TCP 3

23 2 0
                                    

Kyro Pov

Anung gagawin ko? hindi pwedeng umalis ako rito dahil may misyon pa ako at ayaw kong maging bata habang buhay.

Labag man sa akin ang aking gagawin dahil ni minsan hindi ko 'to ginawa sa tanang buhay ko.

Agad akong nagpa-cute at umiyak na lumapit sa tuhod ng Rivo na 'to saka ako tumingala sa kanya at binanggit kung anung nais ko.

"I'm sorry po I promise magiging good boy po ako hindi po ako magnanakaw saka I'll do everything basta 'wag mo po ako paalisin please?" at nagmakaawa sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama pero sinuklian ko siya ng ngiti lamang at bigla niya akong itinulak gamit ang kanyang tuhod kaya napaupo ako ngunit agad akong tumayo at yumakap ulit sa kanyang tuhod.

"Please?" Pag uulit ko pang pag-mamakaawa .

"Sige na po sir tanggapin niyo na ang bata kawawa naman po siya iniwan kase siya sa gate ayoko naman pong mapahamak siya doon kaya ko siya kinupkop at dinala rito patawarin niyo ako mga sir kung lihim kong 'di sinabi basta tanggapin niyo lamang ang bata at ikaltas niyo na lamang sa aking sweldo yung hindi pagsabi sa inyo ng totoo" Sabi ni Manang Cecile rito at tumingin siya sa'kin.

Napahilot sa sintido 'tong si Rivo at tinignan ang kanyang mga kasama kung sang-ayon ba sila.

"Kung tatangapin namin yang batang yan ikaw Rivo mismo ang bahala jan you know we hate kids there's so annoying right?" Napatango naman si Rivo sa sinabi ng isa sa kanila na sa pagkakaalam ko siya si Khier ang pangatlo sa magkakapatid na Gueverra.

Tumingin naman sa akin yung Rivo at tinignan ako ng seryoso.

"Fine I accept this kid from this house kung susunod ka sa lahat whatever if your just a kid basta magtrabaho ka rito kung ayaw mong ipadala ka namin sa ampunan, at 'wag kang magkakamaling pagnakawan kami? Understand?" kahit nainis sa kaniyang mga sinabi ay ngumiti na lamang ako at niyakap siya ulit sa tuhod.

"Thank you po Master promise po gagawin ko lahat" pero tinulak niya ako ulit pero nakangiti lang ako hindi naman masakit at malakas yung pagkakatulak niya sa akin.

"Tsk, manang kunin mo itong bata at linisan mo siya para siyang pulubi, kaya pala wala na yung ibang pagkain at magulo kanina rito dahil sa kagagawan niya" napatawa naman ako ngunit seryoso lang nila akong tinignan inalo naman ako ni Manang na 'wag tumawa kaya tumahimik na lang ako.

"Sorry po mga Master" saka nagpa-cute ulit sa kanila Pero wa-epek ay Oo, nga pala hate nila mga bata.

Agad naman akong binuhat ni Manang paakyat at sumandal sa kanyang balikat tinignan ko sila habang papalayo kami at seryoso pa rin silang nakatingin sa amin nag-flying kiss pa ako sa kanila bago kami tuluyang makapasok ni Manang sa loob ng maids room.

Binaba naman ako ni Manang Cecile at sumampa ako sa kama saka siya tumabi sa akin.

"Kyro bakit ka kase lumabas? tignan mo yung nangyari dapat andito ka lang muntik ka ng palayasin nina sir sana sa susunod 'wag mo ng uulitin iyon baka kase tuluyan ka nang mawalay sa'kin?" nakaramdam naman ako ng guilt sa kanyang sinabi kaya napayuko na lamang ako.

"I'm sorry po" bigla na lang akong umiyak sa hindi ko malaman na dahilan siguro dahil nagi-guilty ako.
Marahan naman hinaplos ni manang ang buhok ko saka niya ako binuhat papunta sa banyo saka pinaliguan at binihisan, hindi pa daw kase sila nakakabili ng damit ko lalo na daw yung mga diapers, pacifiers and mga chupon or gatas ng bata para sa katulad ko bigla naman akong pinamulahan ng pisngi dahil doon saka nahiya dahil ang sabi nila sweldo nila ang gagastusin kase ngayon lang nagkaraoon ng bata sa mansyon ng mga amo nila at namimiss na kase ni Manang yung mga apo niya kaya ganito siya mag alala at mag-alaga sa akin.






Kinabukasan ay agad akong nagising mga 5:00 siguro ng Umaga, bumangon at naglakad ako papunta sa pinto saka hinila ang upuan para buksan nang nabuksan ko na ay maingat akong bumaba sa hagdanan muntik pa akong madulas 'buti na lang nakakapit agad ako sa hawakan nito saka dumiresto sa kusina nila,agad akong umakyat sa isang cabinet at naghalungkat doon ng makakain ngunit puro mga seasonings at iba't ibang species and herbs lang ang nakita ko kaya bumaba ako saka nagtungo sa malaking ref, napakamot ako sa aking buhok ng mapagtanto kong ang taas naman ng hawakan, umatras ako at kumuha ng lakas upang makatalon.

"Yes!" Bulalas ko ng mahawakan ko ang hawakan nito saka binuksan bumungad sa'kin ang mga pagkain nakapaloob sa ref agad kong kinuha yung Nutella saka natirang mga pagkain kagabi at mas lalo pa akong natuwa ng may ice cream pa saka pancakes hindi na ako nag-aksaya pa ng oras agad ko ng nilantakan ang mga nakahain sa akin na pagkain baka kase mahuli nila ako dito 'buti na lang tulog pa silang lahat.

Nasa gitna na ako ng sarap sa pag-nguya at paglasap sa mga pagkain ng magitla ako sa gulat ng may marinig akong sigaw.

"What are you doing here kid!!?"

Napatingin naman ako sa nagsalita walang iba kundi si Rivo kasama yung mga kapatid niya.

Ang mga Gueverra Brothers, lihim akong napamura sa aking isip dahil sa talim ng pagtitig sa akin nung si Jace, agad ko naman nilunok yung hindi ko pa nangunguyang hotdog kaya nabilaukan agad ako.

Nagkanda-ubo-ubo ako sa harapan nila kaya agad naman akong binaba nung si Khier at may binigay na tubig sa akin, kinuha ko kaagad ito at ininom ng ubos na ang laman ng tubig bigla akong napadighay ng malakas kaya napatingin ako agad sa kanila.
Ni hindi maipinta ang mga mukha nila para silang nandiri sa ginawa ko, eh anung magagawa ko kung ganun ako dumighay napakasarap kase ng pagkain.

Napayuko ako at nagsorry sa kanila, agad akong napaatras ng dinuro ako ng isang daliri nung si Hades ang pangalawa sa magkakapatid.
Napatingin ako sa kanya saka nagpa-awa ngunit nginisian niya lamang ako.

Loko 'to ah bangasan ko yang mukha mo porket bata ako kinakaya niyo na? kung di ko lang kayo amo saka may misyon ako baka kanina pa ako umalis rito at linalabanan kayo.

"Alam mong bawal rito ang bata at pumuslit ka pa talaga ng makakain mo rito?" maawtoridad na sabi ni Rivo sa akin.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya napailing ito.

"Hindi ko po sinasadya master" mahinhin ko naman na pagkakasabi.

"Tsk!" kaya napatingin ako kay Jace ang bunso sa kanilang magkakapatid.

"Kaya hate na hate ko ang mga bata napaka-kulit saka ang hirap turuan sa mga bagay bagay kuya pakuha muna 'to sa bahay ampunan naiinis lamang ako paano ako makapagdadala rito ng mga babae ko? Kung may bata rito argggh!! kainis!" Pagalit pang sabi nito at pinandilatan pa ako ng mata kaya napaatras ako.

"Don't scared him and shut up Jace" mahinahon na sabi naman nung si Khier, at tumingin sa akin.

Buti pa 'tong si Khier mukhang mabait ng konti.

"Puro babae ang nasa isip mo mas mabuti nga andito itong batang 'to para may katulong sina manang" hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi I thought mabait siya yun pala demonyo rin.

"Pwede ba magsi-tahimik kayo? wala ring saysay kung dada kayo ng dada jan? And you Jace iwasan mong magdala rito ng babae pwede? Hindi motel rito saka ikaw rin Khier 'wag puro paglalakwatsa ang atupagin mo baka isumbong lang kita kina Dad and Mom" suway naman ni Rivo dito , na kinatawa ng bahagya nung si Zach ang pang apat sa magkakapatid saka si Hades na umiiling lang at tumalikod papuntang sala at nanood.

Bumaling naman ang tingin nung si Rivo sa akin kaya nanatili lang akong nakatayo doon.

"From this day pagtatratrabahuan mo ang lahat ng kakainin mo at hindi libre 'to kaya huwag kang kukuha basta na lang ng walang pahintulot sa akin maliwanag ba ?" at mariin ako nitong tinignan.

Agad naman akong napatango sa kanya.

"Speak" utos niya pa, inis na inis na ako sa mga ito 'buti na lang may pasensya pa ako.

"Yes po Master" tumalikod na siya .

"Okay good buti nakakaintindi ka simulan muna ngayon din" kaya agad na akong kumilos at nilinis ang kalat ko.









TBC....

Please vote comment and share pafollow na rin guys mamats😍😍😍😘😘

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now