C11

473 50 3
                                    

Brei's Pov

Hindi ko man gustong magtrabaho bilang isang secretary ni lara ay napalitan nalang ako dahil need kong magkapera at tsaka pinilit lang din daw siya ni Ms. Ella na tanggapin ako sabi ni Mark.

Ewan ko kung ano yung sinabi niya doon pero sobrang thankful ako sa kanya , napakabait na niya at napakaganda niya pa.

I can't believe na nakita ko siya sa personal ngayon at napakasaya ko talaga except lang dahil sa makakasama ko araw araw si lara.

Damn napaka attitude niya talaga , mamaya ka sakin ibabash talaga kita ng bonggang bongga sa social media kay tagal ko na rin hindi naka pag post or tweet tungkol sa kanya ngayon maa makikilala ko pa siya at malalamn ko kung ano pa yung maaaring ipambash ko sa kanya.

"Bansot! Bring me a coffee , a sandwich and a burger don't forget that I don't want any sugar on my coffee I want it to be pure do you get it?!" Diretsong sabi niya ni hindi niya man lang ako tinignan habang nagsasalita siya , talagang may saltik talaga at maattitude tong babaeng to.

Kala mo laging may period eh , ngayon ang simula ko nang pasok at mukhang hindi na ako tatagal sa mga ipinapakita niya sa akin pero magtitiis ako hanggang kaya ko para sa pamilya ko tong ginagawa ko kung bakit ako kumuha ng part time.

"Tsk makabansot ka pasalamat ka at bosss kita kung hindi baka nakutungan na kita" mahinang sabi ko sabay naglakad na ng medyo padabog , napahinto naman ako nang bigla siyang magsalita.

"I can hear your murmuring Ms. Brei binuya? Baka nakakalimutan mo na boss mo ako at secretary lang kita anytime pwede kitang patalsikin kaya ayos ayusin mo yung ugali at kilos mo" ani niya pang muli napayuko nalang ako at hinarap ko siya at tsaka humingi na ng paumanhin.

"Okay im sorry po Ms. Lara" pagpapaumanhin ko sa kanya napahawak naman ako sa may bandang dibdib ko nang bigla siyang sumigaw.

"Hurry up! Gawin mo na ang ipinag uutos ko sayo tsk! ang kupad mong gumalaw kung ganyan ang kilos mo talagang hindi ka magtatagal sa trabahong to" napakagat nalang ako ng labi ko at pinipigilang wag mainis , kontrolin mo ang sarili mo brei hindi pwedeng mapikon ka sa kanya.

Remember na 60k per month ang nakataya ngayon at hindi ka pwedeng gumawa ng mga bagay na ikakagalit niya or ikakainis niya sayo.

Nagpunta na akong baba upang bumili ng burger sa may burger king at pagkatapos naman nun ay nagmadali na akong umakyat upang magtimpla ng kape niya tapos gumawa ng sandwich.

Dahan dahan ko iyung nilagay sa may lamesa niya and as usual hindi na naman siya nakatingin doon dahil busy siya kakahawak ng ipad niya at mayroon siyang tinitignan na hindi ko naman makita.

"Bring me a literature book , nasa 5th floor yung library and I want it now kaya kunin mo na ngayon din" utos niyang muli sa akin damn hindi niya ba talaga ako pagpapahingain kahit isang minuto lang? Sa bawat utos niya sakin ay laging may kasunod.

Di na ako nagreklamo pa sa halip ay nagtungo na ako sa library na sinasabi niya napahawak nalang ako sa batok ko nang mapunta ako sa shelves damn anong klaseng literature book yung gusto niya?

Damn di ko inakalang sobrang dami ng version ng literature dito at tsaka sobrang tataas pa ng shelves ni wala man lang patungan,.

Hmp makahanap nga muna ng hagdan or kahit anong pwede kong patungan para maabot yung mga libro pagkatapos nun ay lahat nalang ng makita kong literature na libro ang dadalhin ko sa maattitude na lara na yun argh kinulang siguro sa buwan yun kaya ganun kasama ang ugali niya.

Nakahanap na ako ng mini chair kaya pumatong na ako doon at isa isang kinuha yung mga literature book na abot ko lamang , may isang libro naman ang umakit sa atensyon ko.

Malaki siyang klase na libro at literature din siya mukhang interesting yung libro na yun kaya kahit hindi ko masyadong abot ay tinry ko pa din sa hindi inaasahang pagkakataon ay namali ako ng tapak sa may upuan na sanhi upang ma out of balanced ako.

Napapikit nalang ako dahil alam kong mahuhulog na ako sa sahig ngunit nabigla ako nang may maramdaman akong may sumalo sa akin.

Unti unti ko namang idinilat ang aking mata at nagulat ako nang makita ang walang kareak reaksyon na mukha ng taong ayaw ko makita sa buong mundo.

Napatitig nalang ako sa kanya at siya din naman sa akin , i find her attractive pala sa malapitan lalo na ngayon na sobrang lapit na namin sa isa't isa.

Ramdam ko na din yung mainit niyang hininga and sobrang bango lang ah mala mint yung naamoy ko sa hininga niya.

Napadaing naman ako nang bigla niya akong bitawan na sanhi upang malaglag ako at nauna ang pwet ko.

Argh ang lakas talaga ng topak niya pwede namang ibaba niya ako ng maayos kailangan niya ba talagang ilaglag ako?

"I said na kunin mo yung libro ng mabilisan diba? Bakit inabot ka na ng ilang minuto? I just want you to know na pinaka ayaw ko sa lahat yung ta tanga tanga sa trabaho" sambit niya sa akin at naglakad na palabas ng library hindi ko naman maiwasang hindi masaktan sa sinabi niya.

Like hindi ko naman inexpect na malalaglag ako sa upuan dahil lang sa naout of balanced ako , grabe ang sakit niyang magsalita kaya hindi na din ako magtataka kung bakit nag quit yung dating secretary niya.

Hindi ko man alam yung pinang gagalingan ng galit niya pero hindi ba siya marunong gumalang man lang ng kapwa niya tao? Grabe naman parang ang manhid niya naman sa ganun ni hindi niya man lang maramdaman na may nasasaktan siyang tao sa mga binibitawan niyang mga salita.

"Are you okay? Did lara do something about you brei? Tell me if meron dahil ako bahala sa lara na yun" nabigla ako nang biglang sumulpot si miss ella , damn ang ganda ng mga ngiti niya how to be you po miss ella.

Tinulungan niya akong makatayo at napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng pwetan ko , langhiya talaga yung larami na yun walang kasingsama ang ugali niya.

"Im okay nahulog lang ako sa may upuan btw miss ella mauna na po ako ah kailangan ko pa kasing dalhin tong mga libro sa room ni miss lara" sabi ko sa kanya sabay nginitian siya bago umalis napahinto naman ako nang magsalita siya.

"Ano?! Paanong nagpakuha siya sayo ng ganyan? Eh hindi naman mahilig sa literature yung si lara? Damn pinagtitripan ka na niya ngayon" ani ni miss ella , napangiti nalang ako ng mapait sabay dumiretso na ng lakad.

Ang lakas talaga ng sapak sa utak ng babaeng yun hindi naman pala siya nagbabasa ng literature tapos pinahirapan niya pa akong kumuha ng sandamakmak na libro na to.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now