbit na damit na luma.

"Gusto ko po lumabas?" napatigil siya sa aking sinabi at agad kong itinaas ang aking kamay ng ipasuot niya yung damit na luma na hanggang tuhod ulit ang haba, hindi na problema sa baba kase 'di na ako nagsusuot ng mga underwear yeah hindi kaya presko buti na lang natatakpan eh saka wala naman issue kay Manang kase nga bata ako.

"Hindi pwede baby bawal" agad akong napasimangot kaya napabungtong-hininga siya.
"Why po?" pinaupo niya ako sa may kataasang silya at yumuko ito para magpantay kami.

"kase bawal" nagtaka ako dahil doon at paano ko maisasagawa ang misyon if 'di ako pwedeng lumabas.

Bigla naman bumukas ang pintuan at pumasok si Jessa ang pinakabatang katulong rito she's 22 years old palang at college saka siya lang maasahan sa kanyang pamilya, agad itong lumapit sa amin saka niya ginulo ang aking buhok na kinainis ko ngunit tumawa lang siya.

"Oh Jessa bakit? May ipapagawa ba sila sir?" Tumango naman
ito.
"Opo manang saka andoon sila sa labas lahat hinahanap kayo" agad naman pumunta si Manang Cecile doon at naiwan ako kasama si Jessa.

"Ate Jessa can I go outside?" napailing ito kaya mas lalo akong napasimangot.

Agad nagpaalam muna si Jessa dahil may kukunin daw saglit kaya ayun na yung pagkakataon ko para lumabas agad akong bumaba sa silya at hinila ito papunta sa harap ng pintuan saka umakyat at buksan ngunit mas lalo akong napasimangot ng nakalocked ito dahil sa inis ko ay tumalon ako at nagpapa-pandyak-pandyak na lamang at sumampa sa isang kama at nahiga.

"It's boring here gusto ko nang lumabas para magawa ko na yung misyon ko ?" Sabi ko pa sa aking isip, gagawa ako ng paraan saka dahil sa malalim na pag iisip ay bigla akong nakatulog.

Nagising ako bandang 7:00 na nang gabi at bumaba sa kama at pumunta ulit sa harapan ng pintuan habang hila ko ulit ang silya at umakyat sa pangalawang pagkakataon sa wakas hindi na nakalocked kaya natuwa ako saka agad kong nabuksan 'to saka bumaba.

Dahan dahan lang ako naglakad dahil sa liit ng mga legs ko nagtago ako ng makita ko sina Jessa na may mga bitbit na pagkain, saka ako lumabas ulit at pumunta sa sala pero walang tao at dumiretso sa kusina.
Bigla akong nagutom at natakam sa mga nakahain sa lamesa, may mga iba't ibang putahe lahat kompleto siguro may okasyon at maraming bisita.

Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa lamesa at humila ng upuan saka ko nilantakan ang dalawang piraso ng fried chicken, sarap na sarap ako sunod naman yung hotdog saka adobo lalo na yung chocolate dessert maraming beses pa akong nabulunan buti may juice rito kaya ininom ko kaagad.

Sarap na sarap ako sa pagkain ko na nakahain sa harap ng malaking mesa ng makarinig ako ng mga yabag ng mga paparating na tao kaya agad akong nagtago sa ilalim ng mesa habang may subo-subong drumstick .

Hindi ko sila nakikita ngunit naririnig kong nagtatawanan at nagsisigawan sila habang papunta sa hapag kainan natitiyak kong medyo marami sila 'buti na lamang at medyo hindi ako kita rito dahil may takip.

Nang makaupo na sila ay natigilan sila sa pagtatawanan.

At narinig ko yung sinabi ng isa sa kanila.

"What happen here? Manang bakit ganito ang ayos ng mesa at magulo may nauna na bang kumain? Or may pusang galang kumain rito?" Agad naman akong napalunok dahil sa lalim ng boses nito, nakakatakot naman siya.

"Hindi ko po alam sir kase nung naghahanda kami ay maayos po ito at wala pong mga pusang gala rito" Sabi naman ni Manang hindi ko na narinig nagsalita yung malalim ang boses kaya nakahinga ako ng maluwag.

Biglang bumalik ulit ang ingay at tawanan ng lahat saka tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento nila about girls, hang out with their friends saka mga usual na gawain ng mga mayayaman habang ako ay kumakain.

Napahawak ako sa aking tiyan ng tumunog ito at tumingala sa ilalim ng mesa.
"I want more I'm hungry pa" sabi ko habang hinihimas ang aking tiyan.

Naghahanap lamang ako ng aking tyempo dahan dahan kong inilabas ang aking ulo saka ako tumingala sa mesa habang tinitignan kong may nakakapansin sakin ng wala ay tuloy tuloy lang silang nagkwekwentuhan ay agad na akong palihim na pumuslit ng aking pagkain.
Kuha lang ako ng kuha hanggang sa mabusog ako ngunit hindi pa sapat upang mabusog ako ng tuluyan kaya akmang kukuha ako ulit ng biglang bumukas ang takip ng mesa saka dumungaw ang isang lalaki.

"na'ko po patay" lihim kong Sabi sa aking sarili.
"Gumawa ka ng paraan Kyro" dagdag ko pang sabi sa aking sarili pero napasinghap ako ng may biglang kumuha ng braso ko at binitbit ako pataas.

"Who's this kid!!!" Pagalit na sigaw nung lalaki, nakakatakot siya hindi bagay sa kanyang itsura teka? Namumukhaan ko siya? yes, siya si Rivo Gueverra siya yung taong kinaiinisan ko.

Agad naman dumalo si Manang sa aming harapan at kita ko yung pag alala sa kanyang mukha.

"Manang sino 'tong batang ito? saan niyo siya kinuha? Alam niyo naman na ayaw na ayaw namin sa mga bata 'di ba?" Napatango naman si Manang dito.

"Paalisin niyo siya rito ngayon din? baka isa itong magnanakaw o kaya pinadalang espiya ng mga kalaban namin? " Pasigaw niyang sabi kaya nainis ako dito namumuro na 'tong taong to ah? Kung nasa normal akong katayuan siguro nabangasan ko na 'to o kaya nasagot sa mga sinasabi niya.

"No I'm not like that" sabi ko naman at tumingin siya sa'kin saka seryoso niya akong tinignan at pinasadaan ng tingin para niya akong hinuhusgahan sa kanyang tingin.

"Really? nakakapagsalita ka nga ng English eh ? kaya 'wag mo kong lokohin kaya manang paalisin niyo ang batang 'to ngayon din!? kung ayaw niyong ako ang magpapalayas rito?"

Haysst I hate him nakita ko kung paano mamuo yung luha ni manang Cecile at yung mga katulong nila what should I do now? Hindi pwede akong umalis rito?









TBC.....

Please vote comment and share saka papafollow rin salamat

KYRO (The Cursed Punishment)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora