C5

467 54 1
                                    

Brei's Pov

Nandito ako ngayon sa school at magkasama kaming dalawa ngayon ni sheki , medyo nakakalungkot lang dahil ni isang event ng Winkle Pop dito sa pilipinas ay hindi namin mapupuntahan.

Mahirapa maging mahirap talaga eh no? Hays miss ella kelan pa kita makikita sa personal? Sa second life nalang siguro eh no? Sana naman mayaman na ako that time.

"Ate Brei! Ate brei!"  Sigaw naman nang pamilyar na boses sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil yung kapatid ko nga ang tumatawag sa akin.

"Oh bakit ka tumatakbo frances anong meron bakit mo ako tinatawag?" Masungit na sabi ko ang lakas lakas ba naman ng pagkakatawag niya sa akin akala mo nasa bahay lang kami eh.

"Haa, haa, Uhmm ano kasi si kuya mark hinahanap ka ngayon may ibibigay daw siya sayo at paniguradong magugustuhan mo yun sabi niya sa akin" hingal na hingal niyang sabi sa akin, hay nako mark na naman kailan niya ba ako titigilan huh?

"Nagpauto ka naman sa kanya para hanapin lang ako? Hindi na talaga nadala yung lalaking yun , ilang beses ko na siyang binasted ah" iritang sabi ko pangiti ngiti lang naman tong katabi ko sa gilid ano na naman kayang naisipan nitong ni sheki.

"Anong nagpauto ka dyan sinuhulan niya ako para hanapin ka oh tignan mo! May easy 1k agad ako kaya bilisan mo na puntahan mo na siya" nakangiting sabi niya abay mukhang pera talaga tong batang to pag nalaman ni mom at daddy na naging pulubi na ang anak nila patay talaga siya.

"Paano kung ayaw ko frances at tsaka ibalik mo nga yang binigay niya sayo para kang pulubi na namalimos sa kanya Frances! Isusumbong talag kita kay mom and dad!" Pagbabanta ko pa sa kanya tinaasan niya naman ako nang kilay abay napaka attitude talaga saan ba to nagmana ah.

"Sige isusumbong din kita na bumagsak sa isang subject mo , ayan kinarma kana dahil sa pambabash mo kay ate lara" nanlaki naman ang mga mata ko fudge saan niya nalaman na bumagsak ako sa isang subject ko? Maliban nalang kung may nagsabi sa kanya na kaklase ko pero malabo naman dahil wala naman siyang kakilala sa mga classmates ko maliban kay sheki.

"Kanino mo naman nalaman yan frances , anong bagsak pinagsasabi mo ako babagsak sa subject ko?" Pagkakaila ko pa baka sakaling umipekto sa kanya yung sinasabi ko , tiyak na malalagot na naman ako kila mom and dad pag nalaman nilang bumagsak ako.

"Oo galing na nga mismo yan kay ate sheki eh tapos may sinend pa siya na picture sa akin" napatingin naman ako sa gilid ko fudge akala ko pa naman tatahimik lang siya eh mas mabilis pa pala siya kay the flash na sabihin niya sa kapatid ko na bumagsak ako.

"Langya ka bonitah bumalik ka ditong traydor ka! Fudge okay lang isang subject lang naman yun makakabawi din ako" nakangiting tumatakbo palayo sa akin ni sheki , lagot ka talagang pandak ka sakin pag nakita kita or naabutan kita mamaya.

"Kaya puntahan mo na si kuya mark doon , wag kang mag aalala sinabihan ko na siya na utusan niya nalang yung prof mo na taasan grades mo ng unti para di ka bumagsak haha" pangungumbinsi niya pa sa akin hay nako mukhang wala na nga akong choice kundi puntahan yung mark na yun magagamit ko din yung pagkagusto niya sa akin upang makapasa ako.

"Nasaan ba siya ngayon ah?" Nagtatakang tanong ko rito saka napatingin tingin sa paligid ko.

"Nasa may cafeteria hinihintay ka! Sige aalis na ako at may pasok pa ako ngayon bye ate brei!"  Nagmamadaling sabi niya saka tumakbo na ang loka loka , hinawi niya pa nga yung buhok niya sa may mukha ko nung umalis siya.

Haba ng hair na yarn? Kalbuhin kitang bata ka eh , argh nakakainis ka talaga bonita.

"Lagot ka talaga sa akin bonitah babawian talaga kita mamaya pag nakita kitang pandak ka?! Ackk nakakainis!" Inis na sabi ko bago nagpunta sa may cafeteria , hinahanap ng mata ko si mark ngayon.

Nasaan na kaya yun? Sa dami ba naman ng taong nandito sa cafeteria imposible namang makita ko siya agad.

"Brei? I'm glad na nakapunta ka dito ngayon" napalingon nalang ako at nakita ko si mark na nakangiti nang abot langit ganito na ba ako kaganda at adik na adik siya sa akin?

Pogi naman siya na chinitonat ang daming nagkakagusto sa kanya pero bakit ako pa ang nagustuhan niya? Wala naman akong maipagmamamalaki kundi yung singing skills ko lang naman.

Mahirap ako , maingay , madalas napapaway ano kayang katangian ang nagustuhan niya sa akin? Maliban sa maganda ako?

Wow brei buhat bangko ah? Hahaha well maganda naman kasi talaga ako.

"Upo muna tayo doon brei , nasa bag ko kasi yung ibibigay ko sayo actually nakaraan ko pa sana gustong iabot yun kaso hindi kita makita dito sa school nahihiya din akong puntahan ka sa bahay niyo" mahabang sabi niya naupo na kami sa may table niya at may nakalagay na doon na burger,  fries , pizza at dalawang drinks tapos may cake pa.

Ang sarap din maging maging mayaman eh no? Nabibili mo yung gusto mong kainin at iba pa.

Mayama naman kasi kami dati eh kaso nga lang na iscam yung pera na ininvest ni daddy sa isang kumpanya at hanggang ngayon hindi pa natatagpuan o nahuhuli yung scammer na yun.

"Ahm ano na ba yung ibibigay mo mark? May pasok pa kasi ako eh kaya hindi na akong pwedeng magtagal dito ngayon" medyo nahihiyang sabi ko , may hiya pa ako sa lagay na to? Eh nakikikain na nga lang ako ng pagkain niya ngayon.

"I'ved noticed kasi na fan ka ng Winkle Pop and narinig ko din na hindi ka nakabili ng ticket nila kahit sa handshake , meet and greet at pati sa concert kaya naisipan kong bilhan ka nakaraan ng ticket sa meet and greet dahil ayun nalang ang available nung nagpunta ako ng mall" napatulala nalang ako nang iabot sa akin ni mark ang dalawang ticket ng meet and greet para sa winkle pop.

"Omg legit ba to mark? Talaga bang ibibigay mo sa akin to? Omg thank you talaga huhu" napayakap naman ako sa kanya sa sobrang saya ko , here we come makikita na sin kita sa wakas Winkle Pop Ella Mae Amat.

"You're welcome brei , isama mo nalang si sheki or si frances dyan gusto ko sanang sumama din kasi need ako ng kapatid ko that time eh" napakamot nalang siya sa kanyang ulo habang nakangiti mas lalo siyang pumopogi sa tuwing nahihiya siya.

Nasa kanya na laaht ng katangian na ninanais ng iba pero ewan ko ba hindi ko talaga siya makita na magiging future boyfriend ko kasi parang hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

Nginitian ko nalang siya bago masayang umalis dahil may pasok pa ako , awoo excited na akong makita ka miss ella.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now