TCP 8

16 2 0
                                    

Kyro Pov

Dumiretso na ako sa kanilang sasakyan, agad akong binuhat ni Rivo at dinala sa likod ng kotse nila saka pinaandar 'to.
Dumungaw pa ako sa bintana para makita ko sila Manang kasama sina Jessa, Layla at Marie saka ako nagwave ng goodbye sa kanila, iyak sila ng iyak habang tinitignan nila ako palayo, nalungkot ako kase iiwanan ko na sila saka napalapit na rin sila sa akin lalo na yung tatlong babaeng yun kahit naman inaasar lagi nila ako ay alam kong maalaga sila sa akin.

Naupo na lang ako sa likod at nakayuko doon.

Napatingin naman ako sa aking harapan at tinignan ang  limang lalaking 'to.

"Di na po mag cha-change yung mind niyo po?" mahina kong sabi sa kanila, napatingin naman si Rivo sa salamin nito sa harap at umiling na lamang, tinignan ko ang apat kung anung reaksyon nila pero tinignan na lang nila ako ng masama.

"Nope our desicion is final kailangan mong tumira doon sa orphanage dahil doon ka nararapat dalhin, at pasalamat ka dahil bata ka pa baka kanina ka pa namin dinala sa presinto kung gugustuhin namin, alam mong masama ang magnakaw pero ginawa mo pa rin" sabat ni Zach.

Napasimangot naman ako at pinagsaklop ang dalawa kong kamay.

"Hmmp but 'di po ko magnanakaw?" Agad naman tumawa si Khier, kaya napatingin ako sa kanya.
"Why are you laughing? totoo naman po kase" pero tumawa lang 'to ng tumawa.

"Shut up kid okay ? your the thief kaya pwede manahimik ka na lang jan?" sabat naman nitong Hades na 'to.

"Your wrong master's the thief monster is in your house that evil witch name Andrea , she is the thief monster master" sabi ko naman at bigla akong nagulat dahil sa lakas ng sigaw ni Rivo.

"Shut up!!! nagbibintang ka pa kase ng iba bwesit ka talagang bata ka!" Natahimik na lang ako at naupo na lang doon.
"Hmpp bahala kayo siya yung monster sa bahay ninyo kumukuha ng mga things ninyo" bulong ko pero napalingon sila sa akin kaya tumahimik na lamang ako.

Nakarating na kami sa bahay ampunan kung saan nila ako iiwan, binaba ako ni Hades saka humawak naman ako sa kanyang pantalon dahil muntik na akong matumba.

Bakit ba kase ang lambot ng mga tuhod ko eh?

Lumabas naman doon yung dalawang madre saka kami nilapitan habang nakangiti sila.

"Ano pong maipag-lilingkod namin sa inyo mga sir?"

Agad naman akong itinuro ni Rivo kaya napatingin ang dalawang madre sa akin, napakagat ako sa aking daliri at umatras patago sa likod ni Jace.

"Mukhang takot ata ang Bata mga sir?" Mahinahon naman na sabi ng isang madre na mas matanda ang mukha, kinuha naman ako ni Jace gamit ang kanyang kamay sa kanyang likod at pinunta ako sa harap, akmang aatras ulit ako ng pigilan ako nito at binitbit.

"Hmm ganyan lang po yang bata na yan wala po siyang mga magulang at dahil ayaw naman namin na mapunta siya sa mga masasamang tao kaya pumunta kami rito upang ibigay siya sa inyo" mahinahon at magalang na sabi ni Rivo.

Napatango naman ang dalawa saka ngumiti sila.

"Ganun ba? sige halikayo sa loob doon nating pag-uusapan ang lahat mga sir" agad naman silang pumasok habang buhat ako nitong si Jace.

Binaba niya lang ako sa isang sofa habang hinihintay sila, pinandilatan pa nila ako ng mata na maghintay rito wala naman akong nagawa, inabala ko na lang ang aking sarili sa paglibot-libot ng makikita ko rito.

Natapos naman agad ang pag-uusap nila at nakipag-shake hands pa sila sanhi nito na okay na ang lahat.

"Salamat po mga sir" bago sila umalis, dali dali akong bumaba sa sofa at patakbong pumunta sa kanila.

"Iiwan niyo po ba ako rito mga master?" Pagmamakaawa kong sabi.

Tinignan lang nila ako ng walang reaksyon.

"Promise po 'di po ako yung thief saka mamimiss ko po kayo mga master ikamusta niyo na lang po ako kina Lola " dagdag ko pang sabi bago ko niyakap ang isang paa ni Rivo at tumingala ako sa kanila.

Marahan naman akong itinulak ni Rivo.

"Let's go" bago sila umalis wala na akong nagawa ng umalis sila, nakakalungkot pero maghihintay ako 'di naman ako susuko eh kase gagawa ako ng paraan upang magawa ko yung misyon ko saka sana malaman na nila ang totoo habang maaga pa baka kase manakawan lang sila at mauto nung babaeng 'yun"

Bigla na lang akong umangat dahil binuhat ako nung isang madre, saka niya ako dinala sa isang pintuan.
Binuksan naman ng isang madreng kasama nito at dinala ako nito sa harap ng mga batang naglalaro at kumakain sa isang malaking hapagkainan.

Natigilan sila nang mapadako ang tingin nila sa amin.

"Magandang Umaga mga Bata gusto kong ipakilala sa inyo ang magiging bago ninyong kapatid at kalaro siya si Baby Kyro" at binaba ako nito ngumiti naman ako ng pilit sa kanila at naghello.

Matapos nila akong ipakilala dinala nila ako sa isang upuan na para talaga sa isang katulad kong bata.

Kumain na lang ako ng tahimik ng may biglang tumamang maliit na bola sa aking ulo.

Tinignan ko ang nangbato, siguro nasa edad silang 12 to 14 years old at lumapit sila sa akin.

Lumapit ang batang lalaki sa akin siguro leader nila 'to.

"Uy mukhang may bago na tayong laruan!" Saka niya ako hinila sa aking upuan at binuhat.

Nagulat ako ng kinurot ako ng isang babaeng nakatali ang magkabilaan buhok, agad akong nasaktan sa kanyang ginawa ang sakit kaya nun, ginawa niya ulit wala akong nagawa kase hawak ako nung isa kaya umiyak na lang ako.

Alangan naman na sungitan ko sila eh di lagot na baka pagtulungan pa nila ako, saka mahina 'tong batang katawan ko at hindi ko sila kaya siguro tiisin ko na lang 'to.

Agad naman silang nagtawanan at binelataan pa ako bago nila ako iwan, kinuha pa nila yung pagkain ko.

Grabe mukhang maaabuso ako dito ng mga kapwa ko bata saka ayaw ko silang patulan kahit nasa katawan ako ng isang batang nasa tatlong taon gulang ay mas matanda pa rin ako sa kanila.

Iniwan nila akong marumi ang suot dahil sa binuhos nila sa akin yung chocolate juice at spaghetti na kinakain ko, wala man lang tumulong kaya iyak lang ako ng iyak doon 'buti na lang nakita ako ng kusinero nila at inalo ako.

Pumunta naman agad yung madreng nagdala sa akin dito at binuhat ako.

Haysst siguro sa naranasan ko rito hindi magiging madali mukhang ayaw ako ng mga bata rito, siguro simula ngayon sasanayin ko na yung mga panlalait at pananakit nila sa akin.










TBC....

Please vote comment share and papafollow na rin guys mamats

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now