C22

420 42 4
                                    

Author's Pov

Dinala na nila frances si brei sa pinakamalapit na hospital which is kung saan din dinala si Lara , alalang alala na si frances habang tinitignan yung ate niya.

Hindi nito kinaya na malaman na wala na ang kanyang kasintahan kaya sa sobrang pag ka shocked ay nahimatay ito , kasalukuyang binabantayan siya ngayon habang mahimbing na natutulog sa may kama.

"Alam na ba to ng mga co members niya? Sila Ate ella? Yung ate mo mark? Alam na ba nila?" Tanong ni frances kay mark na nakatingin lang kay brei ngayon na sobrang putla na at maga ang mata.

"Yes alam na nila iyun frances , siya nga pala saglit lang ah at may bibilhin lang ako sa may baba at may dadaanan na din ako" sabi ni mark sabay tumayo na at tinapik sa may balikat si brei , nasabihan na din ni frances yung parents nila about sa nangyari kay brei.

Nakatingin lang si frances sa kanyang kapatid at naaawa ito dahil sa sinapit ng kasintahan ng kanyang kapatid , napalapit na din sa kanya si Lara kaya sobra siyang nalulungkot na malaman na pumanaw na ito.

"Ate brei?! Sa tingin ko kung nandito si Ate Lara ay gugustuhin niyang magpakatatag ka , masakit ate brei pero sana ay maging strong kang harapin ito, makakasama mo kaming harapin ito ate brei" sabi Frances habang hawak hawak ang kamay ng kanyang ate brei naluluha na siya ngayon at hindi niya mapigilang hindi maiyak sa sobrang awa na din sa kanyang kapatid.

Fast forward dumating na si mark na may dalang mga tubig at makakain na din nila habang inaantay na magising si brei.

Gabi na at nasabi nga ni frances na hindi pa sila nakakakain ng hapunan kaya kumain na muna silang dalawa ni mark.

Maya maya ay nagising si brei at bigla siyang bumangon at hinanap agad si Lara nung pagmulat pa lang ng kanyang mga mata.

"Nananaginip lang ako diba? Please tell me na buhay pa si Lara , frances mark?! Sabihin niyong buhay pa siya at nananaginip lang ako ngayon!" Pangungumbinsi ni brei sa kanyang sarili napayuko nalang ang dalawa at hindi na nakasagot pa sa tanong ni brei.

Alam nilang nasasaktan at nahihirapan siyang tanggapin pa iyon pero wala silang magawa kundi ang damayan nalang siya.

"Brei wala na si Lara" mahinang sabi ni mark na mas nagpahagulgol sa iyak no brei niyakap niya na lamang ito upang mahibsan kahit papaano yung bigat at sakit na nararamdaman nito.

"No this can't be! Kailangan ko siyang makita nang sa ganun ay maniwala na ako! Please masamang biro to mark! Hindi pwede buhay si Lara at nararamdaman ko iyon! Buhay siya buhay siya!!!!" Nagwawalang aniya niya naluluha nalang na tinignan siya ni frances at ganun na din si mark na sinasalo lahat ng palo ni brei sa kanyang dibdib mismo.

"Nakausap ko na si tito , nasa morgue na ang labi ni Lara at pwede na natin siyang puntahan but you need to calm down first brei if you really wanted to see Lara" malungkot na sabi ni mark habang nakayakap pa din sa umiiyak na si brei.

Maya maya ay medyo kumalma na si brei kaya nagdecide na silang puntahan ang labi ni Lara.

Brei's Pov

Inaalalayan nila ako halos manghina ako at hindi pa din talaga ako makapaniwala na wala kana Mahal ko , patawad ayan ang unang pumasok sa utak ko nang malaman ko yung balita about sa ginawa mo.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now