C6

474 51 0
                                    

Frances Pov

Nakapila na ako ngayon sa booth kung saan naroroon si Miss Ella , yeah si miss ella na sobrang hinahanggaan ni ate brei.

Gusto ko kasi siyang pagtripan ngayon haha ang buong akala niya ay nakapila siya sa kanyang pinakamamahal na si miss ella pero ang hindi niya inaakala ay kay Ate lara siya nakapila na booth.

Ewan ko nalang kung anong gawin ng babaeng yun paniguradong hindi lang sapak , tadyak at sampal ang makukuha ko sa kanya pero okay lang yun dahil ready naman na ako doon bago ko ginawa ito hihi.

Ang gusto ko lang naman mangyari ay makita niya ng malapitan si ate lara tapos doon niya marealized na sobrang gandang pogi nito para na din mag stop na siya sa kakabash niya doon.

Argh ewan gustong gusto ko din makita si ate lara kaso nga lang need ko mag sacrifice para lang mapagtripan si ate brei , okay lang naman sa akin na si ate ella ang makita ko ngayon.

Pero hindi ko lang alam kay ate brei hahaha sana hindi siya gumawa ng eksena ngayon dahil sobrang nakakahiya yun pag nagkataon.

Tanaw ko na siya na malapit na siyang makapasok sa mini room ni ate lara , goodluck ate brei haha sana unting gulpi lang ang makuha ko sayo mamaya.

Ack Rip sa pangarap kong makita si Idol lara pero I know na everything will be worth naman kaya sana lang mag behave si Ate Brei gayung magiging laman siya ng diyaryo at sa tv kapag gumawa siya ng eksena sa sikat na Handshake event ng Winkle Pop.

Brei's Pov

Kasama ko ngayon si Frances ngayon sa Mall of Asia Arena dito kasi iheheld yung Handshake Event ng Winkle Pop at sobrang excited na ako dahil maya maya ay makikita at mahahawakan ko pa ang kamay ni Ms. Ella.

Argh ang haba ng pila  kaya need kong magtiis ngayon para lamang makita ko mamaya si Ella my loves , si Frances naman ay nasa kabilang banda at nakapila doon sa lara mae na yun.

Tsk tuwang tuwa naman ang loka gayung makikita niya na yung idol na idol niya maya maya.

Nagsi cellphone nalang ako ngayon sayang at wala si bonitah , dalawa lang kasi binigay ni mark na ticket eh kaya pipicturan ko nalang si Ms. Ella para sa kanya on the other hand si frances na ang bahala sa picture nung unggoy na lara na yun.

Mahigit isang oras na ang lumipas ngayon at tatlong tao nalang ang nasa unahan ko , argh malapit na akong makapasok don sa mini room na kinaroroonan ni miss ella.

Sobrang kabado ako ngayon ,argh for sure mauutal ako pag nakipag usap kahit saglit lang kay ella or baka matulala nalang ako sa sobrang ganda niya.

"Miss ikaw na po yung next , yung rules po ah bawal po yakapin ang member or halikan , malinaw po ba?" Grabe naman tong si kuyang guard , sino ba maglalakas loob na gawin yun? Walang hiyang tao nalang siguro pero hindi ako isa don no ginagalang ko ang member at yung personal space din nila.

"Yes po manong guard" tumango na ako ewan ko ah habang naglalakad ako papuntang mini room ay nanginginig yung mga paa at kamay ko ngayon.

Damn kumalma ka brei malapit muna makita yung idolo mo oh, hindi ito ang oras upang kabahan ka dapat nga excited ka eh.

Pagkapasok ko sa loob ay hindi inaasahang mukha ang nakita ko , wait nasaan si miss ella? At bakit itong babaeng pinaka ayaw ko makita ang nandito ngayon.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now