Chapter Seven

307 12 0
                                    

Forgiveness

Nang makarating na ako sa bahay, agad akong sinalubong nina nay rosie.

"Mga iho nandito na ang kapatid niyo!"sigaw niyang sabi.

Agad naman akong nakarinig ng mga yabag ng mga paang palapit samin.

Agad naman lumapit sakin ang mga Kuya ko at niyakap ako ng mahigpit.

"A-ano ba! H-hindi na a-ako ma-ka-hi-nga!" Hirap kong sabi na agad naman silang bumitaw at nang tinignan ko sila isa-isa bakas sa mga mukha nila ang saya na makita ako at nag-aalala nilang tingin sakin.

"Saan ka ba nanggaling?"tanong ni Kuya Marcus.

"Alam mo bang kung saan-saan ka namin hinanap!"nag-aalalang sabi ni Kuya Xander.

"Akala namin kung ano na ang nangyari sayo!" Kuya Clyde said, his voice broke.

"Alam namin na galit ka samin.... pero sana nagpaalam ka samin na mawawala ka ng dalawang araw!" Kuya Ford said.

"Kung hindi pa sinabi samin ng mga kaibigan mo na sumama ka sa outing nang pinsan natin hindi pa namin malalaman." Kuya Jeydon said.

Naluluha ko silang tinignan. Lumapit sakin si Kuya Marky at hinawakan ako.

"Bakit parang pumayat ka?"nakakunot niyang tanong.

"H-hindi naman, sadyang payat naman na talaga ako."sabi ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Tumingin ako kay Kuya Third na lumuhang nakatingin sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, napasinghap silang lahat sa ginawa ko.

"Shhhh."yumakap din siya sakin nang sobrang higpit.

Nang naramdaman kong kumalma na siya ay agad akong bumitaw at ngumiti sa kanya.

"Ang daya si Kuya Third niyakap samantalang kami hindi. Siya lang ba ang Kuya mo!"nagtatampo nilang sabi kaya agad akong lumapit sa kanila at niyakap sila isa-isa.

Lumayo ako nang bahagya sa kanila at nakangiting lumuluha sa kanila.

"Sorry kung pinag-aalala ko kayo."I said softly.

"Ibig bang sabihin nito okay na tayo na napatawad muna kami?"masayang sabi ni Kuya Clyde.

Tumingin ako sa kanila, baka this is the right time na patawarin sila. Tama si Ate Cathy kailangan ko ding malaman ang reason nila. Pero hindi ibig sabihin na napatawad ko na sila ay sasabihin ko na ang tungkol sa sakit ko, hindi pa ako ready sabihin sa kanila.

"Yes."Masayang sabi ko agad-agad naman nila akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak sila. Ang sarap sa feeling na kasama ko sila ulit at ayos na kami ulit.

Bumitaw silang lahat sakin at masayang tumingin sakin.

"Sorry, kung hindi kami nagparamdam at nakabalik sayo. Maniwala ka walang araw na hindi ka namin iniisip. Lagi kaming tumatawag kay nay rosie para kamustahin ka."naluluhang sabi ni Kuya Clyde. Tumingin ako kay nay rosie na ngayon ay masayang umiiyak habang nakatingin samin nang tumingin siya sakin ngumiti at tumango siya.

"Bakit kay nay rosie lang kayo tumatawag bakit hindi sakin?" I frowned at their question. Kuya Third grabbed me and presented me to him.

"Dahil kapag narinig namin ang boses baka umuwi kami agad dito which is ayaw namin mangyari."sabi niya.

"Why?" I asked him.

"Because we need to stay away from you to protect you from our business opponents. Dahil alam nila na ikaw ang kahinaan naming lahat. We love you so .... it's hard for us to stay away from you."mahinahong niyang sabi.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now