TCP 4

16 2 0
                                    

Kyro pov

"Hey kid, nilinisan mo nga itong sapatos ko bilis!" yan yung utos ng isa kong amo na si Khier agad naman akong tumalima saka pumunta sa kanya para matapos ko na yung ginagawa kong pagtulong kina Manang, nilinisan ko ang kanyang sapatos yumuko ako para punasan ito, pinakintab at talaga naman kinuskos ko ng maayos, bigla na lamang akong napaupo ng mahina niya akong itulak gamit ang kanyang paa.

Napatingala ako sa kanya dahil sa gulat hindi ko naman alam na itutulak niya ako, nakangisi ako nitong tinignan.

"What a jerk" bulong kong sabi at tumingala saka bago tumayo.

"What did you say? You call me a jerk?" agad naman akong umiling sa kanya at nagpa-cute.

"I'm not po and my name is Kyro not jek po" inosente kong sabi sa kanya.

Ang hirap maging bata mas lalo kapag kumilos na bata at maging inosente I hate it! But who care's baka makalusot pa ako akala niya siguro nitong gagong 'to ganun ganun lang niya ako tratuhin sampahan pa kita ng child abuse makita mong loko ka.

Napahilot naman ito ng kanyang noo saka niya ako tinignan ng masama.

"Kun'di ka lang bata baka kanina pa kita binugbog" napasimangot naman ako at nagkunwaring naluluha saka umarteng nasaktan.

" 'wag po Master I'm scared don't hit me" saka napaatras ako at ngumawa ng malakas pasadya ko talagang palakasin ang iyak ko para makuha ang atensyon namin rito at hindi nga ako nagkamali agad na pumunta sa akin si Layla at binuhat niya ako at inalo niya ako pero 'di ako tumigil sa kakaiyak.

Lumapit naman ang apat sa kinaroroonan namin saka tumingin sa amin.

"Anu bang kaguluhan dito?" ang pagalit na sigaw ni Rivo.

"Sorry po sir umiiyak kase si baby Kyro saka hindi ko po alam yung nangyari" ang sabat naman ni Layla habang pinapatahan ako ngunit pinalakas ko lang yung iyak ko nakita ko naman ngumiwi naman ang itsura ni Zach siguro dahil sa ingay ng pag-iyak ko.

"Hey stop crying ang ingay mo! pwede ba patahimikin niyo yang bata? naririndi na ako sa kakaiyak niya!" sigaw naman ni Hades.

Eh kung ikaw kaya patahimikin ko jan mga hayop kayo.

"Kyro please tahan na ok bakit anu ba kase nangyari?" Mahinahon naman na sabi ni Layla sa'kin.

Napatingin naman ako sa kanya habang umiiyak, pwede na akong artista nito ang galing ko kaseng umarte at magpanggap na nasasaktan.

"sabi kase ni Master Khier bugbog niya ako" pacute ko pang sabi dito, tumingin naman si Rivo kay Khier saka tinapunan ito ng masamang tingin tumawa lang ang isa at itinaas ang dalawang kamay wa'ring sumusuko dahil sa kasalanang ginawa.

"Khier is this true?" tumawa lang 'to at umiling.
Napa 'tsk' na lang si Rivo dahil sa kapatid.

"Go back to your work now and you!" Sabay turo nito sa akin
" naistorbo mo yung ginagawa kong report para sa presentations ko for my medication mamaya pero nang dahil sa'yo nawala yun uulit ako ulit sa pag-gawa bwesit!" Turan naman ni Hades saka umakyat na pabalik sa kanyang kwarto.

Natahimik naman silang lahat habang ako iyak lang ng iyak natahimik lang ako ng bigyan ako ng candy ni Manang, saka niya ako dinala sa kwarto nila.







Rivo pov

I hate kids lalo na ngayon andito yung batang 'yun na napulot Ni Manang sa labas ng aming gate, kung hindi sa pakiusap nung si manang matagal ko nang dinala sa bahay ampunan yun.

Napalingon ako sa aking pintuan ng bumukas ito at pumasok si Hades na nakabusangot ang mukha at seryoso itong naupo sa harap ko.

"What?" Tanong ko rito.

"That kid he's annoying inulit ko tuloy yung gawa kong presentations dahil sa ingay niya dito mo ba talaga patitirahin yung batang yun?" Nagkibit balikat ako at uminom ng aking alak.

"I don't know" sumingkit naman ang mata nito dahil sa aking sinagot.
"You don't know? huwag mong sabihin na totohanin mong dito siya titira?" napatango naman ako.

"Besides hindi naman libre ang pagtira nung bata rito Hades magtratrabaho siya at naawa lang ako kay Manang mukhang ayaw niyang paalisin natin yun" napailing na lang ito dahil sa sinabi ko.
"Alright sige papayag ako pero hindi nito maaasahan ng paslit na yun na magiging mabait ako sa kanya dahil kapag may nagawa man siyang mali kahit bata pa yan humanda siya sa akin"

Napatango naman ako dahil sa sinabi nito.

Pagkatapos kong magawa at pirmahan ang mga papeles about sa company ay lumabas muna ako sa aming terrace para magmuni-muni.
Pumasok lang ako ng tinawag na ako ni Marie upang kumain na agad ko naman inayos ang mga kalat ko saka lumabas andoon na ang mga kapatid ko at ako na lamang ang hinihintay nila.

Tahimik lang kaming kumakain at wala ni isang nagsasalita, dumako ang tingin ko sa bata na kanina pa pala nakatingin sa'min nagulat ito nang makita ako nitong nakatingin sa kanya kaya napatago siya sa likod ng palda ni Jessa.

Kaya pinagpatuloy ko na lang ang kumain pero napakunot noo ako ng marinig ko 'tong nagsalita.

"Ate? I'm hungry na hindi pa ba sila tapos?" agad akong tumingin sa direksyon nito at napatigil siya sa paghila sa laylayan ng damit nitong si Jessa saka tumingin ito sa akin narinig ko pang tumunog ang kanyang tiyan marahil talagang nagugutom na 'to.

"Manang?" Tawag ko kay Manang Cecile saka ito lumapit sa'kin.
"Bakit po sir may kailangan ka po ba?" napatingin ulit ako sa bata at nagtago ulit siya sa likod ni jessa.

"Pakainin mo na yung kasama ninyong Bata kanina pa gutom baka ako pa sisihin o iiyak na naman yan mamaya kapag hindi napakain" agad naman tumango si Manang at binuhat ito papunta sa kitchen.

Nakita ko 'tong masayang kinakain ang isang pirasong fried chicken at may hawak pang pansit sa kanang kamay nito, napailing na lang ako dahil ang kalat nitong kumain sinasaway ni Manang Cecile ngunit ayaw papigil siguro dahil sa gutom.

Sinawalang bahala ko na lang yun at pinagpatuloy ang pagkain ko.








TBC.....

Please vote comment and share papafollow na rin salamat

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now