TCP 10

21 3 0
                                    

Kyro Pov

"Splash!!!"

Nagulat ako ng may nang saboy sa akin ng tubig, napaubo pa ako dahil may nainom akong tubig at pumasok pa ang iba sa aking ilong kaya nahirapan akong huminga.

Narinig ko naman na nagtatawanan ang ibang bata at 'di na ako magtataka dahil sila lang naman ang dahilan nun, ibinuhos nila yung tubig sa akin habang ako ay naglalaro rito.
"Anu laban ka! alam mo bang pinagalitan kami ni sister Rosie nang dahil sa'yo sa katangahan mong muntik ka ng nabangga sana lang natuluyan ka na lang bwesit ka!" galit na galit na turan nito sa akin.

Yumuko naman ako at nilaro ang aking daliri.

"Sorry" tanging naibubulas ko pero sinungitan lang nila ako, agad kong pinunasan ang aking mukha gamit ang laylayan ng aking damit.
"Hmmpt bakit ganun ka nalang bilhan nina sister ng mga bagong damit? yang mga yan suot mo pa saka yang diaper? at mga gatas porke't ikaw ang pinakabata rito hindi namin naranasan yan?" sabi naman ni Aika.

"Eh mga big boy saka big girl na kayo eh bakit pa kayo mag susuot ng diaper?" tanong ko na kinagulat nila pero agad ding lumukot ang mukha nung si Aika ng bigla itong lumapit sa'kin at kurutin ako nito sa braso, ngumiwi ako sa sakit at nasaktan.

"May araw ka rin maghintay ka lang" sabi pa nila bago sila tuluyang umalis.
Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang paglalaro doon.

Natigil lang ako ng may humintong pares ng mga paa sa aking harapan, tiningala ko 'to at bumungad sa aking ang isang babae at nasa tabi nito ay isang lalaki.Ngumiti ang babae sa akin kaya ngumiti rin ako ng tipid.

Nakikilala ko ang babae dahil siya lang naman ang muntik ng makabangga sa akin noon.

Pinantayan ako nito habang nakangiti sa akin,tinititigan ko lang siya at may sinabi 'to sa akin.

"Hi baby kumusta ka?" saka siya may ibinigay na candy sa akin na agad ko namang kinuha.
"I'm fine po?" Magalang ko namang sabi alangan naman na pabalang kong sagutin eh nakangiti? Sayang kong sisimangot lang siya at mukhang hindi sila masungit ang bait kasi nitong babae eh.

Namalayan ko na lang na kinarga ako nito kaya napakapit ako rito baka kase mahulog ako takot pa naman ako sa matataas.
Kinuha niya ang candy sa akin kaya napatingin ako sa kanya at napalabi I thought sa akin 'yun? Ang labo naman 'tong babaeng ito.
Tumawa sila ng kasama niyang lalaki ng makita nila yung reaksiyon kaya mas lalo akong napasimangot.

Huminto ito saka niya binuksan ang wrap ng candy saka niya binigay 'to sakin agad naman namula yung pisngi ko tinulungan pala ako nitong buksan yun, kinuha ko na lang saka ko sinubo infairness ang sarap.

"Bakit basa ka pala baby? Anung ginawa mo?" pero hindi ko na lang sinagot ang tanong niya, dumiretso na lang sila sa isang pintuan kung saan andoon ang opisina ng head ng nag-aalaga rito sa orphanage, ibinaba naman ako ng babae saka niya ginulo ang aking buhok.
Binuksan naman ni Mother Catarina ang pintuan at malugod na sinalubong ng matamis na ngiti ang dalawa.

"Magandang Umaga Mr.and Ms.Gueverra pasok po kayo" pumasok naman ang dalawa at naiwan ako sa labas pumunta na lang ako sa likod dito sa mataas na puno na may tree house, nakita ko ang ibang batang naglalaro kaya pumunta ako doon saka ngumiti na lumapit sa kanila.

"Hello? pwede pasali?" Lumingon naman sila sa'kin at mukhang hindi nila narinig ang aking sinabi kaya tumalikod na lang ako at naupo sa isang maliit na upuan na kasya sa akin.Pinagmamasdan sila na masayang maglaro, hindi ko kase talaga naranasan maglaro ng ganito eh kaya gusto ko sana gawin at kung anung pakiramdam na may mga kalaro at maging masaya.

Napahinto ako sa pagmamasid sa kanila ng may biglang sumigaw at parang natatakot, nilingon ko naman kung sino yun at nakita ko ang grupo nina Yves.

Anu naman kaya ang ginagawa nila doon? at parang takot na takot sila?

Tumayo ako at sinundan sila saka nilapitan.

"What happen? bakit kayo sumisigaw dyan? at parang takot na takot kayo na may multo kayong nakita?" agad naman silang lumingon sa akin at makikita mong takot talaga ang nakikita sa kanilang mga mukha.

"Ikaw! Umalis ka nga rito!" napailing na lang ako sa sinabi ni Yves at imbes na umalis ay lumapit pa ako sa kanila na kinagulat nila.
"Anu ba kase yu- ngay! snake!" Saad ko na lang at tumingala sa kanila.

"Ba't may snake dito?" pero imbes na sagutin nila ako pabalik eh kinurot pa ako nung si Trixie, napa aray naman ako nagtatanong lang eh ako pa ang kinurot?.
"Tumahimik ka ngang bugwit ka gusto mo ipakain ka namin jan gusto mo?" na agad ko namang kinailing pero as in naman mapapakin talaga ako nila jan? Eh sila mismo natatakot ako pa niloko nila.

"Anung gagawin natin din?" tanong ko pa pero wala akong nakuhang sagot.
Napatakip nalang ako ng tenga ng sumigaw ang mga babae kaya napatingin ako sa kanila, gumagapang na pala ang ahas papunta sa direksyon nila at malapit na 'to sa kanila, ako naman ay naghanap ng stick para pamalo at may nahanap naman ako.
Nang akmang tutuklawin na ang isa sa kanila ay agad kong pinalo 'to ng stick.
"Just leave them! You snake!" sigaw ko pa at pinalo palo 'to pero hindi naman natinag 'to at mas lalo pang bumangis, napaatras naman ako ng mabali yung stick na pamalo ko sa ahas kaya natakot ako.

Oh no! baka ako pa tuklawin nito delikado

Hindi nga ako nagkakamali mukhang sa akin ito nakatingin at mas nakakagulat pa napaupo ako dahil natabig ko yung isang bato napasinghap ako dahil nagkaroon ata ako ng sugat,  malapit na sa akin ang ahas hindi ako nakagalaw at papalapit na siya ng papalapit pero nagulat ako ng agad na nagsikuha ng mga bato ang mga bata at pinagbabato ang ahas hanggang kusa na itong umalis.

Napa 'yey' naman sila ng mawala na ang ahas kaya nakahinga na kami ng maluwag saka naman ako tumayo at nilapitan sina Yves.

"Kuya okay lamang ba kayo?" tumingin lang sila sa akin, at nilapitan naman nila ako akala ko sasaktan na naman nila ako pero nagulat na lang ako ng buhatin ako ni Aika at hinalikan ang aking pisngi, napatingin naman ako sa kanila at bahagyang tumawa sina Yves sa akin hindi ko pala napansin na napautot pala ako dahil sa takot, napahiya naman ako doon kaya napayuko ako.

"Simula ngayon hindi ka na namin aawayin" napangiti naman ako saka hinalikan naman ulit ako ni aika.












TBC.....

Opps sorry kung lame

Btw please vote comment and share papafollow na rin guys thanks

KYRO (The Cursed Punishment)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora