TCP 7

16 3 0
                                    

Kyro Pov

Agad naman umakting na nasaktan si Andrea at nagsumbong kina Jace.

"Nasaktan ako sa kagat ng batang yan babe? Look oh" saka niya pinakita yung kinagatan ko sa kanya.

Agad naman akong sinamaan ng apat kaya yumuko na lang ako at umiiyak.

Nakita kong pumasok naman si Hades at pinulot ang mga nakakalat na gamit sa sahig.

"Kanina ko pa hinahanap 'to bakit nandito 'to?" Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha ni Andrea.

"Ah siya!" saka niya ako itinuro " siya yung kumuha ng mga yan! Isa siyang magnanakaw" nakatingin lang silang lima sa akin, nakita ko pa ang pag yukom ng kamao ni Hades.

"Sinasabi ko na nga ba isa siyang magnanakaw noon ko rin pinaghihinalahan na lagi nalang wala ang iba kung pera at sa mga gamit ko dahil kinukuha niya" sabat naman ni Khier.
"Yeah me too may nawala rin sa akin" dagdag naman ni Jace .

Napatango na lang si Zach dahil siguro nanakawan rin siya pero hindi ako ang nagnakaw, nakita kong hawak niya kanina 'to at nabitawan niya nung kinagat ko 'to , siya ang magnanakaw at hindi ako.

Napailing lang si Rivo at tumingin kina Manang .

"Manang come with me may pag uusapan tayo" walang nagawa si manang at binaba niya muna ako saka sila nagpunta sa office ni Rivo kasama ang apat pa niyang kapatid at si Andrea.

Gusto ko sanang sumama pero binilin ni Manang na 'wag akong susunod kaya maghintay na lamang ako dito.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumukas ang pintuan at iniluwa si Manang na umiiyak, pumunta ako sa kanya at tinanong kung bakit siya umiiyak.

"Why are you crying po lola? napatingin siya sa akin at niyakap niya ako habang hinahagod ang aking likuran.

"Pasensya ka na baby Kyro pero katulong lamang ako rito wala akong magagawa dahil sila ang masusunod kahit nakiusap ako hindi na nila ako pinakinggan dahil galit sila, naawa ako sa'yo apo ko" nagtaka ako sa kanyang sinabi at kumalas sa yakap niya.

Umiiyak lang itong nakatingin sa akin, bumukas ulit ang pintuan at lumabas na ang lima kasama si Andrea na nakangiting hawak ang kamay ni Jace at bumaling sa akin na agad ko namang ikinasimangot.

"Manang sige na impake muna mga gamit niya at bukas na bukas dadalhin na namin siya roon, hindi ko papayagan na may kumukuha ng gamit rito sa pamamahay namin and I was disappointed na ang bata pa niya para magawa ito that's why I hate kids sa murang edad natutu na siyang gumawa nang mali" saad ni Rivo saka ito umiling ngunit may halong galit sa kanyang tono ng pagkakasabi nun.

Hindi ko na pala kailangan magtanong dahil alam ko na kung anung nangyayari, pinagbintangan nila akong nagnakaw ng kanilang gamit na ang hindi nila alam ay nasa tabi lang nila ang tunay na nagnakaw nito.
Bigla akong nalungkot dahil ramdam ko kung anu yung feeling na mapagbintangan gaya ng ginawa ko sa dati kung classmate na si Arthur mahirap siya noon at lagi ko 'tong binubully pero kahit ganun masipag siyang mag-aral dahil sa dakila akong sutil, ginawa kong miserable yung buhay niya at nang dumating ang exam namin siya yung pinagbintangan kung nag cheat sa amin at kumuha ng answer sa teacher's desk ni Miss Santos, ngayon sa akin ito ginawa ay alam ko na yung pakiramdam ang sakit pala.

Binuhat ako ni Manang saka kami pumunta sa maid's room , hindi ko magawang tignan sila dahil natatakot akong bigyan nila ako ng masamang tingin .

Binaba ako ni Manang habang iniimpake ang ilang gamit ko rito na halos lahat malalaking damit at wala ni isang shorts or underwear kase 'di pa sila nakakabili, nakikita ko kung paano manginig ang kanyang kamay habang inaayos yung mga gamit ko, hinawakan ko ang kanyang kamay at natigilan 'to saka siya tumingin sa akin agad kong pinunasan ang kanyang luha.

Ngumiti ako sa kanya na nagsasabing okay lang ang lahat.

"Don't be sad Lola okay lang po ako" pero hindi man lang tumigil sa panlandas ng kanyang mga luha, napailing ito saka niya ako hinalikan sa aking bunbunan.

"Hindi ko alam kung kaya kong mawalay sa'yo apo ko napamahal ka na sa akin at natatakot ako kung anung kahihitnan mo doon pero alam kung sa ikakabuti mo 'to siguro kailangan mo nga ang mapunta doon dahil mabibigyan ka ng isa pang pagkakataong maranasan magkaroon ng isang masayang pamilya at maalagaan ka nila doon" nalungkot naman ako ng bahagya dahil sa sinabi nito napakabuti niyang tao at ang sarap palang malaman na may nagmamahal sa akin na ayaw akong mawalay sa kanya at natatakot itong maiwan ako, namiss ko tuloy ang aking mommy kase hindi ako ganito sa kanya naging pasaway ako at 'di ko man lang nakita yung mga effort niya towards me kung paano ako nito inlagaan, kung paano ito kasayang mahalin ako at nagsisisi na ako sa lahat ng mga nagawa ko kung kaya ko lang ibalik ang dati at humingi ng sorry sa lahat ng nasaktan ko at ginawa kong masama sa kapwa ko lalo na sa mommy ko at sa bestfriend ko ay gagawin ko pero huli na ang lahat kaya siguro ako pinarusahan upang ipakita o ipadama sa akin na nagkamali ako at makita kung anung mga nagawa ko noon huli na para sa akin siguro deserves ko 'to.

Naramdaman kong inangat niya ako at binuhat pa kandong ni Manang at niyakap ako ng mahigpit ginantihan ko man 'to at umiyak ng tahimik.












Umaga na pala, wala akong siglang bumangon at nagtungo kay Manang at niyakap 'to habang nakatalikod sa akin.

Humarap naman ito sa akin at yumuko para magpantay kami.

"Ready ka na ba apo ko?" Tumango na lamang ako sa kanya, saka niya ako dinala sa banyo at pinaliguan saka binihisan ng bago, napatingin ako kay manang at ngumiti ito ng malungkot.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nito sa akin kaya tumango ako ng dahan-dahan.
"Binili ko yan kahapon gusto kitang supresahin dahil sa masipag ka at matulungin at palagi mo rin akong pinapasaya bilang ganti binili ko yan para sa'yo pero ngayon mo na pala maisusuot ngayong aalis ka na" natahimik naman ako sa sinabi nito.

Bigla siyang tumalikod at agad kinuha ang naka-impake ko nang damit.

"Huwag kang magiging pasaway doon ah at lagi kang kakain para busog lagi yang tiyan mo" habang 'to ay umiiyak.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya at sinusundan siya.

"Tara na" at nilahad ang kanyang kamay at hinawakan ko naman ang dal'wang daliri nito.

Lumabas na kami at kanina pa ako hinihintay ng lima sa kanilang sasakyan.











TBC....

Please vote comment share and papafollow na rin mamats

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now