C18

426 37 1
                                    

Lara's Pov

Nakarating na kami ng Japan ngayon ngayon lang at tsaka dumiretso na agad ako sa aking kwarto nang sa ganun ay makapag pahinga and then matawagan na din si brei na nakarating na kami dito ng safe nang sa ganun ay hindi na siya mag alala pang muli.

Nag dial na ako ng number niya and then panay lang ito ring at hindi niya pa nasasagot , hmp baka natutulog siya ngayon or di kaya may ginagawa mamaya nalang siguro ako tatawag sa kanya.

Naisipan ko naman na magbihis na muna at para makapagpahinga na ako sa pamamagitan ng pagtulog.

Nang matapos na akong magbihis ay ibinagsak ko na ang aking katawan sa may kama at unti unti na akong pumikit.

A few hours later

Isang malakas na katok mula sa pintuan ng aking room ang pumukaw at ang naging dahilan upang magising ako sa napakahabang pagkakatulog ko.

Agad na akong tumayo upang buksan iyon at nang malaman kung sino ba ang nambubulabog sa akin ngayon.

Nagpupunas lang ako at nagkukusot ng aking mata habang pinagmamasdan itong kaharap ko medyo blur pa kasi yung paningin ko.

"Lara?! Damn you're in trouble pati na si brei! Bakit hindi mo sinabi na magdidate pala kayo?! Damn na spotted kayo at ipinalabas pa sa news sa pilipinas!" Nanlaki naman ang mata ko dahil doon at kinuha ko na yung phone niya upang tignan yung video na sinasabi niya na na feature sa may news.

It happened sa tagaytay ito yung moments na tinanggal ko yung mask ko at pati yung cap and then niyakap at hinalikan sa lips si brei.

Mababasa ko naman sa comment section yung mga masasakit na salitang sinabi nila kay brei which is nagpa trigger sa akin.

Kinuha ko na yung coat ko and then nagmadaling lumabas na sa aking kwarto , habang sinusubukang tawag si brei ngayon.

Nakasalubong ko naman ang head ng management namin na Si Miss Myca at isang sampal ang nakuha ko mula sa kanya.

"So eto yung sinasabi mo na mag iingat kayo or ikaw?! Madami nang bumabatikos at may petition na agad sayo ang mga fans na sobrang galit na galit dahil sa scandal mong ito! Alam mo naman lara na isa ka sa pinakasikat na member pero ano? Hindi ka nag ingat?!" Singhal niya sa akin napayuko naman ako this was all my fault at ngayon ay nasa in a bad position si brei dahil sa akin.

"Im sorry coach! But i need to go back to the Philippines kailangan ako ngayon ng girlfriend ko at hindi pwedeng hindi ko isecure yung kaligtasan niya at ng pamilya niya" mahinahong sabi ko at akmang aalis na ngunit hinawakan nito ang aking mga kamay.

"We denied the allegations against you Lara and if you leave japan again tapos nagtungo ka ng pilipinas talagang masisira yung career na iniingatan mo, matagal mo nang gusto tong natatamasa mo ngayon at in a blink lang mawawala lahat sa iyo lara" sabi naman ng kakarating lang na si miss jam , binitawan na ako ni coach myca.

"Hindi sa pinagbabantaan kita lara but once na umalis ka sa building na to , tapos ang iniingatan mong career sa ngayon ay kailangan mong gawin ay hiwalayan yang brei na yan para sa ikakabuti mo,. Napa take down na yung vid at yung mga photo ay medyo blur at hindi mapapatunayang ikaw yun kaya just rest and take our advice! Para yan sa ikakabuti mo Lara , alalahanin mo yung mga pinagdaanan mo makamit mo lang yung pangarap at yung karangyaang natatamasa mo ngayon ng mag isa" muling sabi ni coach myca at tsaka umalis na sa may harapan ko , linapitan naman ako ni miss jam at niyakap ako nito sapagkat naiiyak na ako ngayon.

Its a battle of my dreams vs sa taong una kong minahal at nagparamdam sa akin na wala akong kulang , yung taong nagpasaya sa akin at dahilan kung bakit lumalakas ang loob kk at masaya ako ngayon.

"Alam kong mahirap lara at napamahal kana kay brei pero pag ipinagpatuloy niyo pa yung sainyo? Madaming magbabago Lara at tsaka patuloy kayong babatikusin ng mga die hard fans mo lalo na si brei ha huntingin din siya,. Don't worry sapagkat pinalipat ko na sila ng bahay sa tulong ng staff ko na nasa manila" aniya niya pa sa akin , napailing iling naman ako , ako dapat yung nagpoprotekta sa kanya ngayon.

"So sinasabi mong abandunahin ko si brei ganun po ba miss jam?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya at kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.

Makakaya ko bang gawin yun sa taong mahal ko? Hindi lang batikos ang makukuha niya maaari din siyang makatanggap ng death threat galing sa mga fans ko na sobrang galit na galit sa kanya.

I don't know pero ito ba yung dapat kung gawin para lang masecure ko yung position ko dito sa winkle pop? Kakatapos at kakareleased lang ng album namin at malaking kasiraan talaga tong scandal na to sa reputasyon ko at mismo ng grupo namin.

"Bukas may magaganap na press conference sa may International Tv at iniimbitahan tayong dumalo bukas nang sa ganun ay maayos at maitanggi mo yung alegasyon tungkol sa scandal na yun ,. I'll be there for you pati yung ibang winkle pop at sana sumunod ka nalang sa amin this time Lara dahil we know the best for you at sa buong grupo" huling sabi niya bago ako iniwan ngayon na nakatayo sa may hallway ,isang yakap naman ang natanggap ko galing kay ella.

"Tahan na , alam kong hindi madali but kung ano ang sa tingin mong tama at magpapasaya sayo ay gawin mo , im a bit angry sayo dahil sa isinikreto mo to sa akin at pati na din sa ibang members pero wala na eh nangyari na, alam kong mahal mo si brei at nais mo siyang protektahan pero nasa isip ko lara na this time piliin mo na yung sasaya ka , ipaglaban mo siya kagaya ng pakikipaglaban niya sa mga fans mo nung nasa manila tayo, na nasasaktab na siya lahat lahat pero inilalayo niya pa din yung nais lumapit sayo sana ganun ka din, aminado akong madaming magbabago kapag pinili mo si brei pero kung doon ka sasaya lara ay magiging masaya kami right guyz?!" Mahabang sabi niya napalingon naman ako nang may tinignan siya sa may likuran ko.

"Oo naman kung inaalala mo yung reputasyon ng grupo lara? Don't worry sawa na rin naman kaming magtago ng relasyon namin eh! Bukas kasama mo kami sa press con at doon na natin aaminin ang lahat deserve ng mga fans natin na malaman ang totoo kaya ayun dapat ang gawin natin" sabi naman ni abby sabay akbay sa akin napatango nalang ako, grabe yung support nila sa akin.

Alam kong pag hindi ko itinanggi yung alegasyon na iyon ay malaking kahihiyan yun sa grupo namin at madadamay yung ibang members dahil sa pambabatikos ng mga bashers sa akin.

"Kaya nga tama si ate abby! O siya magpahinga kana muna sa ngayon , wag kang mag alala okay ang kalagayan nila brei sabi sa akin ni mark magkasama sila ngayon" sabi naman ni coco , bahagyang nalangiti nalang ako dahil sa kanila at tsaka lumapit naman silang lahat papunta sa akin upang mag group hug kami.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now