C8

471 57 4
                                    

Ella's Pov

Sobrang saya naming lahat ng girls dahil naging successful yung handshake event namin dito sa pilipinas , nakakapagtaka lang dahil hindi ko ngayon nakita si Bweibanana na ultimate fangirl ko.

Ano kayang nangyari sa kanya? Argh matawagan nga muna si mark , para makibalita kung anong ganap dun sa babaeng sinasabi ko which is kaibigan niya daw.

Calling...... LOML💛

OTPC

"Hello babe?! Ano kamusta hindi man lang tayo nagkita kanina ah , yang kapatid mo na si coleen kasi panira eh! Ginawa ka pang utusan niya eh may secretary naman siya" bungad na sabi ko sa kanya panira kasi si coleen eh ginawang utusan siya kanina don sa booth niya tapos hindi ko man lang siya nakita ng malapitan.

"Eto malungkot babe di man lang kita nakita , gusto mo magdate tayo bukas? Nang tayong dalawa lang ganun?" Suggest niya naman , argh kung pwedeng lang talaga eh kaso baka may makakita sa amin na paparazzi mahirap na.

"Alam mo namang hindi pwede babe eh , pero try nalang natin isama si coleen at gabb o di kaya si lara nalang sanay naman maging third wheel yun" pwede na ding si lara yung isama ko nang sa ganun ay kung may makakilala sa amin ay hindi kami maissuehan ganun.

"Haha anyway nagkita ba kayo sa handshake event ni brei? Ay i mean si username bweibanana?" Tanong niya naman sa akin ayun nga din yung isa sa dahilan kung bakit ko siya tinawagan eh.

"Ayun nga sana ang itatanong ko sayo eh , hindi ko siya nakita which means baka sa ibang booth siya napunta , o di kaya kay lara hahah" medyo napangiti naman ako what if kay lara nga siya napunta? Edi masaya yun pag nagkataon haha.

"Wait tanong ko nalang si frances babe about dyan , pero sigurado ka ba talaga na gusto mong paglapitin sila nang landas? Kagaya nga ng sinabi ko sobrang hate na member ni brei yung si lara kaya mahihirapan ata tayo sa pinaplano mo" sabi niya sa akin ewan ah pero i find interesting yung brei na yun simula nung makwento ni mark sa akin yun.

Kaya ayun dun na din nag start na pinaligaw ko siya doon, kahit sa una ay labag sa kalooban ko pero nagtitiwala naman ako kay mark na hindi siya mahuhulog doon kahit medyo kagandahan nga yung brei na yun.

"Don't worry babe , im sure na about this at tsaka bagay kaya sila sa Isa't isa base na din sa pinakita mong pic maganda yung brei kaso medyo may kapandakan haha pero masasabi ko pag naging sila ay may katapat na si lara" yeah may katapat na yung sobrang pag ka attitude ni lara , ang sungit pa naman nun sobra kinulang sa lovelife hahah siya lang kasi yung walang jowa sa winkle pop pero syempre kami lang ang nakakaalam nun love ban kasi.

"Grabe yan baka ako naman ang mahulog kay brei niyan babe , ilang beses niya na nga ako binasted eh parang tanga na tuloy ako sa paningin ng iba" medyo natatawa nga ako sa mga nakukuwento niya dahil ilang beses na daw siyang binasted ni brei sa harap pa ng madaming tao buti nalang kamo at wala din nakakaalam na kapatid niya ang isa ding member ng Winkle Pop na si coleen.

"Pasensya na babe unting tiis nalang talaga pero bukas magkita tayo ah , punta ka nalang dito sa studio bukas" ayun nalang ang nasabi ko sa kanya , miss na miss ko na siya at excited na akong makita siya bukas.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now