C7

474 46 2
                                    

Frances Pov

Pauwi na ako ngayon gosh sobrang ganda talaga ni miss ella sayang at hindi ko din nakita at nahawakan ang kamay ni ate lara.

Hmp for sure ako humimlay yun si ate brei , medyo kabado nga ako ngayon na umuwi dahil pinatay ko ang phone ko para hindi makasabay si ate brei pauwi.

Damn sure din akong nasa bahay na siya ngayon mag aalas 7 na kasi ng gabi eh , bahala na atleast nakuhanan ko naman siya ng autograph ni miss ella.

Okay naman na siguro sa ganun no? Hay nako frances i ready mo nalang yang buhok mo at yung katawan mo dahil paniguradong gigil na gigil sayo yung ate mo hahah.

Nakababa na ako ng jeep nasa malayo pa ay tanaw na tanaw ko na ang nakaabang na si ate brei , gosh warla na dis self.

Napa stretching ako nang wala sa oras ngayon fudge sana hindi ako mabalian kay ate brei , gosh mom and dad sana nasa bahay na kayo please.

"G-good evening ate brei? Anong ginagawa mo dyan ngayon sa labas? Madaming lamok kaya pumasok kana sa loob ate" medyo kabadong saad ko sa kanya sinenyasan niya naman ako na lumapit aa kanya , eto na ba ang katapusan ko?

"Ate brei please I'm really sorry----" bigla niya naman akong sinipa sa may paanan tapos hineadlock niya ako, damn ang sakit nun nyeta.

Mommy and daddy I need help huhuhuhu , mukhang mapapatay ako ni ate brei sa lagay na to huhuhu.

"Sorry ba frances? Akala ko makikita ko na si ella tapos kay lara naman pala ako nakapila na booth huh! Kulang pa tong ginagawa ko sayong bata ka!" Hinila niya pa ang buhok ko habang papasok kami ng bahay , damn napaka mapanakit ni ate brei.

Ready naman ako kanina ngunit nung dumating na siya ay parang umatras ang katapangan ko.

"Brei? Anong ginagawa mo dyan sa kapatid mo? Bitawan mo na nga yang buhok niya baka makalbo na yang kapatid mo dahil dyan sa pag sabunot mo, ano na naman bang nangyari at galit na galit ka sa kapatid mo ngayon ah?!" Gosh buti naman at dumating ka mommy your my life saver huhuhu napabitaw naman si ate brei sa pagkakahawak niya sa may buhok ko.

"Eh kasi naman mommy excited na akong makita si miss ella kanina sa handshake event tapos umepal na naman tong si frances! Doon ba naman ako pinapila sa booth ni Lara eh akala ko kay miss ella yun!" Iritang sabi niya nagtago nalang muna ako sa may likuran ni mommy ngayon baka kasi hatakin niya na naman ako sa sobrang galit niya eh.

"Oh may nakuha ka bang autograph o picture ni Lara? Patingin ako anak!" Masayang sabi ni mommy na siyang ikinakunit ng noo ni ate brei , argh ang bitter talaga nito pag si ate lara ang pinag uusapan.

"Mommy naman eh! Isa ka pa argh nakakainis kayong lahat! Ackkk nakakabadtrip!!!"  Inis niyang sabi at padabog na pumunta sa may kwarto niya ngayon , for sure hindi yun kakain mamayang gabi hanggang bukas.

"Breeiii!" Tawag naman ni mommy sa kanya pero diretso diretso lang siya nang lakad , tsk mabuti pa nga siya at nasilayan niya yung kagandahan slash kapogian ni ate lara.

"Hay nako ikaw frances ang hilig mo talagang pagtripan yang ate mo , alam mo naman na sobrang idol niya yang si Ella ng winkle pop tapos pinagkait mo pa na makita niya iyun. Once in a lifetime opportunity lang yan oh since nasa japan sila namamalagi" pangangaral sa akin ni mommy napaupo na muna ako sa may upuan at napayuko lang saglit gayung nagiguilty din ako , Kasiyahan ni ate brei si ate ella ngunit ipinagkait ko pa sa kanya na makita niya yun sa personal at mahawakan.

"Mommy kasi gusto ko lang naman na makita niya si ate lara para naman nang sa ganun aymatauhan siya pag nasilayan niya yung kagandahan at kapogian ni ate lara , damn she's too hot kaya! Tapos binabash lang siya ni ate brei" rebat ko din kay mommy napahawak nalang siya sa kanyang batok at napailing iling.

"Kahit na frances?! Let her realize that  hindi yung gagawa ka ng kalokohan na ganito , I know hindi tama ang ginagawa ng ate mo pero hindi din naman tama yung ginawa mo" dagdag niyang muli saka kumuha na ng tubig sa may ref gayung nauuhaw siya ngayon.

_________

Brei's Pov

Papunta na akong classroom ngayon at nakatingin lang ako sa may baba , fudge naiirita pa din talaga ako sa nangyari kahapon , once in a lifetime opportunity lang yun eh.

Tapos hindi ko pa nakita si miss ella, damn you frances! Nakakainis ka kung hindi lang kita kapatid hay nako hindi ko nalang talaga alam yung magagawa ko pa sayo.

Nabigla naman ako nang may biglang umakbay sa akin ngayon , it was sheki kaya mas domoble yung inis ko alam ko mang aasar na naman tong bonitah na to eh.

"Kamusta? Ang pogi ni lara my loves no? Tsk sayang lang at hindi ko man lang siya nakita or nakipag kamay lang sa kanya" sambit niya sa akin bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha ngayon, kaya kinuha ko nalang yung t shirt na pinalagyan ko nang autograph ni lara kahapon.

"Oh regalo ko sayo , oo pogi siya kaya wag ka nang malungkot bonitah" ani ko sa kanya abot langit naman itong ngiti niya , para talagang timang tong babaeng to.

"Damn? Ikaw ba yan brei? Sayo ko ba talaga narinig na sinabihan mo si lara ng pogi? Hmp wag mong sabihin na humimlay kana din sa kanya ah!" Pangangantyaw niya pa sa akin napailing iling naman ako agad , tsk ako hihimlay sa kagaya niya? No freakin way no.

"Yuck sheki! Tsk pangit pala siya , nag jojoke lang talaga ako para malift up lang yung mood mo" sabi ko pa sa kanya pero hindi naman siya naging kumbinsido sa sagot ko sa kanya .

"Ey ey ey ombeng ah , halatang nagsisinungaling ka ngayon! Tsk namumula ka pa nga oh! Mukhang ano---" tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kamay ko , kasi hindi talaga siay matitigil sa pang aasar sa akin ngayon.

"Tsk shut up tara na sa classroom sheki, tama na yang pang aasar mo kasi pag nabadtrip ako baka bawiin ko pa yang t shirt na binigay ko sayo" bigla niya namang tinago yung hawak niyang tshirt at ngumiti sa akin nang nakakaloko ngayon.

"Thank you nang madami ditong ombeng! Sobra mo akong napasaya dito , yiiiee mahal ako ng bestfriend ko uwuuuu!" Sabay akbay niya sa aking muli at naglakad lakad na kami nang dahan dahan.

"Mahal kita kahit pandak ka!" Singhal ko naman sa kanya at biglang natawa ako dahil sa naging reakyon niya.

"Wow ombeng! Matangkad ka gurl?" Nakataas kilay na sabi niya pa sa akin, pinitik ko naman yung noo niya.

Tapos biglang nag flashback din sa akin yung pagpitik nung laramae na yun sa may noo ko kahapon tapos sabay ngiti.

"Hoy brei! Anong nginingiti ngiti mo dyan ngayon ah? Nababaliw kana ba?" Inirapan ko nalang si sheki tsaka naglakad nalang kami papuntang classroom.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now