C17

480 37 4
                                    

Brei's Pov

Nandito lang ako sa bahay at nakahalumbaba, bukas na ang nakatakdang pagbalik nila lara sa japan at nalulungkot ako dahil doon.

Wala na akong topakin babae na babantayan, hindi ko na siya makakasama at makakakulitan.

"Ate brei?! Di pa din talaga ako makapaniwala na mag on kayo ni what so called hatest idol mo? Argh sana ol nalang talaga , si coco kaya ate brei? Taken na ba siya?" Tanong naman sa akin ni frances hawak niya yung phone ko kasi ayaw niyang maniwala na magka relasyon na kami ni lara.

Pati din si sheki ,sinabihan pa ako na baka daw nababaliw na ako sa sobrang pag kainis ko kay lara pero nung makita niya yung mga litrato namin habang magkahalikan ay natameme siya.

Pinaghahampas niya ako dahil sa inis niya sobrang crush na crush niya si Lara perp sorry nalang siya dahil ako ang nagustuhan ng taong mahal niya.

"Taken na silang lahat maliban kay Lara which is akin na ngayon! Tigil tigilan mo na yang paghanga mo kay coco at mag focus ka kay Jaydee na nanliligaw sayo" malungkot pa din na sabi ko, kasama naman ako bukas sa paghahatid sa kanya pero hindi ko alam kung makakaya ko siyang ihatid ng walang yakap at halik na nagaganap.

"Sus ang babaero naman nun ni jaydee palibhasa magandang pogi eh!" Inis na sabi niya ,sabagay napaka gandang pogi ng batang yun pero sobrang bait din nun lalo na sa akin kasi nga nagpapaganda ng pangalan para sa kapatid ko.

"Lahat naman ata ng nagbalak manligaw sayo ay babaero , for example si kielle? Pati si Kurt" walang ganang sabi ko sa kanya sabay ibinagsak yung ulo ko sa may lamesa.

Yung mga poster na may drawing sa mukha ni lara ay nandito pa din sa kwarto ko wala pa kasi akong time na tanggalin iyon.

"Timplahan mo nga muna ako ng kape frances? Tapos lagyan mo ng gatas sa taas ah, salamat" mahinang saad ko nagsabi nalang sya ng okay and then lumabas na ng kwarto ko.

Nakasubsub pa din yung ulo ko sa may lamesa hanggang sa may naririnig na akong yapak galing sa may hagdan.

"Ate brei?? Si ate Lara nasa baba?" Napatayo naman ako kaagad dahil sa sinabi ni frances na may hawak ngayong kape.

Hmp totoo ba tong sinasabi ni Frances o pinagtitripan niya lang ako? Nakangiti pa naman siya ng nakakaloko ngayon.

"Frances?! Kung pinagloloko mo ako please lang wag ngayon sapagkat wala ako sa mood para makipagsabayan sayo" inis na sabi ko sa kanya at tsaka napahiga nalang sa may kama ko.

"Totoo nga ate brei?! Sige ka andun pa naman din si ate sheki sa labas baka landiin niya yung bebe mo at tsaka sila yung -----" napabangon na ako at tsaka lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan.

Nakita ko naman ang isang balot na balot mula ulo hanggang paa na babae , mukhang si lara nga ito.

Totoo din yung sabi niya na nandito si sheki at tinutulungan niya si lara na tanggalin yung nga nakalagay sa kanya.

"Bonitah?! Ilayo mo yang maduduming kamay mo sa girlfriend ko! Ang sabi ko layo!" Inis na sabi ko nakita ko namang ngumiti lang ng nakakaloko tong si Lara.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now