C9

411 46 0
                                    

Brei's Pov

Paikot ikot lang kami ngayon dito sa mall ni sheki kasama si mark ,ewan ko ba kung bakit ako sumama dahil nag aya tong mukong na to.

Im really not comfortable talaga na kasama siya tsaka if ipipilit niya pa din yung panliligaw niya ay masasaktan lang talaga siya.

"Brei? Nakahanap kana ba ng papasukang trabaho? Ako kasi natanggap na bilang sales lady sa isang maliit na mall kaya bukas na yung start ko ng pasok" sambit ni sheki na ngayon ay puno ang bibig , kinain ba naman yung buong burger hay nako bonitah nakakhiya kay mark.

"Sana all sheki, bakit hindi mo naman sakin agad sinabi yan edi sana dun na rin ako nag apply" mataray na sabi ko sa kanya alam niya namang naghahanap din ako bakit hindi niya man lang ako sinabihan na mag aapply na siya dun.

"Isa lang kasi yung kailangan nila eh kaya ayun buti nalang at ako yung natanggap , don't worry pag hiring ulit sila ikaw na yung irerecommend ko pero matanong ko lang alam na ba yan ng mommy at daddy mo?" Tanong niya sa akin napa ew gesture nalang ako nang makitang nagsisitalsikan yung mga kinakain niya.

"Hindi pa , hindi ko muna sasabihin na magpapart time ako kasi alam kong hindi ako papayagan ,. Alam mo naman na nagsisibagsakan na nga yung grades ko tapos hindi pa ako mag po pokus sa pag aaral kaya its a big no yun kila dad" saad ko alam ko na ganun ang mangyayari eh hindi sila papayag na mag part time ako.

"Ahm brei? May alam akong pwede mong pasukan kaso pagiging secretary yung trabaho na yun" sulpot naman sa usapan nitong ni mark napatingin nalang ako sa kanya I don't know medyo duda ako pero mukhang may alam siya na nag ooffer ng trabaho.

"Oh talaga? Magkano sweldo na iooffer nila mark? G na ako dyan pag malaki yung ipapasahod sa akin need ko na magkapera talaga para sa sarili ko at makatulong man lang sa monthly bills namin" agarang tanong ko sa kanya syempre dapat ganun pag mataas yung sahod edi gora na ako kahit mahirap man yang trabaho ay papatusin ko yan.

"60k per month siya brei and hindi lang simpleng tao or business owner yung magiging boss mo dahil isa siya sa kilalang tao sa buong mundo" nanlaki naman ang mata ko nang sabihin niyang 60k? Fudge ang laki sobra.

Kilalang personalities? Okay na ako kahit artista man yung boss ko basta wag lang talaga sa winkle pop lara na yun, argh bakit ba pumasok yun sa utak ko.

"Grabe anlaki ng pasahod go na ako dyan mark , pagbubutihan ko yung pagiging secretary ko kahit sikat man yang boss ko ay makakaasa ka na gagampanan at gagalangin ko siya"sabi ko sa kanya Nakangiti naman siya ngayon as well as itong si sheki.

"Sure ka brei? Edi mamaya sasamahan na kita dun sa agency nila para pumirma ng kontrata , remember na once na nakapirma kana ng kontrata ay hindi kana pwedeng umatras kapag nalaman mo kung sino yung boss mo" medyo nag aalalang sabi niya sa akin , well ganun naman talaga lagi eh na once nakapirma kana ng kontrata ay kailangan mo nalang mag tiis sa magiging boss mo.

"Bakit parang nagbabanta ka mark hahaha keri na yan ni brei , wag niya lang talaga balakin na manuntok ng boss niya pag naiinis siya dun haha" pangangantyaw ni sheki kay mark oo nga feel ko din nagtutunog against siya na ewan eh pero go na ako dito ang laking tulong nito sa akin at sa parents ko.

Imagine 60k per month? Ang laki na nun mas malaki pa ata yun sa sweldo ng mga teacher sa school namin.

"Tanga di ako manununtok no baka makulong pa ako , di na ako aatras mark kahit anong mangyari malaking opportunity na to para kumita ako ng pera kaya hindi ko na sasayangin tong pagkakataon na ito" Sabi ko kay sheki bago siya binatukan , well aminado naman ako na pikunin ako pero hindi ko naman pwedeng saktan yung boss ko no , kahit maarte man siya or nakakairita ay kailangan ko siyang galangin.

Remember ang laki ng sweldo kaya hindi akk gagawa ng mga bagay na ikakatanggal ko sa trabahong ito not now na kailangan na kailangan ko talaga ng pera.

"O siya tara na ngayon na lang kita ihahatid doon nasabihan ko na yung kakilala ko na ikaw na yung irerecommend ko dun at pumayag naman na siya" sabi ni mark tumango nalang ako at naglakad na nga kami papuntang parking lot dahil nandun yung sasakyan niya.

Nakapasok na kami sa sasakyan at hinatid na muna ni mark si sheki sa bahay nila sapagkat need na nitong makauwi wala kasing bantay yung kapatid niya sa bahay nila dahil yung mama niya ay papasok na sa trabaho.

"See you later brei! Punta ako sa bahay niyo mamaya ah dalhin ko si nimo" sabi ni sheki sa akin tumango nalang ako at pumasok na nga siya sa loob ng bahay nila.

Tanaw ko na din yung bahay namin ngayon  nakita ko si frances na nasa labas ng bahay at nagwawalis while nag si cellphone.

"Brei may pagkain pa dyan na natira kanina yung sa inorder ko kanina sa drive thru , kainin mo na lang if nagugutom ka na mga 2-3 hours kasi yung byahe natin ngayon" sambit niya habang naka pokus pa din sa pagmamaneho ng sasakyan napatingin nalang ako sa may labas at tinanaw yung kagandahan ng paligid.

"Okay lang naman ako mark di pa ako gutom btw kaibigan mo ba yang magiging boss ko kung sakali?" Curious kong tanong sa kanya ewan pero sobrang kabado ako ngayon, what if hindi ako matanggap or ireject ako sa trabaho?

"Oo kaibigan ko siya , actually for sure matutuwa ka mamaya pag nakita mo din yung isa ko pang kaibigan" nakangiting saad niya sa akin ampogi niya din talaga eh no at mas lalo siyang pumupogi pag nakangiti ang cute ng mata niya.

"Brei?! Anyare natulala kana dyan sa akin ngayon wag kang ganyan dahil nadidistract ako sa tingin mo" natatawang saad niya sa akin inalis ko nalang yung tingin ko sa kanya baka kasi maaksidente pa kami dahil naiilang siya sa titig ko kanina

Argh umayos ka nga brei para kang ano, matagal mo naman ng alam na pogi yang si mark kaso nga lang hindi siya yung tipo mo sa lalaki.

Mukhang mas babae pa nga yan sayo sa sobrang alaga niya sa sarili at napakalinis na klase ng lalaki.

A few hour later

"Brei gising na nandito na tayo ngayon sa main building nung sinasabi ko sayo" napamulat naman ang aking mga mata damn di ko namalayan kanina na nakatulog na pala ako.

Ang balak ko lang kanina ay mag cellphone lang eh pero nakatulog pala ako sa byahe namin.

"Good morning sir , show me your Id please at kung saan kayo magtutungo na building" bungad na sabi ng guard kay mark inabot niya naman iyun at kinuha naman ni manong guard yun at ibinalik.

"Ah kay Ma'am Jam po pala , Pasok na po kayo sir and ma'am , number 34 yung office ni Ms. Jam, diretsuhin niyo lang po itong lane na to sa baba na kulay red" sabi niya pa sa amin tumango nalang si mark at tsaka naglakad na nakasunod lang ako ngayon sa may likuran niya.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now