C15

437 45 2
                                    

Ella's Pov

Nakarating na kami ng boracay kanina pa mga 8pm ata kasama ko din si mark ngayon dahil pinapunta din siya ni coleen so bali walang single dito sa squad namin sapagkat wala naman dito si Lara.

Argh ano na naman kayang ginagawa ng kumag na yun, kahit nakakainis siya ay naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganun.

Nandito pa din ako lagi sa kanya kahit ipagtabuyan niya ako,. Napatingin naman ako sa mommy and daddy ni lara ngayon.

Sila ang nag uutos na magbigay ng madaming pagkain dito sa lamesa namin sa staff nila , sila ang may ari ng beach na ito kaya makakalibre talaga ang management kung dito ihiheld yung celebration namin.

"Tawagin niyo lang yung nga staff coach kapag kulang pa itong nga pagkain! May aasikasuhin mo na kami sa labas" sabi naman ng daddy ni Lara , mabait naman si tito pero sobrang sama ng ugali niya pag kay lara na.

Yung feeling na parang grabe yung galit niya kay lara nung sumali ito sa Idol group imbes na magpokus sa business nila.

"Babe? Okay ka lang ba? Tama na kakatitig sa kanila baka pag nakita ka nilang nakatingin ay akalain nilang malaki din ang galit mo sa kanila,. Let's enjoy the night nalang" sabi ni mark habang nakaakbay sa akin nginitian ko nalang siya at napatingin sa may cellphone ko nakailang tawag na ako kay lara pero ni isa ay hindi niya sinasagot.

Or kahit text ko man lang ay wala akong natatanggap na kahit ano sa kanya , gusto kong humingi ng tawad sa nasabi ko kanina sa kanya hindi ko naman nais na iinvalidate yung nararamdaman niya sadyang ayaw ko lanh siyang nahihirapan.

At mapuno na siya ng sobra sa galit sa kanyang mga magulang, ayoko na makita siyang nasasaktan kaya nais ko din siyang tulungan na mai let go niya na yung galit niya at matutunan niyang magpatawad sa ginawa noon ng parents niya hindi lang sa pag sasabotage ng audition papers niya sa pagiging Idol.

"Ella? I shot mo nalang yang iniisip mo! Oh ito oh para naman hindi ka lang nakatulala dyan" sabi ni ate abby at binigyan ako ng isang baso na puno ng alak kinuha naman iyon ni mark at siya na ang uminom nun.

"Argh ang killjoy mo naman mark! Para kay ella yun eh!" Sabi naman ni ate abby kay mark, hinawakan ko naman ang mga kamay nito.

"Wag ka masyadong magpakalasing sapagkat hindi kita maaalagaan sa room babe" mahinang bulong ko dito habang hawak hawak ang isang kamay niya sa may ilalim ng lamesa.

Tinanggal niya na yung pagkakaakbay niya sa akin sapagkat baka may makakita pang iba , mahirap na at baka may nakamasid sa amin.

Ayoko din naman na itago yung relasyon namin pero alang alang sa career ko ay kailangan naming magtago.

Silang lahat ay okay lang maging sweet kasi ship naman sila pero ako? Wala akong ka ship kasi sobrang korni ni lara kasama.

Hindi man lang marunong umakting na sweet kami nang sa ganun ay makatakas ako sa ibang rumor na may boyfriend ako.

"Sayang at wala si lara,. Wala tuloy akong kasabayan sa pag iinom, argh ate sela payagan niyo na si ate abby na uminom ng marami!" Pagmamaktol ni gabb na sobrang namumula na ngayon habang nakaakbay kay coleen.

"Hindi pwede gabb sapagkat alam mo naman na grabe to magka hang over si abby" sabi naman ni ate sel kay gabb napatango nalang siya alam niya kasing mabilis din malasing tong si abby.

"Hey guyz?!" Nabigla naman kami nang biglang may magsalita it was Lara na kasama ngayon si brei.

Nakangiti siya ngayon ano kayang meron at nagpabago sa mood niya.

"Damn lara! Glad that you're here! Buti at naisipan niyong sumunod! Oh hi brei, mukhang ikaw ang nagpaamo sa boss mo ah!" Pangangantyaw pa ni coleen sa kanila , nginitian ko lang silang dalawa nung tumingin sila sa akin.

Naupo na sila sa may upuan ,saktong pagkaupo nila ang siyang pagdating nila coach jam kasama ang parents ni Lara.

"Oh Lara! Glad that you make it here!" Masayang sabi ni coach jam kay lara pero hindi naman siya nilingon nito, papalapit ng papalapit yung parents ni lara hanggang sa hinawakan na siya sa may balikat ng mommy niya.

"Anak?! Can we talk?" Sabi ng mommy niya at halata ang pananabik niya sa kanyang anak , feeling ko gusto niya nang yakapin si lara kaso nga lang baka ipahiya siya nito sa harao namin.

"Kung inaakala niyo ay nagpunta ako dito dahil sa inyo ay nagkakamali kayo,. Im here to enjoy as a Winkle Pop Lara Mae! Kaya please lang lubayan niyo ako and could you please stop touching me?" Iritang aniya niya napatingin naman kaming lahat sa reaksyon ng parents niya , yung daddy niya napakuyom nalang ng kamao sabay hablot kay lara sa may kwelyo nito.

"Ganyan ka na ba kabastos huh?! Nakikiusap ng maayos yung mom mo tapos ganyan isasagot mo?! Alam mo mukhang namiss mo yung sinturon ko!" Tinitigan lang siya ni lara ng walang emosyon , tatayo na sana ako para tulungan si lara nang biglang..

"Mawalang galang lang po,. Bitawan niyo po siya , kung ayaw niya po kayo ng kausapin then let her be ,madami pong nakatingin na tao at hindi niyo po nanaisin na may makakita na ginaganyan niyo yung isang member ng sikat na group sa japan na winkle pop" napalunok naman ako ng ilang beses sa gulat nang magsalita si brei habang hawak hawak nito si lara at pilit na inaalis yung hawak ng daddy ni lara sa kwelyo nito.

"At sino ka naman?" Binitawan na ng daddy niya si Lara at kasabay naman nun ang pagtanong niya sa katauhan ni brei.

"I'm her secretary----" naputol ang sasabihin ni brei nang bigla siyang hilahin ni lara sabay inakbayan.

"She's my girlfriend!" Sabi ni lara na ikinanlaki ng mga mata namin , lumapit naman si miss jam kay brei upang kumpirmahin kung totoo ba yung sinasabi ni lara.

"Hmp! Kung ayaw mo kaminh kausapin then itong maliit na ito ang kakausapin namin" sabay hila ng daddy niya kay brei , hindi naman na nakapalag si brei dahil sa mabilisang paghila sa kanya nito.

Napakuha naman ng isang baso na puno ng alak si lara at tsaka ininom iyon at sinundan din yung mom and dad niya na hinihila si brei papuntang loob ng rest house nila.

"Legit ba miss jam? Anong sabi ni brei?! Sumang ayon ba siya?" Tanong naman ni gabb kay miss jam , napatango naman si miss jam sa tanong ni gabb.

"Naks! Pa simpleng da moves din pala tong si Lara! Boss Larami lang sakalam!" Aniya niya pa sabay kuha muli ng inumin at nilagok niya iyon.

"Malaking gulo tong pinasok ni brei! Ang sabi ko gawin yung trabaho niya ng tama hindi yung mahalin yung boss niya!" Medyo inis na sabi ni miss jam , alam kong nag aalala siya na baka may kumalat na rumor ngayon tungkol dito.

Pero sana naman ay wala sapagkat manganganib ang career ni lara pag napatunayan na magkarelasyon sila ni brei , kaya nga doble din ang pag iingat namin ni mark pag nag iisneakin kami sa labas na dalawa.

"Let her be coach! We are all fools in Love ,. Sa kalagayan niya ngayon alam niya yung pinapasok niya at kung saan siya masaya dapat ay suportahan natin siya kagaya ng pagsuporta niya sa aming lahat" aniya ni ate abby sang ayon naman kaming lahat doon, minsan lang namin makitang masaya si lara at ngayon yung araw na iyon.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now