END

681 43 5
                                    

Lara's Pov

Nakarating na kaming dalawa ni brei sa may condo , kakarating lang din nila Abby , Sela ,Coleen and Gabb dito sa condo ni mark kung saan siya magpopropose.

Inannounce na din ni ella ang pag alis niya sa grupo, masaya ako sa kanila ni mark sapagkat ngayon si mark naman ang pinili niya.

Kahit kami hindi namin inakalang sila padin talaga ang magkakatuluyan, ilang beses nasaktan si madk at nagtiis para lang sa kabutihan ng career ni ella.

Habang ako? Wala akong pagsisihan sa ginawa ko na piliin si brei  sapagkat sobrang saya namin at napaka healthy ng relationship namin.

Tinanggap nalang ng parents ko sa huli yung naging desiyon ko at magpapasaya sa akin sapagkat ayaw na din nilang maulit yung nangyari sa past na nagpakamatay pa ako.

"Love?! Tulala ka na dyan , paakyat na daw sila ni mark dito kasama si ella na naka blind fold" tapik naman ni brei sa may pisnge ko napabalik naman ako sa wisyo dahil doon napalalim ata yung iniisip ko.

Ready na ang lahat at tanging yung dalawa nalang ang hinihintay naming dumating,. Bigla namang bumukas yung pintuan ng condo at iniluwa si Mark at Ella na magkahawak kamay.

Unti unti nang ipinatanggal ni mark yung blindfold ni ella habang siya ay nakaluhod na ngayon sa may harap ni ella , argh ang sweet.

Kung hindi lang siya naunang magplano nito? Malamang sa malamang ay mauuna akong magpropose kay brei.

Kung hindi lang siya naunang magplano nito? Malamang sa malamang ay mauuna akong magpropose kay brei

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ctto

Ang ganda ng desinyo na ginawa nila frances dito ngayon at nasa gilid lang kami, kinabahan ata si mark sapagkat hindi pa siya nagsasalita sa ngayon habang si ella ay nakatanaw lang dito , yung picture na nasa taas.

"Ahm Babe?! Matagal ko nang pinag isipan ito , sa tinagal tagal ng relasyon natin ay kay daming hindi maganda ang nangyari pero mas lumamang pa din yung pagmamahalan natin sa isa't isa , masaya ako kasi this time ako naman ang pinili mo, i wanted this relationship na meron tayo na mag move forward na for the next level which is the wedding! Babe Will You Marry Me?" Halata ang kaba sa bawat sallitang binibitawan ni mark habang kamiay pasimple lang napapangiti , this moment is for them.

Naluluha naman na tinignan ni ella si mark at tsaka tumango ito na ikinasaya ni mark sapagkat patalon talon pa ito bago isuot ang singsing kay Ella.

"Congratulations sainyong dalawa!!!!!"

"Congrats Mark at Ella!!! , Mark siguraduhin mo lang na di mo sasaktan yang si Ella sapagkat ako ang makakalaban mo" pagbabanta naman ni coleen na siyang ikinangiti ni mark at ella.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now