TCP 9

18 2 0
                                    

Kyro Pov

Naglalaro ako ngayon mag-isa sa mini park rito sa likod ng orphanage, ayaw kase akong kalaro ng ibang bata rito dahil hindi naman nila ako kaedad at masyado pa akong bata para makipaglaro at makipagsabayan sa kanila.

Mag-isa akong nakaupo habang nakatanaw sa kanilang nagtatawanan, napangiti na lang ako ng mapait dahil ni minsan hindi ko naranasan makipaglaro sa labas dahil ayaw akong palabasin noon ni Mommy at maraming banta noon sa buhay namin dahil nga sa mayaman kami at isang lawyer ang ina ko kaya ganun.

Abala lang ako sa aking ginagawa ng may tumawag sa akin.

"Psstt hoy bata!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at si Yves yun, siya yung leader ng mga bata noon na inaway ako galing nga ng welcome nila sa akin akalain mong unang araw ko palang rito puro pananakit nila yung naranasan ko andyan yung kukunin nila ang pagkain ko habang gutom pa ako, meron naman kapag may ibibigay sakin si Mother Rosie na isang laruan na bago aagawin nila iyon sa akin at sisirain saka kapag oras na nang tulugan kinukulit nila ako para pumunta sa baba at kumuha o pumuslit ng stock nilang snacks at kapag 'di ko nagawa at umayaw ako sinasaktan nila ako itinutulak, binabatukan at kinukurot nagkakapasa na nga ako dahil sa mga ginagawa nila sa'kin eh pero tinitiis ko na lang at kung minsan kapag pinapaliguan saka  binibihisan ako ni Mother Rosie ay napapansin niya ang mga pasa ko at sugat.
Tinatanong ako nito kung saan ko nakuha yun ngunit hindi ako umiimik kaya wala siyang magagawa.

"nakikinig ka ba bata?" tumango na lang ako ng dahan dahan.

Bakit ba 'to laging galit sa akin?

"Halika ka nga rito tumayo ka jan may ipapagawa kami sa'yo" agad naman ako tumayo at naglakad papunta sa kanila.
"Bakit po?" may nilahad 'tong pagkain sa aking harapan pero hindi ko alam kung anung klaseng pagkain yun.

"Nakikita mo 'tong hawak ko? ibibigay namin yan sa'yo kung kukunin mo yung bolang yun sa labas" saka nito itinuro sa akin kung asan yung bola, napatingin naman ako sa kanila.

"Bakit hindi kayo ang kumuha? kayo yung naglalaro eh?" nakita ko kung paano ito mainis saka niya ako binatukan ng malakas.

Aray ko! mabobo ako sa inyo kapag lagi niyo kong binabatukan loko 'tong mga batang 'to ah.

"Sige na kunin mo na 'yun ang dami mo pang sinasabi kung ayaw mong kunin hindi ka namin bibigyan nito" wala naman akong nagawa sinunod ko na lang ang kanilang pinapagawa kaysa magreklamo, lumusot ako sa maliit na espasyo ng gate dahil nakasara ito ngumisi na lamang ako dahil may nagagawa rin pala 'tong liit ko.

Nakalabas na ako sa gate at tumawid sa isang kalsada, andoon yung bolang pinapakuha nila kaya kinuha ko na'to lumingon pa ako sa kanila at pinakita ang bolang hawak ko, tumango lang sila kaya agad na akong bumalik pero papatawid na ako ng biglang may dumaan na kotse sa aking harapan, napatulala na lang ako at hindi nakagalaw sa aking pwesto.

Katapusan ko na ba 'to? Paano na yung misyon ko?

Pumikit ako at hinayaang maramdaman ko ang pagbangga sa akin ng kotse ngunit wala akong naramdaman, dumilat ako at nakitang huminto pala 'to sa aking harapan bago pa niya ako mabangga.

"Muntik na" bulong kong sabi.

Bumukas naman ang laman ng kotse at nakita ko yung pag-alala niya bago niya ako nilapitan, lumuhod ito at sinalat niya ang buong katawan ko at sinuri kung may masakit ba sa akin pero umiling lamang ako.

"I'm sorry baby I thought mababangga na kita pero salamat dahil naapakan ko kaagad ang break ng aking kotse" napagmasdan ko ang kanyang mukha, nakaporma ito ng suot pang opisina at sa tingin ko nasa edad 40 pataas ngunit ang bata pa niya ang ganda ng kutis eh pang-mayaman.

Nataranta naman akong nilapitan at binuhat ni Mother Rosie at niyakap, sinandal ko na lang yung ulo ko sa kanyang balikat habang hawak ang bola.

"Sorry po mother akala ko mababangga ko na 'tong bata muntik na kaya sana patawarin niyo ko hindi ko alam na dadaan siya sa harapan ko" hinaplos pa nito ang aking likod.

"Okay lang po Miss pero sana sa susunod mag-ingat po tayo ayaw ko pong may masaktan sa mga bata dito lalo na 'tong buhat kong bata, he's only three years old at ayaw kong mapano 'to dahil mahina ang resistensya niya.

Hindi nakaimik ang babae sa sinabi ni Mother Rosie tinignan ko yung babae at tumingin rin siya sa akin saka ito ngumiti sa akin.

"Sorry talaga nagmamadali kase ako ito oh this is my calling card I'm Cassandra Ruiz Gueverra if may kailangan ang bata o nagkaproblema rito sa orphanage willing po akong tumulong sige I have to go sorry again baby" saka ako nito pinisil sa aking pisngi, nagbyebye na lang ako sa kanya.

She's familiar? Parang ka surname ng mga Gueverra Brothers, kaano ano kaya nilang lima yung babae?

Nang makalayo ang kotse ay agad na kaming pumasok ni Mother Rosie at agad na pinagalitan sina Yves, nakayuko lang ang mga ito habang pinagsasabihan nito sila.

"wag na ninyo uulitin iyon maliwanag? Lalo ka na Yves ikaw ang pinakamatanda rito kaya tinutuluran kanila, kung sana turuan mo sila ng mabuti ay okay pa" saka agad na kaming umalis.

Mariin pa akong tinignan nila ng masama kaya nagtago na lang ako sa dibdib ni Mother Rosie.











Third person pov

Tahimik na kumakain ang limang magkakapatid ng may dumating na isang babae.

"Hey guys I'm here!" sabi nito masaya naman tumayo ang lima at isa isang sinalubong ng yakap at halik ang babae.

"Naparito kayo? May emergency po ba?" bungad na sabi ni Jace, umiling naman ang babae saka ngumiti.
"Nothing son, bumisita lang ako rito saka kakatapos lang ng aming meeting kani-kanina lang saka na stressed ako" saka ito umupo na sinabayan naman ng lima.

"Why? baka naman kase pinapagod niyo ng husto yang katawan ninyo Mom I can handle our company ako na bahala besides may hinabilin naman akong mag-hahandle ng aking kompanya" tumingin naman ang ginang sa anak nitong si Rivo.

"No need son 'di naman sa trabaho 'to eh kung bakit ako na-stressed kase kanina muntik na ako makabangga ng isang bata" nagkatinginan naman ang lima saka sila sabay sabay nagulat.

"What?" sabat ni Hades .

"Dahil sa pagmamadali ko kanina but don't worry okay naman ang bata pero kawawa siya nasa malapit na orphanage lamang iyon saka actually I like that kid he's cute and adorable kakausapin ko nga ang Dad ninyo na I want that child gusto ko siyang ampunin"

Umiling lamang ang magkakapatid.

"Whatever mom" ika pa ni Khier bago pinagpatuloy ang kanilang kinakain.











TBC....

Please vote comment share and papafollow guys thanks

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now