TCP 14

31 3 1
                                    

Kyro Pov

"Manang cecile kayo po muna ang bahala kay Yves and baby kyro ok?" agad naman tumango si manang at saka mabilis na umalis si Mommy pero bago yun hinalikan niya muna kami sa pisngi at noo saka ngumiti, narinig na lang namin na umalis na ang sasakyan.
Pinagpatuloy naman namin ang kumain saka sinusubuan naman ako ni ate layla ang sabi ko rito ako na lang kase may mga kamay naman ako pero ayaw niya nagkakalat lang daw kase ako, hindi na rin ako nagreklamo dahil totoo naman kase kaya hinayaan ko na lang siyang pakainin niya ako.

"Good morning!" napatingin naman ako sa bumaba, may gana pa siyang bumati wala namang good sa morning kung siya rin naman ang bubungad nawalan na tuloy ako ng gana.

Kasabay naman na bumaba nito ang lima, hindi ko na lang sana sila papansin nang bigla akong kurutin sa pisngi ng babaeng kinaiinisan ko.

"Hi baby kyro masarap ba naging tulog mo?" masaya niyang sabi sa akin habang hawak pa rin niya ako.
Napasimangot naman ako sa kanya at bigla ko ring siyang kinurot sa pisngi.

"Opo sana eh kaso nanaginip kase ako at ikaw yun kaya hindi na naging maganda tulog ko" hindi naman nakaimik si Andrea at tumawa nang malakas si Khier.

Dahan dahan naman naupo si andrea at hindi na siya umimik pero napansin kung naiyukom niya ang kanyang palad dahil siguro sa sinabi ko sa kanya.

Nang mabusog ako ay kinuha na ako ni ate layla at pinaliguan at binihisan, nahihiya pa ako sa kanya dahil siya lang naman ang laging naglalagay ng diaper ko pero walang kaso sa kanya dahil ang alam niya bata akong walang kamuwang-muwang.

Nakita ko ang lima pagkatapos namin kumain ay nasa sala sila kasama ang ilang mga barkada nila, hindi naman sa pagiging tsismoso pero pumunta ako doon at sinilip kung anung pinag-uusapan nila pero mga babae lang ang topic at mga games, aalis na sana ako nang bigla akong umangat.

"Hey guys who's this kid?" lumaki naman ang mata ko dahil bigla ba naman akong iharap sa kanila, mas lalo pa nung dinala niya ako sa kanila.
"Hey Gueverra brothers sino 'tong batang ito sa bahay ninyo na pakalat-kalat?" napatingin naman sila sa amin, dahil nahihiya ako yumuko na lang ako para maitago ko ang aking mukha.

"Mom and Dad adopted child" tipid na sabi ni Rivo napa-oh na lang ang kanilang mga kasama at hindi na nagtanong pero hawak pa rin ako nitong isa at isinama.Kinandong ako nito paupo habang nakaharap kina Rivo.
"He's quite handsome huh?" nasabi na lang nito habang tinitignan niya ako.

Akala ko may sasabihin pa 'to mabuti na lang nagsalita si Hades kaya nakuha niya atensyon nila.
"So tuloy ang plano sa saturday?" yan ang narinig kong sabi nito sa mga kasama.

"Yes, naman matagal na noong pumunta tayo ulit doon dahil sa 'dami nang mga ginawa for our school works and project research" sumang-ayon sila at nakinig na lang ako sa mga pinag-uusapan nila.
Lumapit naman sa pwesto namin si Rivo at kinuha niya ako sa lalaking kandong ako.Hindi naman pinatagal ng lalaking ibigay ako sa kanya kaya nasa braso na ako ngayon ni Rivo.

Anu kaya nakain nito at kusa niya akong binuhat?

Napatingin na lang ako sa kanya ng pinatawag niya si manang cecile at sinabi niya ritong timplahan ako ng gatas para hindi daw ako mabagot at umiyak na agad namang sinunod ni manang.Mabilis naman binigay nito ang aking gatas matapos ako nitong timplahan kinuha nito ni Rivo kaya dinede ko na, Hawak niya lang ang bote nitong gatas na aking iniinom at wala namang sinabi nito.

"Pwede mo siguro dalhin yang kinakapatid niyo doon para naman makilala at malaro ko siya?" agad naman tumingin si Rivo rito pati ang apat.

Ayos sana pumayag sila para naman hindi ako mabagot rito at mabantayan ko sila.

"No" sabay-sabay nilang sabi na kinagulat nang mga kasama nila at pati na rin ako.
"Why naman mga pare? look gusto ko kase 'tong bata saka ang gaan kase ng pakiramdam ko sa kanya at pwede ko ba siyang ipakilala sa girlfriend ko?" hindi naman sila nakasagot pero alam kong ang pagiging tahimik nila ay ibig sabihin lang nun na hindi talaga sila papayag.

Napabuntong hininga naman ang isa nilang kaibigan at malungkot na tumingin sa akin.
"Ok gets ko na hindi kayo papayag then fine hindi ko na kayo kukulitin about that baby"

Napayuko naman ako haysst sayang chance ko na sana 'yun eh sana pumayag naman sila para mabantayan ko sila at baka yun na yung time na bumait sila para maging binata na ako ulit.

Namalayan ko naman na hinaplos ni Rivo ang aking pisngi ngayon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

"i want to come po master please?" Pakiusap ko baka sakaling pumayag at maawa sa pag-iyak ko.Tumingin sila sa akin at may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko na marinig ano bang nagyayari sakin bakit pakiramdam ko inaantok ako at nahihilo? pakiramdam ko bigla na lang ako matutumba?

Napatingin ako sa kanila ng mataranta sila isa-isa pero hindi ko alam ang dahilan bakit wala akong naririnig.Namalayan ko na lang na lumapit ang lima sa akin at kita ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, gusto ko sanang magsalita ngunit walang lumalabas na boses galing sa akin.Anu to? bakit nanghihina ako? anu ba kaseng nangyayari?

Naipikit ko ang aking mga mata ng may liwanag akong nakita at pagbukas ko nang aking mata bumungad sa akin ang dyosang nagbigay sa akin ng parusa at sumpa.

"Kyro" tawag nito sa akin na kinatingin ko sa kanya.

"Kailangan mo nang gawin ang misyon mo kung hindi ay hindi ka na muli makakabalik sa dating ikaw"

"please lang bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon pakiusap" nanatili lang ito at hindi nagsalita.
"sige, pagbibigyan kita total umaayon ang gusto mo mukhang babait na sila sa'yo"natuwa naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"really? so it means kapag napagpatuloy na maging mabait sila babalik na ako sa dati?"

"hindi pa sa ngayon alahanin mo na misyon mong maging mabait sila at magbago rin sila" tumango naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"ok malinaw kyro gawin mo na ang misyon mo and oh by the way kaya mo ko nakita ngayon dahil may isang taong naglagay nang maling brand ng gatas sa iniinom mo tinangka kang lasunin nito?" napasinghap naman ako sa gulat.

"Pero bakit?at sino po siya?" umiling ito sa akin bago ako tinignan ng seryoso.

"Hindi ko alam kong bakit at kahit alam ko hindi mo dapat malaman dahil ikaw mismo dapat ang makaalam at 'wag mong ipahalata kung anung nangyari sayo dahil magtataka sila at hayaan mong sila rin ay may alam kong sino iyon sa ngayon kailangan mo munang bumalik paalam kyro magkikita pa tayo ulit"

"Teka!?" ngunit naglaho na lang ito bigla at ako naman ay nilamon na nang dilim at hindi ko na alam kung anung nangyari.

















TBC....

Please vote comment and share papafollow na rin guys thank you

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now