TCP 15

51 5 1
                                    

Kyro pov

Nagising akong nahihilo pa rin ang nararamdaman at masakit ang aking tyan, napatingin ako sa paligid at sa aking kamay na may nakakabit na swero dito.Ang ibig sabihin lang nito ay andito ako sa hospital.

Hospital? oh ayoko rito mas lalo lamang ako magkakasakit ayaw na ayaw kung andito ako sa hospital at natatakot rin ako marami kayang mumu rito.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Yves na kakagaling pa ata sa iyak.Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay biglang lumaki ang kanyang mata, tinaas ko naman ang aking kamay na nagsasabing gusto kong yakapin niya ako at gusto kong magpabuhat sa kanya dahil natatakot talaga ako.

"Baby kyro!" saka niya hinaplos ang aking pisngi.Gusto ko sana magsalita pero may nakalagay palang oxygen sa pagitan ng aking ilong at bunganga kaya ang ginawa ko na lang ay ngumiti sa kanya.

Kita ko yung saya niya nung nalaman niyang nagising na ako " anu gutom ka na ba? gusto mong timplahan ka ni kuya ng healthy at masarap na gatas?" napatango ako at natuwa dahil nagugutom na ako kahit masakit pa ang aking simukra.Pumunta ito sa gilid ko at kumuha ng tubig na mainit sa isang takuri at nagsalop ng dalawang kutsara ng gatas, kukunin ko na sana yun ng i-shake niya muna at pinatak sa kanyang braso kung okay na tinanggal niya muna ang oxygen sa akin saka niya pinainom sa akin yun sarap na sarap ako kase iba ang lasa kumpara sa nainom ko noon ang pakla nang lasa nun at medyo mapait, at habang iniinom ko ang bigay niya ay napapa-lakpak ako nang aking kamay na kinatuwa naman ni Yves.

Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang limang magkakapatid, napansin ko ang lungkot at pag-alala sa kanilang mga mukha pero nang makita nila ako ay napalitan nang gulat at saya? ewan ko pero parang ganun nga.

Nagmadali silang pumunta sa amin at hindi ko napaghandaan ay yung binuhat ako bigla ni Rivo at hinalikan sa noo, namula naman ako dahil sa kanyang ginawa hindi pa doon dahil sumunod naman ang apat at gaya ng ginawa ng kapatid nila ay binuhat at hinalikan rin nila ako sa noo.

"Thanks god you're ok now?" mahinahon na sabi ni Zach na kinatango naman ng iba.

Pinaupo muna ako pakandong ni Rivo saka humarap sa kanila at pinanood nila akong uminom lang nang gatas at nang maubos na ay nalungkot ako, binaliktad ko pa yung bote para lang kunin ang natira pero hindi sapat haysst gutom pa ako.

ang ginawa ko na lang ay gumapang papunta sa higaan rito at humiga.Hindi pa naman ako inaantok kaya nilibang ko na lang ang aking sarili sa pagbibilang sa akin kamay.

"Pinakaba mo kami kyro we thought na mawawala ka na sa amin kanina grabe yung takot namin lalo na nung mawalan ka nang malay at hirap sa paghinga we promise na maayos at palaging malinis na yung mga gamit mo and sorry sa mga nagawa namin sayo, hindi mo pa naintindihan ang lahat sa ngayon kung anung sinasabi namin at tama nga sina Mom and Dad you're too naive and fragile, kaya dapat inaalagan ka namin simula ngayon babantayan ka na namin kasama si Yves" yan ang narinig kong lintanya ni Rivo sa akin.
Lihim naman akong napangiti dahil sa wakas bumabait na sila sa akin simula pa lang 'to kaya sulitin ko na habang may oras pa ako.

Tumingala ako sa kanila at ngumiti "tenkyu" at nagflying kiss sa kanila na sinuklian lang nila ng tawa.








Jace Pov

"Okay na ang kalagayan ng bata mabuti na lang at napaaga ang dala ninyo sa kanya.Mas mabuting suriin ninyo ng mabuti yung gatas na iniinom niya at dapat laging malinis, alagaan niyo rin siya nang maayos dahil mahina ang katawan nang bata ito lang muna ang masasabi ko sa ngayon okay naman na siya maiwan ko muna kayo" nagpasalamat naman kami sa doktor bago siya umalis,umupo muna ako sa gilid at pinagmasdan lang matulog ang bata hindi ko akalaing sa tanang buhay ko ngayon lang ako nag-alala bukod sa pamilya ko itong batang nakahiga at mahimbing na natutulog ay siya lang yung nagparamdam na may pakialam kami sa kanya.

"mabuti na lang at hindi malala yung nangyari kun'di baka napano na siya" bumaling ako kay kuya khier at tumango rito.
At habang pinagmamasdan lang namin siya ay dumating naman sina Mom and Dad kita rin namin ang sobrang kaba ni Mom at dumiretso agad sa natutulog pang si Kyro.

Yumuko ito at hinalikan ng marahan ang noo ng bata.
"Anu ba kaseng nangyari? paanong namali sila nang bigay na gatas sa bata?" tanong naman ni Dad, umiling rin kami dahil kami mismo hindi namin alam nagtanong pa kami kina manang kung tama ba sila ng nilagay sa iniinom ng bata pero ang sagot nila ay sakto at chineck nila husto ito bago ibigay kaya nagtataka ako, dahil alam naman namin na malinis lahat at walang anung expired man sa mga gamit dahil kung meron man agad namin itong ipinapatapon.

"We didn't know Dad basta bigla na lang siyang umiyak ng malakas, at hirap nang huminga kanina kaya dahil sa taranta agad namin siyang dinala rito" sabat naman ni kuya Zach.

"Please lang huwag mo muna nating pag-usapan yan ang mahalaga ligtas si baby kyro" malumanay na sabi ni Mom at kita mong nag-alala talaga siya ng husto sa bata.

Mabuti na lang at sabi nang doktor na pwede na siyang madischarge kaya agad namin siyang inilabas sa hospital tuwang tuwa naman ito dahil kita namin ang saya nito.

Nasa likod lang siya naglalaro kasama ni Yves, hindi mo 'to makikitaan ng kahit anung sakit parang hindi siya napunta sa hospital.

Haysst mga bata nga naman parang wala sa kanila ang sakit kahit nasasaktan na ang mga ito at tanging iniisip lang nila ay sumaya.Nakarating na kami sa mansyon at sinalubong kami nina manang.Ako na ang kumuha bumuhat kay kyro saka ito dinala sa sofa at kinandong.

"Manang kunin niyo muna ang mga gamit sa sasakyan saka pakitimpla po ng gatas ang bata mukhang nagugutom na" utos ni Mom kay manang.
Agad naman tumango si manang at dali daling nagtimpla saka ko naman kinuha ang bigay niya at nang akmang ibibigay ko na sa kanya yung bottle, natigilan siya saka siya tumingala sa akin agad itong umiling-iling at bigla siyang umiyak.

Nagkatinginan naman kaming lahat at pati sila ay naguguluhan.

"Your not hungry baby?" tanong ko sa kanya at sinubukan ulit ibigay yung bottle ngunit inilayo niya lamang ito saka niya ako niyakap ng mahigpit at patuloy na umiiyak.
Hinaplos ko naman ang kanyang likod at pinatahan siya.

"Yoko drink yan master sakit yan yung tiyan ko" sumbong nito sa akin, naintindihan ko naman siya at binigay ulit kay manang yung bottle, mukang natrauma na ata ito pero okay naman nung nasa hospital siya at ininom pa nga niya yung gatas doon pero bakit bigla siyang umiyak nung nandito na siya? Nakakapagtaka?
"He doesn't want to drink that milk" ang sabi ko sa kanila.

"Okay alam na namin kung bakit mukhang natrauma siya diyan hayaan niyo muna siya saka son please take care of him ipunta muna siya sa kanyang kwarto para makapagpahinga na" tumango naman ako at agad umakyat sumama sina kuya bago ko binuksan ang pintuan at inilapag siya doon.

Nakatulog ito nang mahimbing na parang walang nangyari, napabuntong hininga na lang kami.














Tbc......

Please vote comment and share saka papafollow na rin guys thanks 😘😍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KYRO (The Cursed Punishment)Where stories live. Discover now