C14

450 49 6
                                    

Lara's Pov

"@Bweibanana right?!" Aniya ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya , dismayado ako sa kanya pero hindi ko magawang magalit ng todo.

Ewan may kakaibang ipinaparamdam tong babaeng to sa akin na kahit ako hindi ko na maintindihan.

"P-paano mo nalaman?" Utal na sabi niya nagpunta naman ako sa may pintuan upang i lock iyon napangiti naman ako ng patago ng makita ko siyang halos hindi na huminga sa sobrang takot at putlang putla na siya.

"Basic! Your phone?" Nanlilisik pa din ang mga mata kong nakatingin sa kanya , kunwari namang kumuha ako ng upuan at akmang ihahampas iyon sa kanya pero napapikit siya sa takot.

"Im sorry i didn't mean to!' sigaw niya sa akin habang nakasangga yung mga kamay niya sa ulo niya.

"Sa lahat ng paninira at masasakit na binitawan mo? Sasabihin mong hindi mo sinasadya? Sa tingin mo ba maniniwala ako doon?" Aniya ko sabay binaba yung upuan at naupo ako doon habang pinagmamasdan siyang takot na takot.

So ito pala yung takot na brei? Akala ko ba lagi kang matapang bakit ngayon para kang aso na na takot na takot mahawakan?

"Patawad lara! It's just nakakainis lang yung mga ginagawa mo kay Miss Ella kung kaya matindi din ang galit ko sayo noon pero this past few days? Dun ko narealized na sobrang close niyo na at kahit anong kulitan niyo ay wala naman palang ibang meaning sadyang ako or kami lang ang nagpapasama sa pangalan mo" nakaluhod na siya sa akin at tila bay nagmamakaawa.

"Tsk ganyan kasi kayo?! Sobrang napaka judgemental niyo ni minsan ba iniisip niyo yung mga bagay na mga sinasabi niyo? Di porket Idol kami ay wala na kaming pakiramdam!" Sigaw ko na nagpalayo sa kanya ng unti , okay tapusin ko na kaya tong pag aacting ko dahil baka magkaroon pa siya ng nerbyos dahil sa pinanggagagawa ko.

"Wala akong masasabi na magpapagaan muli ng loob mo pero itinigil ko na ang pambabash sa iyo, oo inaamin ko na nung nagtrabaho ako sayo as a secretary mo ay tuloy tuloy pa din yung pambabash na nakukuha mo tungkol sa akin pero trust me , ngayon ko naintindihan na may rason pala lahat ng inaakto mo" pagpapaliwanag niyang muli sa akin , oo aminado akong nasaktan ako nung nalaman ko na siya pala yung babaeng kinaiinisan ko noon pa.

Pero this past few days? Hindi ko maikakaila yung saya na naipapadama niya sa akin sa tuwing tatanga tanga siyang magtimpla ng kape,.

Sa tuwing hindi niya naaabot yung mga librong pinapakuha ko, sa tuwing nadadapa at natutumba na siya lahat lahat basta wala lang makalapit sa akin na mga fans.

At sa tuwing kailangan niyang mag aral dito habang sinasamahan ako sa voice recording ko.

Yung galit nakaraan ay napalitan agad ng pagmamahal ,di ko alam kung kelan ko naramdaman ito pero ang sarap sa feeling.

So ito na ba yung sinasabi nilang pagmamahal? Kung gayon nais kong masubukan.

"Please Miss lara ,. Ano ba ang pwede kong gawin upang makabawi ako sa iyo,. Kahit ano pa yan ay gagawin ko" pagmamakaawang sabi niya sa akin napangiti naman ako ng patago sa sinabi niya sure ka ba? Baka di mo kayanin yung favor na hihingin ko.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now