C3

590 51 2
                                    

Brei's Pov

"Ombeng! Ombeng!" Sigaw ng taong panay katok sa may pintuan , ako lang naman mag isa dito sa bahay dahil may pasok si frances ngayon at nasa trabaho naman si mommy at daddy.

"Oh bakit bonitah? Ano ginagawa mo dito sa bahay? Bihis na bihis ka ah!" Sambit ko nang pagbuksan ko siya ng pintuan , nakapanlakad siya ngayon at mukhang may pupuntahan.

"Baliw ka ombeng! Wala ka bang balak bumili ng ticket para sa meet and greet man lang ng Winkle Pop?" Napabusangot nalang ako dahil sa sinabi niya , nagpunta na kasi ako kaninang 6 palang para pumila sa pagbili ng tickets sa sm pero sa kasamaang palad ay wala na sold na na aruy.

"Mas late ka pala sa balita sheki eh! Ubos na yung ticket ni hindi man lang nga ako nakabili kahit yung sa handshake event man lang wala eh! Yung sa concert nila available pa naman pero napakamahal!" Pinapasok ko na siya sa loob at pinaupo sa may upuan , napabuntong hininga nalang ako habang inaalala yung efforts ko na nasayang lang kanina dahil wala akong napala sa mall.

"Fudge! Akala ko ba ngayon yung araw kung saan magrerelease sila ng tickets? Bakit sold out na agad? At tsaka magkano nga ulit yung ticket sa concert nila?" Kung mayaman lang talaga siguro kami baka nga kahit VVIP na worth 40k ay kunin ko na basta makita ko lang si Ella at yung ibang members ng winkle pop.

"Ngayong araw nga kaso hindi na tayo dapat magtaka kung bakit sold out na yung tickets sa dami ba naman ng fans nila dito sa manila , anyway wag ka nang mangarap na makakabili ka ng ticket sa concert nila dahil yung pinaka mababang presyo ay nasa 10k na tapos sa screen mo lang sila makikita at useless lang yung binayad mo kung ganun" may ipon naman ako sa piggy bank ko kaso nga lang parang hindi worth it kung bibili ako ng ticket sa concert nila tapos tanging boses lang nila ang maririnig ko edi mag youtube nalang ako kung ganun.

"Atleast maririnig mo yung boses nila in personal brei, anyway nakita ko yung may crush sayo na pogi si mark ata pangalan nun" medyo kinikilig kilig pa na kwento ni sheki , fudge kelan ba ako titigilan ng lalaking singkit na yun? Ilang beses ko na siyang nireject pero bakit balik ng balik pa yun saakin.

Ang hirap maging pandak na maganda heheh andaming nagkakagusto ika nga nila small but incredible on catching men's eye.

"Ano na naman kaya kailangan ng mukong na yun? Sinabi ko na nga na ayaw ko sa kanya eh nangungulit pa din" inirapan ko si sheki ng ilapit niya yung mukha niya sa akin na tila bay nang aasar kung totoo ba yung sinasabi ko well aminado akong pogi si mark ah tsaka isa pa napakayaman nila pero hindi ko talaga siya type eh.

"Ay kabog mo talagang babae ka! Omg anong ginawa mo dyan sa poster ni lara my bebeloves! Bakit mo dinungisan ng pentel pen brei!" Singhal ni sheki sa akin nang makita niya yung poster ng winkle pop at yung mukha ni lara doon ay dinrawingan ko ng kung ano ano gamit ang pentel pen.

"Siya lang kasi yung epal dyan sa grupo eh! Tsaka bakit mo ba naging idol yan? Eh attitude yan at wala namang talent yan Sheki?!" Naiinis na sabi ko ewan sa tuwing tinitignan ko siya kumukulo at umiinit yunh dugo ko.

"Hay nako brei! Ampogi kaya ni Lara at tsaka ang yummy niyang sumayaw , lalo na kapag pinagpapawisan. Aaahhhhh isasako ko talaga siya kapag nagkita kami at iuuwi ko sa bahay namin." medyo kumikinang kinang ang nga mata ni sheki nung sinabi niya yan pero hindi ako papatalo no?

Hibang na hibang na siya sa Lara na yun kaya dapat marealize niya na na hindi na tama yung pagpapantasya niya gayung hindi naman deserve nung lara na yun na hangaan.

"Mas pogi si Gabb!" Singhal ko at tsaka napairap naman ito sa akin na ikinataas ng kilay ko.

"Bitter ka lang dahil sa nangyari sa past! Magkaibigan naman sila ni ella tsaka normal lang na mag asaran sila sa social media kaya brei magtigil tigil kana sa kakabash kay Lara my loves parang awa mo na!" rebat niya naman sa akin at talagang binabalik niya talaga lagi yung naging issue dati ah.

"Normal ba yun? Na bash si Ella nang dahil don sa pinost niya? Hinding hindi ko kayang limutin ang kaganapang iyun na muntik nang sumira sa reputasyon ni Ella" maganda naman si ella doon pero hindi ko maiwasan mainis dahil dumami yung basher ni Ms. Ella dahil lang sa pinost niya na ganun at lalo na pinagtawanan lamang siya nung ibang mga fans ni Lara na mas lalong nagpatrigger sa akin para maging basher ng kupal na yun.

"Napatunayan naman na na hindi retokada si Ella eh at tsaka dyan sa ginagawa mo hinahatak mo pababa si Lara at ang gusto mo lang umangat ay si Ella at yung ibang members" tinaasan ko nalang siya ng kilay bakit ba lahat ng mga kakilala ko ay idol na idol yung si Lara na yun?

"Anong bang pake mo bonita?! Kutungan kita dyan tamong badtrip ako sinasabayan mo pa , Tsk!" singhal ko sa kanya pero hindi pa rin talaga siya tumitigil sa kakarebat niya unti nalang talaga at mapupuno na ako pag hindi ako nakapagtimpi lalagyan ko ng duct tape yung bibig niya para tuluyang manahimik.

"Ang sinasabi ko brei nasa iisang group sila at tsaka paano nalang kung may maghack ng acc mo or may makaalam na ikaw ang gumagamit niyan at kumalat sa social media? Tiyak na susugurin ka ng mga limpak limpak na fans ni Lara na nandito sa pilipinas" at bakit naman ako matatakot aber? Edi sugurin nila magbardagulan kami dito sa bahay para malaman nila kung sino ang binabangga nila.

I'm small but blackbelter ako sa taekwondo no? Baka pagbabaliin ko pa mga buto ng iyaking fans ng lara mae na yun.

Mga bata lang naman sila na nagpauto sa sistema ng babaeng yun , Tsk ano bang meron dun ah? Hindi naman siya kagalingan sumayaw at maging sa pagkanta.

Ang tanging ginagawa niya lang naman habang nagpiperform ay ang magpacute sa mga fans niya na nasa venue.

Hindi tulad ni Ella na magaling sa lahat , May visual at magaling sumayaw at kumanta , yung tipong maiinlove ka sa pagtitig lamang sa kanta.

Ackkk yung puso ko.

"As if naman kaya nilang alamin yung taong nasa likod ng @bweibanana , wala ka bang tiwala sa akin sheki? Tsk hindi nila kayang ihack o malaman yung mukha , location at pangalan ko in real life" confident na sabi ko ni isa ay walang nagtagumpay na ihack yung acc ko dahil nas magaling ako sa kanila tsk weak.

"Hay nako nag aalala lang ako sayo brei anyway alis na ako at magbabakasali ako sa ticket outlet sa may mall baka sakaling may nagsauli man lang or nagparefund ng ticket" pagpapaalam niya sa akin sabay tumayo na at isinukbit yung bag niyang maliit sa may balikat niya.

"Sige mag ingat ka! Isabay mo din ako pag meron pa ah?!" Pagpapaalala ko sa kanya gayung baka maka jackpot pa siya sa ticket roon.

"Okay sige!" Tuluyan na siyang umalis at isinarada ko nalang yung pintuan at tsaka bumalik na sa amy kwarto ko upang maglaro.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now